"Nag-stay naman ako pero iniwan mo pa rin ako."
Masaya at masarap sa pakiramdam kapag ang taong matagal mo ng pinapangarap ay napunta sa'yo, yung tipong dati ikaw lang ang nagmamahal sa kanya pero dumating din sa point na minamahal ka na rin niya. Mapapakanta ka na nga lang "Pangarap lang kita".Sabi mo dati... "I want you to STAY never go away from me." At binigyan kita ng assurance na "Oo kahit hindi mo sabihin mags-STAY ako kasi mahal kita." tapos sinundan mo ng... "IKAW LAMANG ang tangi kong inaasam makapiling ka habang buhay". Kaya sinabi ko sa'yo na "Ikaw lang din naman ang gusto ko wala ng iba, IKAW LAMANG". Then, lagi mo sasabihin na " I WANNA GROW OLD WITH YOU" pabiro kong sasabihin na. "Kahit ang itim mo, ikaw lang gusto ko makasama hanggang sa pagtanda. I WANNA GROW OLD WITH YOU din!".Kapag may nakikita tayong couple na sinisintasan ni boy si girl, nagtitinginan agad tayo at sasabihin mo na... "ginanyan din naman kita eh. Mas sweet tayo dyan no!". Kapag may nakikita tayong dalawang matanda sasabihin mo saakin. " Gusto ko ganyan tayo pagtanda ".Pero gaya nga line sa kantang STAY ni Daryl Ong, " but now now that you're gone all I can do is pray for you to be here beside me again why did you have to leave me? "Hindi kita hinanap pero dumating ka sa buhay ko, parang hindi kita pinaalis pero iniwan mo ko. Ako na iniwan mo, na babaeng walang ibang ginawa kung hindi intindihin ka, ang babaeng walang ibang ginawa kung hindi mahalin ka, ang babaeng hindi mo pinaglaban at ang babaeng hihintayin na bumalik ka kahit mas malabo pa sa pagputi ng uwak ang pagbalik mo. Lagi mo tatandaan na, nag-stay ako pero iniwan mo pa rin ako

BINABASA MO ANG
Hugot.
FanfictionIto ang mga hugot para sa mga broken hearted,single,at bitter💞💘💔😭😔