MAHAL
Pag-ibig na binuhos sayo
Pag-ibig na walang natira para sa sarili ko
Kasi alam mo yung iniisip ko
Yung mapasaya ang isang tulad mo
Tulad mo na di inisip ang nararamdaman ko
Naramdaman ko ng iniwan mo Iniwan mo ko ng hindi ko alam
Iniwan ng walang dahilan
Kahit gusto pang lumaban
Ngunit ikaw mismo ang unang lumisan
Lumisan ng walang paalam Ni wala manlang paramdam
Kahit masakit pinipilit magising sa katotohanan
Katotohanang ikaw at ako ay mananatiling alaala na lang
Hindi alam kung saan nagkulang Nag kulang ba ako dahil malayo ako sayo mahal
Mahal sana nag paalam Hindi yung umasa nanaman ako sa kawalan
Kawalan na Hindi ko alam
Kawalan na hanggang kaylan
May mga salitang pinanghawakan ako mahal
Isa na rito ang salitang hindi mag babago sayo mahal
Ngunit nasaan !!!! nasaan pinangako mo Isang pangako na pinako mo mismo
BINABASA MO ANG
Hugot.
FanfictionIto ang mga hugot para sa mga broken hearted,single,at bitter💞💘💔😭😔