Gabrielle's POV
Si Babs ang unang pumasok sa F.room, pagkapasok niya ay bigla siyang natigilan. Seconds passed, hindi parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya at nakatitig lang sa mga taong nasa tapat ng table ni Sir. Sinundan ko ang tinitignan niya, nang makita ko ito ay biglang nag init ang ulo. 2 evils.
Naiinis ako. Sobra!
"Anong ginagawa niyo dito?! Ha?! Ang kapal din naman ng mga pagmumukha niyong magpakita pa kay Babs! Para ano?! Ipamukhang going strong kayo?! Well, the hell we care! Please naman oh! Tama na yung sakit na ibinigay niyo sa kanya! Tama naaa!" Hiningal ako pagkatapos ko silang sigawan. Sobra na. Tama na. Nasaktan na siya ng sobra eh.
Hindi ko napansin na pinalabas na nila sila Ai. Kami-kami nalang ang nandito. Pati si Sir nandito at pinipigilan ako. I glared to them ng makita kong napayuko si Babs. Alam ko, konting salita nalang, babagsak na ang luhang pinipigilan niya. Lahat ng nandito ay nagtataka except of course, for me and Babs. I heaved a deep sigh. Bakit ba nagpakita sila?!
Devonne just rolled her eyes. Its as if, walang kwenta ang nasa harapan niya. Walang siyang pinagbago. She's bitch as ever. Fame whore!
"Chill Miss Lim. Sa labas niyo pag usapan yan. We're here to discuss about the modelling thingy. Mamaya niyo na pagtalunan yang issues niyo. Anyway, let's start this" Sir said then start explaining about the modelling
He said, that Devonne is the president and Terrence is the V.Pres of the photography club. So that only means na sila ang makakatrabaho namin. Yung sa clothes ay may participation of Sofisticada. Yung botique na pag mamay-ari ng Mommy ni Babs. Oo, kanila yun kaya ayaw niya dun. Alam niya kasing high-quality and mahal ang tinda dun.
Nasabi din na may idadagdag na lalaki. Bali magiging pito ang mag momodel. Nung sinabi ni Sir kung sino yung madadagdag, gumaan ng kaunti yung nararamdaman namin ni Babs. Paanong hindi? Pinsan niya lang naman ang madadagdag. Ang mga pinsang niya over-protective. Kala mo kapatid nila si Babs. Haha. Okay na yun. Atleast, that news made the mood lighter.
(Beatrice)
Pagkatapos noon ay umuwi na kami. Bukas daw excused ulit. Pupunta daw kami sa isang lugar para doon pag usapan ang magiging photoshoot. Pag daw nagustuhan ng head ng Sofisticada, which is Mommy, yung magiging kuha namin, gagawin niya kaming model and endorser ng Sofisticada. It's also a big break for the Photography club, maraming professionals ang mag ja-judge sa mga magiging kuha namin.
And I wish, maging maayos 'tong project na 'to. Kung big break sa kanila 'to, well pati rin samin. And sana, magustuhan ni Mommy. Kahit kasi anak ako ni Mommy, wala siyang pakialam. All she wants is me, getting what I want, sa pag sisikap ko. Tsaka, walang exception sa kanya kung anak niya ko. Dapat daw makuha ko yun ng may pagsisikap. Sigh. Si mommy talaga ang best mom ever :)
*Kinabukasan*
Nagising ako dahil sa may maliit na kamay na nag lalakbay sa mukha ko. De joke XD Hinahawakan niya kasi yung mga parte ng mukha ko. My lips, Eyebrows, Nose etc. At nakikiliti na ako.
Out of nowhere, bigla kong hinawakan ang kamay niya at niyakap siya ng sobrang higpiiiit. Haha
"Hihihi~ Mommy~ Hihi. Haha" She said while laughing. Ang cute niya talaga. Haha.
"Wait, where's my kiss?" I said then lapit ng mukha ko sa kanya
*Chuuuuu~
Pagkatapos ng morning kulitan session namin ay bumaba na kami. Mejo marunong na siyang magsalita. Kaso bulol pa talaga. Sabagay, Mag iisang taon palang siya.
Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay pinakiusapan ko muna si Ai na mag stay lang sa bahay. Sabi ni Mommy siya na daw bahala kay Ai, and siya narin daw ang bahala sa gown na isusuot ko.
