CHAPTER 1: GRANTED WISH

3 1 0
                                    


"Kill Mr. Rodriguez" ma-awtoridad at galit na sambit nang pinuno ng isang sikretong organisasyon.. Nakaupo ito sa isang malaking upuan na maihahalintulad sa upuan nang isang hari..  May hinahawakan itong baso na parang mabibiyak na maya't-maya dahil sa mga bitak nito na dulot nang sobrang galit na kanyang nararamdaman..

Lahat nang tauhan ay nakadama nang matinding takot nang marinig nila ang tono nang pananalita nang kanilang pinuno..

"Diamond... Ikaw ang inaatasan kung pumatay sa taong iyon....
At kapag, pumalya ka sa misyong ito... Buhay ang magiging kapalit.... Naiintindihan mo?! " aniya na may galit parin pero mas kalmado na ngayon kesa kanina..

"Opo... Makakaasa kayo.. " kalmadong banggit nang isang babaeng assassin na kilala sa bansag na Diamond...
Nakaupo ito sa bintanang may 8 feet ang layo mula sa sahig..

Napakamisteryoso nang babaeng ito dahil kahit ni isang tao sa kanyang paligid ay hindi man lang alam maski yung pangalan niya..
Na kahit yung isa sa pinakamagaling na hacker sa kanilang grupo ay walang mahanap ni kahit katiting na impormasyon sa kanya..

Matapos ang pagpupulong nila ay agad na naglaho nang parang bula ang babaeng assassin na si Diamond..

Paniguradong naghahanda at nagpaplano na ito sa kanyang gagawing pagsalakay at pagpatay sa isang lalaking sanhi nang galit na nararamdaman nang kanilang pinuno...

PUMUNTA si Diamond sa isang silid na naglalaman nang mga computer na naging kaagapay nila sa paghahanap sa target nilang tao...

Agad niyang tinype ang pangalan nang kanyang target sa computer at agad naman siyang napangiti nang nakakatakot nang nagpop-up agad sa screen ang lahat nang impormasyon tungkol sa lalaki..

"Can't wait to see your blood dripping from your body.. Mr. Rodriguez" aniya tsaka lumabas sa silid... Bumungad agad sa kanyang paningin ang isang lalaki na may kulay pulang buhok.. Siya ang ikalawa sa pinakamagaling na hacker sa organisasyon nila... Nangunguna sa larangang ito si Diamond.. Tinatawag siya sa pangalang Blood..

"Hey.. Diamond.. Need my help? "
tanong ng binata kay Diamond pero sa halip na sagutin ay nilagpasan niya lang ang binata at parang bulang nawala na naman sa paningin nito...

Ang pinakaayaw sa lahat ni Diamond ay ang makipagsalamuha sa mga taong kasali niya sa organisasyon..

Hindi siya nagtitiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya kasi baka daw isang araw ay bumulagta na siya sa sahig na naliligo sa sariling dugo na ang may kagagawan pa ay ang taong pinagkakatiwalaan niya..

Pero alam naman niya sa sarli niyang hindi iyon mangyayari kahit kailan..

Pagkalabas niya sa headquarter nang organisasyon nila ay sumakay ito sa kanyang motor at pinaharurot agad ito..

Halos blurred na ang makikita mo sa paligid pag sumakay ka at pinagdrive mo si Diamond...
Napakabilis niyang magmaneho kaya nakarating agad siya sa pakay niyang lugar..

Tumambad sa kanyang paningin ang malaki at sosyal na mansiyon nang kanyang target na walang-iba kundi si Mr.Rodriguez..

Tinignan niya ng mabuti ang kabuuan nang paligid..
Maraming CCTVng nakakabit sa buong bahay..
May mga aso rin na nakabantay sa harap nang kanilang pintuan..
Pero hindi iyon magiging problema sa kanya...

She's the best hacker, remember?

Kinuha niya ang kanyang cellphone at may kung-anong pinindot doon...
May biglang nagpop-up doon at iyon ay "ALL SECURITY SYSTEMS: DEACTIVATED"

Napangiti siya nang napakalawak nang makita iyon...  Ngayon ay ang mga aso na lang ang poproblemahin niya..

Bumaba siya sa kanyang motor at walang ingay na umakyat sa dingding na katabi lang nang gate nila..

Knives And KissesWhere stories live. Discover now