#3.1
MARICAR POV
Hindi ako makapagsalita. Para akong estatwa na nakatayo lamang sa gitna ng mga tsismosa't tsismosong tao sa labas ng J. Academy habang may dalawang maliliit na bata ang nakayakap sa aking mga binti.
Wtf?Magsasalita na sana ako ng biglang may nauna saking nagsalita.
"Ayesha, Lucas! What are you two doing in there? Diba I said na wag kayong lalabas ng kotse?! Bakit sinuway niyo na naman ako?!" naiinis na sabi ni kuyang gwapo sa dalawang bata.Wow huh? Ang harsh niya lang. -___-
"Ihhh daddy! Mommy is here. Can't you see?" sabi nung batang babae sabay higpit ng yakap sakin.
Pagkatapos tumingin ulit ako dun sa pwesto ng mga kaibigan ko tapos binigyan nila ako ng confused look. Nagkibit-balikat na lamang ako bilang sagot. Kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari sakin ngayon. Bakit ba kasi naging kamukha ko yung nanay ng dalawang batang ito? Yan tuloy! Akala nila ako yung mommy nila.
"She's not your mommy Ayesha. Kaya halika na at marami pa kong gagawing trabaho. Come on. Ikaw din, Lucas." sabi niya habang kinukuha niya yung dalawang bata na ngayon eh umiiyak na at hinihila rin ako papunta sa kanila.
Iyak ng iyak yung dalawang bata habang pinagpipilitan ng daddy nila na ipasok sila dun sa kotse niya. Argh! Bakit ganun? Bakit parang nakokonsensya at naaawa ako sa kanila? Eh Hindi ko naman talaga mga anak iyon eh. Well, nakakaawa nga talaga sila dahil iniwan sila nung mommy nila pero Err! Dapat hindi ko to nararamdaman noh.
Pinanood ko lang si kuya habang pilit niyang pinapapasok yung dalawang bata sa kotse. Hanggang sa naipasok niya na ang mga ito at saka siya pumasok sa driver seat at pinaharurot ng mabilis yung kotse.
Nang nawala na sa paningin ko yung kotse ni kuya, napansin kong nag-sialisan na yung mga taong nanonood lamang kanina sa amin. Napa-iling na lamang ako. Mga tao nga naman ngayon oh.
Maya-maya, napadako ang tingin ko sa mga magagaling kong kaibigan na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa kanina nilang pwesto. Inismidan ko na lamang sila at lumakad ako palayo sa kanila.
Naiinis ako sa kanila dahil hindi man nila ako tinulungan doon kay kuya. Nakakainis.
Mukhang bumalik na sa kanilang wisyo yung tatlo dahil narinig kong tinawag ako ni Jopet. Hmp. Bahala sila.
Binilisan ko na lamang ang aking paglakad palayo sa kanila. Ngunit sa kasamaang palad, naabutan nila ako habang hingal na hingal pa silang nakahawak sa kani-kanilang dibdib.
"Muchacha kang bekle ka! Tinatawag kita kanina, hindi mo man lang pinansin yung beauty ko! Pinagod mo pa kami. Problema mo teh?" Sambit ni Jopet pagkalapit nila sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakakapagtampo sila, akala ko pa naman maaasahan sila pero bakit hindi nila ako tinulungan kanina? May pa this is-this is your moment girl pa sila. Psh.
"Ay shet ang bekle nagtampururot! Oh mga teh? Lam na gagawin?" Rinig kong sambit ni Jopet kayla Ella at Aika.
"Ako na" sambit ni Ella. Pagkatapos, maya-maya lang may humawak sa braso ko na nagpatigil sa aking paglalakad. Tinignan ko kung sino iyon at tumambad sa akin ang mestisang mukha ni Ella.
Tinaasan ko siya ng kilay habang nakapameywang ako sa harap niya.
"Look Maricar, we're sorry ok? Hindi naman namin sinasadya na hindi ka tulungan don sa gwapong nilalang kanina. Kasi..uhmm..pano ko ba sasabihin to? Y-you know? We're just having fun. Ngayon lang ulit kasi kami nakakita ng lalaking ganong kalapit sayo. And come to think of it, hinawakan ka pa sa magkabilang braso kung saan malakas ang kiliti mo! Diba sabi mo kapag hinahawakan ka ng ibang tao sa dalawa mong braso nakikiliti ka? Eh bakit nung hinawakan ka ng lalaki parang wala ka namang kiliti? At tsaka diba sabi mo kapag hindi ka nakiliti sa paghawak nung taong yon sa braso mo, ibig sabihin may gusto ka sa tao na iyon?....
BINABASA MO ANG
My Babies (COMPLETED)
Action"I want you to work for me but...as a mother of my children" Mga salitang nagpabago sa buhay ni Maricar. Mga salitang nagpagulo ng kanyang puso at isipan. Papaano na lamang kung biglang isang araw, hindi na lamang maging pekeng ina ang gustuhin nya...