I

70 4 3
                                        


"Paasa... Ikaw na"
J'R Poetry

I

Yung akala mo gusto ka,
Yung akala mo ikaw ang dahilan kung bakit siya masaya,
Yung akala mo mahalaga ka sa kanya,
Yung akala mo mahal ka,
Yun pala para yun sa iba...

II

Yung sinabihan mo 'kong "kaibigan mo lang ako"
Ang sakit sa puso, parang sinasaksak ako...
Pero, okay na siguro yun kase nakilala kita
Atleast tinuruan mo akong maging masaya sa tuwing kasama ka.

III

Oo, nasugatan mo ang puso kong
      minsan napaglaruan,
Oo, nabola mo ako sa simpleng kindatan
Kahit alam kong dumaan ka lang para ako'y matauhan,
Nahirapan parin ako sa pagbitaw,
Dahil di mo ako tinuruan kung paano ka kalimutan.

IV

May pa akbay-akbay ka pang nalalaman,
Wag naman ganyan, baka umasa na naman ako niyan,
Stka alam mo, ang hilig mong magbigay ng malisya
Sana naman bigyan mo din ng hustisya
Dahil ang puso ko mukhang sasabog na.

V

Nahihirapan ako pagkasama mo siya,
Nagseselos ako pag masaya kayong dalawa
Pero mas mahirap pala kung boto sa inyo pati tadhana
At heto ako ngayon, nagmumukhang tanga.

VI

Pero alam mo, kahit konting panahon tayong magkasama
At least, dumating yung araw na nakilala kita,
Dumating yung araw na naging masaya tayong dalawa
Kahit wala naman 'tayo', di ba?

VII

Mahirap palang kalimutan ka dahil sa di ko malilimutang ala-ala,
Okay na ako... Nang wala ka
Atleast natutunan kong wag magpadala sa salitang 'tanga' na dala ng mga paasa.

"Paasa... Ikaw na"

I hope nagenjoy po kayo :) May part two at three pa ito kaya konting intay lang :)

Don't forget to

-Vote
And
-Comment

K  U  Y  A  P  E  J

Paasa... Ikaw na (Part One)Where stories live. Discover now