BAGO ako naging PANGET

714 34 6
                                    

Maganda ako.

Maraming nakapagsabi. Maraming may gusto sa mukha ko. Maraming nag i-idolo sa akin. Mapainstagram, twitter o facebook. Ilang segundo ko lang pinost sa facebook ang selfie kong picture. Umabot na sa 500 likes, paano na kaya ang isang oras?

Maganda ako.

Maraming kumukuha sa akin para maging modelo, halos lahat ng brand ng damit nasuot ko na. Model na rin ako ng mga car show, mga magazines at kinukuha ako sa mga engrandeng fashion shows.

Maganda ako.

Maraming nahuhumaling at nagkakagusto sa akin. Maraming nagkakandarapang lalake at araw-araw akong binibisita. Kahit sa eskwelahan maraming lumalabas na eyeballs habang naglalakad ako sa corridor.

Kasi maganda ako at proud akong maganda ako.

Maliban sa isang lalake. Sa lalakeng isa sa pinakaimportante sa buhay ko. Ang boyfriend kong si Jacob.

Pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang lalakeng yun. Halos ako na ang magkandarapa sa kanya. Hindi naman siya masyadong gwapo. Hindi rin masyadong panget. Pinanganak siyang may kaonting kagwapuhan at kaunting...hindi ako nangungutya pero... ahh basta hindi siya gaanong gwapo. Pero aminado akong baliw ako sa kanya. Baliw si Yvonne Nikolai sa kanya.

Gagawin ko ang lahat para hindi lang kami maghiwalay. Kahit nagigipit ako sa oras dahil hindi ako makatanggi sa offer ng tita kong may ari ng isang brand, gumagawa pa rin ako ng paraan para makasama at magkaroon ng oras sa kanya.

Kaya eto na, halos magmukha akong si Flash ng tinakbo ko mula sa kanto papunta sa restaurant na pinag-usapan namin.

"Hi babe! Pasensya na, na..." Halos mahulog na ang dila ko sa kakahinga ng todo. Hangin, please! I'm losing my breath!

"Late ka na naman." Nagmamaktol siya habang nilalaruan ang phone sa mesa.

Galit na naman siya. Ganito siya pag parati akong nalilate, nag-aabot na ang nguso saka ang dulo ng ilong.

Hinila ko ang upuan papunta sa tabi niya. Umupo ako doon saka niyakap siya. "Sorry na...alam mo namang hindi ako makatanggi kay tita diba? Hindi ko rin alam na matatagalan eh."

Hindi siya tumugon sa yakap ko.

"You're always like that Yvonne, hindi ka makatanggi sa lahat ng bagay. You're always saying yes to all. Hindi mo ba alam ang salitang 'no' 'not now' or 'later'? Kahit ang anniversarry natin, hindi mo na pinapahalagaan."

Binitawan ko siya at tiningnan sa mga mata. Ayan na naman...malungkot na naman siya. Nag-aabot na rin ang dalawang kilay niya.

Ngumuso na rin ako, "Sorry na talaga. Talagang hindi ko naman sinasadya eh. Minuto lang naman diba ng malate ako?"

"Your 59 minutes and 56 seconds late. Counted na yun as 1 hour." pag ka-calculate niya. Tiningnan pa nito ang relo para makasiguradong tama ang sinabi niya, saka tumango ito.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. "Wow grabe, binilang mo talaga ang minuto pati segundo? Amazing ka talaga babe!" Yayakapin ko na sana siya pero pinigilan niya ako.

"Get serious Yvonne! Do you think this is just a small fight? Ilang beses na natin 'to pinagtalunan. We still have this the same boring issue." pagmamaktol niya. Galit na siya. Confirmed.

Hinawakan ko ang kamay niya saka pinisil, "Nag sorry naman ako diba? Bakit ka pa rin galit? Ginagawa ko naman ang lahat para maka make-up sa mga oras na hindi ko nabibigay sayo. Ginagawa ko naman lahat para hindi na tayo mag-away." Malungkot akong napatingin sa kanya. Hindi na naman niya naa-appreciate ang ginagawa ko.

Paano maging PANGIT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon