Day 93

8.3K 445 148
                                    

OTP Protection Squad Minus Ekis

12:03 AM

Wade: I went to Arisa's unit but nobody's answering. Hindi rin sinasagot tawag ko.

Wade: Nakauwi ba 'yon?

Wade: Ito namang si Alexis Ran, hindi makausap. Nampota.

Connor: Nasan ka?

Wade: Pabalik ng ARC, malamang. Sasamahan mag-overnight si Alexis Ran. Lintek baka anong gawin n'on. Mga ganitong pagkakataon may sumusulot. Baka mapikot ang gago.

Connor: Susubukan kong tawagan si Arisa.

Cole: I'll ask Ate Nicci.

Connor: Arisa's sister?

Cole: Yeah.

Connor: Don't. Nasa Bulacan pamilya ni Arisa. Imposibleng doon umuwi si Arisa. If they learned she's missing, they'll get worried.

Connor: I'll contact her friend. 'Yong palaging nagko-comment sa status niya.

Cole: Okay. Nasan na ba 'yong babaeng 'yon? 'To namang si Alexis Ran... In Wade's word, susko.

Hel: Break-up ba talaga?

Sai: Dahil ba 'to kay Desiree?

Seven: Mga ex talaga pahamak, eh.

Hel: 🙄

Jaq: I have her parents' contact number just in case you need it. Pero kagaya nga ng sabi ni Connor, mas maiging wag muna natin iparating sa kanila lalo pa't disoras ng gabi.

Sai: Hindi ba nagpaparamdam sa inyo si Alexis Ran?

Cole: Nope.

Seven: Aniyo.

Hel: Nah.

Jaq: Hindi.

Sai: Susko.

Connor: Arisa's with her cousin, Jemarie. Doon daw tumuloy pagkagaling office.

Cole: Good. Lintek na.

Connor: I asked Jemarie if she knew what happened. Hindi daw nagsasalita si Arisa. Umiiyak lang.

Hel: Hala.

Connor: Be back later.

Cole: O, san ka pupunta?

Connor: Later.

Sai: Susko ulit.

Seen by Connor, Cole, Hel, Jaq, and Seven

1:15 AM

Wade: Lintek na.

Wade: Simula ngayon banned na ang mga ex-girlfriend nampota.

Seen by Cole and Hel

Hel: Nagsalita na si Alexis Ran?

Wade: Oo. Nung sinabi kong nawawala si Arisa, nagsalita. Tinanong nasan. Nakita na daw ba? Ganyan.

Cole: O, anong nangyari?

Wade: Susko.

Wade: Magulo.

Wade: Kainis.

Wade: Di ko na alam.

Wade: Parehas may mali. Parehas may punto.

After Ever After (Ekis Babies #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon