The Highschool of the DEAD

142 2 3
                                    

_Jo's P.O.V._

Tumatagaktak ang pawis ko habang nagsasagot ng pagsusulit nahihirapan ako sapagkat di ako nakapag review dahil sa nangyari kagabi

*KAGABI*
Umuwi si daddy galing trabaho habang nagsasaing si mommy sapagkat wala si yaya dahil day off nya at uuwi na sya maya maya.kumakain na kami,nang biglang may nagsisigaw sa labas.

"Ate! Ate! pagbuksan nyo po ako!" Sigaw ni yaya.

Lumapit si daddy sa pinto at agad na pinagbuksan nya si yaya,nagulat kami lahat nang biglang pumasok si yaya at sinara ang pinto ng malakas at may kagat ang kamay nito at duguan.

"Oh! Inday bat... anong nangyari sayo?" Pagalalang sabi ni mommy

"Dalhin natin sya sa hospital" sabi ni daddy

" 'Wag na ate! Mapapahamak lang po tayo sa labas pag lumabas tayo,nagkakagulo po sa labas ate"

Binuksan ni mommy ang TV habang pina upo si inday sa sofa ni daddy at ginagamot ito

"Isang malalang Virus ang kumakalat sa ibang bansa na hindi pa alam ang gamot nito...Ahhh!"

Bigla na lamang nag out of signal ang TV.

Pinatay na ni mommy ang TV at pinagpahinga si inday at natulog na.Kinabukasan nalaman ko na hindi pala suspended ang klase kaya agad akong pumasok dahil may Test kami.Wala namang kababalaghan ang nangyayari sa labas tahimik at walang katao tao e? ano kayang nangyari kay yaya?.

*BACK TO TEST*

*NAG BELL NA AT MAY NAG A-ANOUNCE*

"Huwag po tayo lalabas ng School magtago na lang po tayo sa mga silid at manahimik. Pinahihintulutan ko po lahat na manahimik at wag sisigaw o huwag gumawa nang kahit na ano na ikakaingay natin. Tinatawag ko po lahat ng SSG at teachers na pumunta sa OFFICE at iwan ang mga studyante kasama ang mga President. Maayos rin po ang Kaharasan na ito MAGDASAL NA LAMANG KAYO AT MANAHIMIK."

*Namatay na ang Speaker*

Tumayo ang Katabi kong si Fe na SSG member matagal ko na syang gusto at ayaw kong aminin yon dahil natatakot ako.
Agad kong hinawakan ang braso nya at sinabi kong mapapahamak sya ngunit pumiglas ito at mabilis na nag lakad palayo. Sumunod na rin ang teacher namin.

"Isarado nyo ang pinto at 'wag gagawa ng kung anong ingay. Pres. ikaw na ang bahala dito! Naiintindihan ba?!"sabi ni Ma'am Cruz

Agad naman na tumango ang lahat.sinarado na ni pres. ang pinto at ni-lock nya ito.si pres. ay isang matalino at matapang.

Habang kinokolekta naman ni VC ang mga sagutang papel namin.

After a 1 hour na walang ingay at wala kaming narinig na kung anong nangyayari sa labas.

Biglang nag ring ang Cellphone ko at agad ko naman tong kinuha.sumalubong sakin ang hingal na hingal na boses ni mommy.

"A-anak Mag ingat ka.Wag kang mag papalipas ng gutom mahal na mahal ka namin"Binitawan nya ito at hindi na nya napatay kaya naririnig ko ang mga ingay.parang pagod na pagod si mommy at parang nagbabago ito "ahhhh!" sigaw ni daddy nagulat ako at pinatay na lamang ito. humagulgol ako ng iyak sa mga narinig ko at nag tinginan sakin ang mga kaklase ko habang lumapit sakin si Joaquin na matagal ko nang kaklase since elementary.


The Highschool of the Dead Where stories live. Discover now