NEW LIFE NEW PROBLEM

23 1 0
                                    

_JO'S P.O.V_

A new world waiting for us,but problems still disturbing us.

Nagising ako ng sumisigaw si Madam at si Pres. nag aaway ata,bumaba ako para tignan kung anong nangyayari.

"Ano bang problema mo?!" Wika ni Madam.

"Wala po Madam"Sambit ni pres.

"Anong wala? Kanina ka pa gumagawa ng ingay."

"H-hin- sorry po" Sabi nito.

"Anong meron?" Sabi ko

"Wala!" Sigaw ni madam sabay walkout. Wow huh

"Ano meron don?" Sabi ko kay Pres.

"Wala" Bulong nito sabay ngiti at unti unting tumawa.

Napaliit mata ko sa mga mood nila.

Umakyat ako sa RoofTop para tignan kung anong nangyayari sa mundo.Dati ang ganda ng view dito,ngayon puro usok nalang at banggaan.

Tumingin ako sa kanan at nakita ang napakaraming walkers,at paraan ito sa amin.Bumaba ako ng pagkabilis bilis at sinabihan sila.

"Guys!Guys!" Hingal na hingal kong sinabi.Habang nasa sala silang lahat.

"Parating na sila" Dugtong ko

"A-ano ? S-sino?" Kinakabahang sabi ni VC.

"Sino pa ba? edi yong mga lintik na yon." Sabi ni Kuya araw habang kumakain.

Sinarado ko ang gate at nakita ko na malapit na sila,pumasok ako at sinara ang pinto at bintana. Habang yong mga kasama ko,Tinititigan lang ako. -_-

Rinig na rinig ko yong mga sigaw nila na gutom na gutom na.

Days past,Everything faded,at nauubusan na rin kami ng pagkain.lahat kami nasa sala habang si madam naghahanap ng pagkain.

"Wala na." Sabi nito at pumunta sa sofa.

"Plan a to MARKETS?' tanong ni pholla.

Kinuha ni Pres. ang small table at kinuha ko ang mga baril na nasa room ni daddy at nilagay sa small table na iyon.Agad kong binuksan ang maleta na pinaglalagyan ng mga ito.Agad na naman silang napangiti.Baril lang talaga ang magpapasaya sa mga ito.

Kinuha ko ang Map ng village na ito na nasa room ko.Ipinakita ko ito sa kanila.Mga ilang kilometro pa ang layo bago kami makakuha ng supply.

The Highschool of the Dead Where stories live. Discover now