Ay nako, ang mommy ko talaga, 16 palang ako niyan ha? Bahala nga siya. Yan kasiyahan ni Mommy eh :)
Nagpahatid nako sa driver namin sa school, dun daw muna kasi kami, para sabay sabay ng pumunta sa location ng pag shu-shooting-an.
When we arrived, everything and everyone is ready. Onting discussion lang and off we go.
Starting on Monday, our sched will be:
7:30am to 3:00pm =School classes
4:00pm to 7:00pm =Pictorial time
Nakaasar na sched yan. Gabi lang ang free time. Anyways that for one week lang naman.
Malapit narin pala yung School fest, at dahil kami-kami paring magkakaklase sa dalawang club, napagdesisyonan namin na mini restau nalang ang samin.
"Babs, let's go."
Onting biyahe lang we're at the location na. The location is like a vampire theme. Oh-kay. So it is. Vampire. Mommy's here also. syempre, design niya 'to. -__________-
Pinapunta na kami sa isang tent. Iba ang tent ng girls sa boys. Pagkapasok namin sa tent ay inayusan na agad kami, while the photographers starts preparing the set.
May mga nakaalalay din sa kanilang mga prof sa photography. Samin naman ay siyempre, mga professional na make up artists. Mind you, Mommy's there, kaya hindi niya hahayaang kung sino lang ang humawak sa mukha ng anak niya. Nasabi nga rin pala ni Mommy na mamaya dadating sila Ai. Sigh. Namiss ko tuloy
After we got dressed, pinalabas na kami. And I really hate it. Its not my thing FYI
We all got shocked when someone just screamed carefree. "Princeeeeeees!" Oh. It's my cousin's.
"Hi kuya Bryle and Kuya Dhane! ^_^" I said then hug.then tightly "I miss the both of you. Wait, I hate you! Bakit hindi kayo nagrereply sa mga messages ko!" I shouted at them. Nakakatampo kayaaa~
"Princess naman. We're a model na kaya medyo busy na kami. Wag ka na magtampo princess ^_^" Kuya Dhane said habang yinayakap ako. Bumabawi 'to -______- "Sige na nga ^_^" I said while we still hugging each others. Haha
We're so happy na sana kaso someone interrupted us -________- "Stop that bullcrap. Pumunta na nga kayo sa mga pwesto niyo. Dun ang girls and dun ang boys! Bilis!" The bitch as ever said, Devonne
"Stop yelling!" The Saint said, Terrence -__________-
"Psh" Devonne hissed then walk out. I don't care
I just rolled my eyes then walk to my respective area. Sinalubong ako nina Gabs with a concerned look. Kami nalang pala ng mga pinsan ko ang hinihintay. Boys ang inunang kuhaan. And I admit it. They all look so hot and admirable on their suits. Bukas na daw sisimulan yung isa-isa kami. Yung lahatan na muna ang gagawin namin ngayon.
Then time pass by, it's already 12:00 noon. They said na mag lunch break na. One hour of pahinga then start na ulit. Boys parin. Hindi kasi sila magkasundo-sundo sa poses nila. Galit na galit na nga si Devonne eh. At sisiguraduhin kong gagalingan ko para hindi niya ako pintasan. Aba, tama na yung dati 'no.
Kung ipahihiya ko pa ang sarili ko ngayon sa harap niya, sa mommy ko at mga kaibigan niya, that's too much. I deserve better than that. Note that
Pumunta kami sa malapit na restaurant at dun kumain, sa isang table ay kami-kaming magkakaibigan lamang.
"Babs, hindi ka ba nahihirapan? Sabihin mo lang kung oo. Kasi aayaw na agad tayo dito. Kaya naman natin mag model for Sofisticada without the help of them. Ano?" Gabs said with a concerned look. She's just goddamned kind. Kahit dream niya ipagpapalit niya for me. But anyway mas gusto niyang maging actress.
"I'm okay Gabs. Don't worry 'bout me. Umm, actually, I need your help. Can I?" I really need them. Damn it! Bakit ba kasi hindi ko alam ang salitang Fashion?!
"Anything for our princess." They said in unison. I discussed them kung ano ang gusto kong mangyari. They all agreed.
*smirk*
They will see the better me. Hindi yung babaeng sinaktan nila 1 year ago.
Magsisisi sila

BINABASA MO ANG
Same Fate
Teen FictionWe have a Same Fate. And obviously, It's unlucky Enjoy! ♥ Hope you like it! ♥