Wala na ba si Sir Sakin? Part 7

239 5 0
                                    

Part 7

“nagkamali ka lang aayaw kana? Di ka man magtagumpay sa unang subok, malay mo sa pangalawa maitama mo na J”

Nagluto ako ng almusal namin ni Yana this time hindi na sunog.

Natatawa ako at nahihiya sa mga ppangyayari na nakalimutan ko na ang tungkol dun sa problema namin ni Xeline.

Pero ngayon nabanggit ko uli, naalala ko na naman. Ano kaya gagawin ko?

Paano kung malaman na ako ang boyfriend niya? Ano ang gagawin ko? Natatakot ako sa totoo lang pero kailangan kong panindigan ang kung anong meron samin ni Xeline.

Naupo lang ako sa harap ng pool na nilinis namin. Halos mapuno to ng tubig dahil sa pag-ulan kagabi.

Naisipan kong linisin nalang ang pool baka sakaling maging maayos ang utak ko habang naglilinis ako.

Habang naglilinis ako nakita ko si Yana na nasa kitchen na. May napansin akong kakaiba, iba ang pananamit ngayon ni Yana. Kadalasan kapag matutulog lang siya naka t-shirt, pero ngayon naka tshirt siya kahit di gabi.

Me: Yana! Kumain kana dyan ipinaglluto kita! Di na sunog yan!

Inirapan lang ako ni Yana galit pa din ata sakn.

Me: oi napapano ka ba? Wala akong ginawa ok!

Yana: kahit na!

Humarap sakin si Yana. Napansin ko ung tshirt niya. Pamilyar talaga.

Lumapit si Yana sakin habang nagsasalita pero hindi ko pinapansin mga sinasabi niya nakatingin lang ako sa tshirt niya.

Yana: oi ano na namang  tinitingnan mo! (taklob ng kamay sa katawan niya)

Me: ahhh Yana? Damit ko yan diba? Iyan ung sinuot ko sayo kagabi diba?

Yana: oo bakit? Sayang ehh sinuot ko na kesa maglalaba uli… tyaka di naman napawisan kaya ginamit ko muna! (sabay talikod at pumunta sa kitchen)

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Halos tapos ko ng linisin ang pool at lalagyan ko na sana ng tubig ung pool ng maalala ko. Nabasa nga pala ang phone ko.

Dali dali akong tumakbo sa kwarto ko at tiningnan ang phone ko.

Mukang maswerte ako… hindi nabasa ang sim card… pero sira ang phone ko. Wala akong gagamiting phone kaya nagtanong ako kay Yana kung may extrang phone siya. Pinahiram naman niya ako ng phone, medyo nahiya lang ako kasi ang extra phone niya ehh maganda pa sa phone kong nasira.

Agad agad kong bimuksan ang phone na pinahiram niya at nagulat ako ang daming messege na mula kay  Xeline. Binasa ko ang mga laman ng messege ni Xeline.

Text:

Msg1: Jesh kahit anong mangyari wag ka munang magtetext ha…

Msg2: Jesh pinipilit ako ni Daddy na ibigay ko daw ung phone ko pero di ko binigay… magtetext ako sayo na iba gamit kong number wit mo ko magtext ha wag na wag kang magtetext sa number na to ok?

Hindi ko pa nababasa lahat ng messge may nareicive akong tawag mula sa number ni Xeline.

Call:

Me: hello Xeline?

Boses: So ikaw pala  ang boyfriend ng anak ko! Wag na wag ka nang magpapakita at magpaparamdam sa anak ko ha! Ipapakulong kita kung sino ka mang walangya ka! Mukang matanda na ang boses mo ah! Di kana nahiya bata ang pinapatulan mo! kapag nalaman ko kung sino kang tarantado ka ipapakulong talaga kita!

Si sir inlove sakin? (Next chapter na: Babalik pa ba Siya Sakin?) (updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon