"We are all searching for someone who's demons play well with ours." - anon
Song for this chapter:
Sunrise by Kygo feat. Jason Walker
Remind Me To Forget by Kygo, Miguel
Chapter 56
Magulo ang isip.
Mangilid-ngilid ang luha.
Nanginginig ang mga kamay.
Kanina ko pa tinititigan ang target.
Pinanghihinaan ako ng loob.
Hindi ko kaya.
Wala akong lakas iputok ang baril na hawak ko ngayon.
"H-hindi ko kaya."
"Hawakan mong mabuti."
Umiling ako at binaba ang kamay ko.
"H-hindi..."
Napalunok ako sa kaba.
"Hindi ko kaya--"
"It's okay babydoll... Just shoot that fucking target and we're done here." Boses na naguutos sa akin ngayon na gawin ko.
"Pare, hindi pa handa si princess. Hayaan mo muna siya."
"Wag mo kong pakealaman sa gusto ko."
Pumikit ako at naramdaman ang pagagos ng luha sa pisngi ko na mabilis kong pinunasan.
Hawak ko sa kamay ko ngayon ang bagay na nakakakitil ng buhay.
Bagay na maaring makasakit sa tao.
Bagay na hindi ko kayang gawin.
Wala akong lakas ng loob humawak ng baril.
Saan pa ako kukuha ng lakas para paputukin to ngayon?
Napatalon at napapikit ako sa gulat ng makarinig ako ng putok.
Sa paningin ko biglang lumutang ang mukha ng lalakeng may tama sa noo.
Umaagos ang dugo nito pababa ng mukha niya.
Unti-unting nagbalik ang trahedya na nasaksihan ko ng gabing kamuntikan na akong magahasa ng lalakeng nakita kong bumagsak at wala ng buhay sa sahig.
Kasalanan ko to.
Kasalanan ko kung bakit namatay ang taong iyon.
Humagulgol ako ng iyak.
Nanginginig ang katawan habang nilalamon ng takot.
Hindi ko kaya.
Ayokong humawak ng baril.
Ayokong makasakit.
BINABASA MO ANG
MOONLIGHT (Season 1) Completed
RomanceMOONLIGHT (Season 1) COMPLETED Written by: ilovemitchietorres "Mamahalin mo ko sa ayaw o sa gusto mo. Magsasama tayo hanggang kamatayan dahil akin ka lang Ariana. I own every inch of you. You're mine. Only mine." He's the bad guy. The guy who claim...