Chapter 4(My Cousin's Day) Part 1

65 5 1
                                    

Sabado ngayon at walang pasok. haaayyyyyyy ang sarap matulog lalo na't malamig ang panahon dito.

"Birthday pala ni couz sa monday ano kaya magandang regalo sa kanya?" hmmmmmm mayaman naman sila hindi na niya kailangan ng mga material na bagay. Mayaman naman sila hindi nga lang halata hahahaha. May kotse din sila pero mas ginugusto niyang maglakad kasama ako...naku...naku...naku

kaso ..... may naisip ako

Dahil umaambon sinuot ko ang aking jacket, nag-cap, at nag shades hindi naman na siguro ako makikilala neto. Wala trip ko lang mag disguise hahahaha

Habang naglilibot ako sa Burnham park may napansin ako na nakapagpahinto sa akin

Totoo ba 'tong nakikita ko o namamalik mata lang? Kasi si Mr. Yabang hawak hawak niya 'yong nawawalang aso ni couz, pero impossible namang kamukha lang niya iyon kasi parehong-pareho walang labis walang kulang . . . wehehe

Lumapit ako kay Mr. Yabang at dahil nakadisguise ako hindi niya ako nakilala dahil para akong tomboy ... hahaha

"Hello. pwedeng magtanong?" kinabahan naman ako dun kasi nagtama ang aming mga mata, ay hindi pala ako lang ang nakatingin sa mata niya kasi nga nakashades ako ... hehe

"Oo naman, magandang binibini with matching kindat pa" ewwww kung hindi lang siguro ito si Mr. Yabang kikiligin pa ako, hindi lang pala ito hambog chickboy pa tsk tsk

"Itatanong ko lang sana kung sayo yang aso na hawak mo?" Omygash nakakahiya

"Bakit type mo ba itong aso?" bastos nito ah "oo at hindi" lang naman sagot sa tanong ko ah... kailangan ko yang aso na hawak mo. Kalma ka lang Alodia

"Uhmm hindi kasi naghahanap ako ng ireregalo ko sa cousin ko sa birthday niya kasi sa monday, sa kanya kasi --- ay este favorite niya kasi ang aso na puti kaya kung pwede bilhin ko nalang" sabay pout *please makisama ka* ...

"Kung gusto mo sayo nalang yan total napulot ko lang naman yan noong isang araw, madami na kaming ganyan sa bahay" Iba talaga pag mayaman ano? Sabagay hindi naman sa kanya kaya kayang-kaya na ipamigay lang.

"Hindi kaba nagbibiro? as in akin na, walang bayad?" sana Lord hindi siya nagbibiro mababatukan ko talaga ito.

"Yup....pero sa isang kondisyon?" sabi ko na nga ba eh may kapalit

"Ano namang kondisyion?"

"Date with me my princess" sabay smile

"Ano date?" Sa sobrang lakas ng pagkasabi ko napatingin lahat ng tao. Ano akala niya siya si prince charming at tinawag pa niya akong princess

"Naku mukhang ayaw mo ata miss? Ano nga pala pangalan mo?" mabubuko na ata ako . Oh No!

"A-ako nga p-pala si A-a-aliya" Yun Aliya sorry my twin sister ginamit ko pa pangalan mo

"So, Ms. Aliya ayaw mo ba talaga kasi aalis na ako?"

"Huuuwag!" nag stop sign pa talaga ako. "Ehmmm sige payag na ako" hmm nakakainis ka talaga kung hindi lang dahil diyan sa aso na hawak mo, never ako makikipag date sayo.

"May sinasabi ka Ms. Aliya?"

"ayy naku wala" napakamot nalang ako sa ulo

"Kung wala na palang problema meet me here next week 6pm, same place." at saka niya binigay 'yong aso.

"Aha buti nalang hindi niya kinuha iyong address ko o di kaya 'yong number ko.....pwede na palang hindi ko siya siputin...hahaha"

Maaga pa naman kaya tambay muna ako. Bumili ako ng isang sweet corn para may makain ako habang pinapanuod ang mga nag bo-boating

Crazy in Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon