Wala na ba si Sir Sakin? Pat 2

340 7 2
                                    

“Nakakapikon tong nangyayari sakin ha! Bakit ba walang nagsabi sakin na ganito mangyayari! Ang ganda ganda ng mood ko tapos ganito! Hay! Bwiset!”

Tinawagan ko ang boss ko para itanong kung ano ang nangyari pero Sh!$ naman! Out of coverage! Gash! Manila to! Sang lupalop un sumuot at walang signal! Sinubukan kong tawagan si Mrs. Valdez.

Calling.

Calling…..

(clangk)

Mrs. Valdez: sir Jesh napatawag ka nasa middle ako ng isang transaction, if may sasabihin ka makikibilis lang nagmamadali ako.

Me: Mam… may kinalaman po ba kayo sa pagkalock ng bahay ko? At muka pong wala akong gamit sa loob nitong bahay ko…

Mrs. Valdez: diba I inform you na Thursday ang simula mo sa bahay?

Me: yes Mam I am very aware of that! Pero Mam Wednesday palang po ngayon!

Mrs. Valdez: Opps my mistake sir. Sorry di ko na kasi marecognize ang araw. Di ko napansin if anong araw na. by the way sir pinahakot ko na lahat ng gamit mo sa bahay namin. Goodbye continue ko na tong ginagawa ko. (baba ang phone)

Me: shemay!!!!! Bakit laging ganito! Naku Mrs Valdez! Pasalamat ka at binabayaran mo ko! Naku!!!!!!!!!!!!!

Ano pa ba ang gagawin ko? Maghihiyaw? Magwala? Anong magagawa nun? Mahihigaan ko ba un? hay… Ang kailangan ko ehh matutuluyan! Naman ohhh saan ako matutulog? 500 nalang pera ko… nasa cabinet ko ung iba. Malas! Ang saya na sana eh! Nakuha ko na ung babaeng pinaghirapan ko at mahal ko pero bakit naman ganito!

Tinext ko si Xeline magbabaka sakali if pwede muna ako makituloy…

Hay… 1 oras na ako nag-iintay ng reply wala… malamang tulog na un 12:30 na kasi hay! I think no choice na ako, pupunta nalang ako sa bahay nina Mrs. Valdez… AT SANA may gising pa.

Nakarating ako sa bahay nina Mrs Valdez. Village so walang tricycle o jip, napilitan akong magtaxi, kapag walang sumagot sakin dito at nagbukas ng pinto lagot ako… 240 nalang natira sa pera ko hay! Namumulubi ako! Wala naman akong ibang magagawa so kumatok nalang ako…

Una mahina. Alam niyo naman sa mga ganitong bahay dapat magalang ka. Malaki e pangmayaman, mas malaki pa sa bahay nina Mam Clowy.

“Hmmm baka nasa kusina ung mga katulong… “

Ikalawang katok, medyo malakas na. Para marinig if nasa kitchen or sala. Baka naglilinis ehhh

“ahhhh baka nasa C.r? medyo lakasan ko pa”

Ikatlong katok, may force na… para marinig kung nasa kulong na lugar….

“teka? Bwiset na ahhh! Kung nasa cr man dapat narinig na yun! oy tao po!”

Napikon na ako, ikaw ba naman ang nasa labas, malamok at malamig pa! anong gagawin ko? Wala na akong tutuluyan. Walang maaabot ang 240 ko, kahit 3 hour sa mga nakikita ko sa motel di pa aabot! Badtrip naman ohhhh!

Ang laki laki nga ng bahay pero bakit naman ganito? Parang walang tao?

Malas! Malas! malas!

Sumandal nalang ako sa isang malaking Vase para intaying mag-umaga. Bubusugin ko nalang din tong mga lamok, atleast may nakinabang sa nangyari sakin sa bwiset na madaling araw na to…

Bigla akong may narinig na tumawag mula sakin sa gate:

“Jesh? Ikaw bay an?”

Nilingon ko agad pamilyar ehh at hindi ako nagkamali! Ang pinakamamahal kong girlfriend nandito!

Si sir inlove sakin? (Next chapter na: Babalik pa ba Siya Sakin?) (updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon