BeamYo- Brain-dead but not Flatlined 4

1K 87 124
                                    


Beam's POV

Hindi pa din mawala yung ngiti ko sa labi dahil sa sweet gesture ni Wayo.

Hinalikan nya ako sa pisngi at tumakbo paalis ng office ko.

Aminado naman ako. Masaya ako sa ginawa nya. Yeah, may 'feelings' na ako para kay Wayo.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Hindi ko din alam kung bakit at paano. Basta naramdaman ko nalang isang araw lahat.

Mahal ko na si Wayo.

I can't fool myself at sabihing wala lang ito dahil ganito din yung naramdaman ko kay Kit at Forth noon.

Isa pa, hindi naman ganon kahirap mahalin si Wayo.

I used to admire him way back in high school.

Ikaw ba naman utusan ng bestfriend mo na bantayan si Wayo sa lahat nang gagawin nya 24/7. Ako naman si tanga sunod lang ng sunod kay Pha.

Nakita ko kung gaano kabait na bata si Wayo. Akala ko exag lang si Pha mag kwento about kay Wayo pero hindi pala.

Hindi na ko nagtaka kung bakit ganun yung fascination sa kanya ni Pha.

May time pa nga noon na may umaway kay Wayo, grupo ng mga bully. Hindi ko napigilan yung sarili ko na lumapit at pinagtanggol ko sya.

Natatandaan pa kaya nya yun?

Well 'di naman na mahalaga kung naaalala pa nya or hindi.

Ang mahalaga ay yung feelings namin ngayon para sa isa't isa.

Alam at nararamdaman ko na may 'feelings' na din si Wayo para sakin pero ayokong pangunahan.

Gusto ko sya yung maka-confirm sa sarili nya. Gusto ko sya yung makaramdam na ready na ulit syang magmahal ulit.

Hindi naman ako nagmamadali. Ayoko maging rebound lang sa first love nya at maging proxy sa nawawala kong bestfriend.

For the meantime, gusto ko muna i-enjoy namin yung company ng isa't isa.

Kahit anong maging end game nito, wala akong pagsisisihan.

--------------

Malapit nang matapos yung presentation ko. Sa tingin ko okay naman yung ginagawa ko. Syempre dahil inspired na inspired ako.

Nakangiti lang sakin si Wayo at nag ththumbs up paminsan-minsan.

Ang highlight ng proposal ko is typical na gala night lang to celebrate the 30th founding anniversary ng company.

Pero syempre bigger compared sa mga past events, we'll invite media, possible investors at mga prominent personalities sa business world ng Thailand.

"This will be the highlight of our event..."

Nag-signal ako kay P'Kel para ilipat yung slide ng presentation.

Nagulat silang lahat sa nakita nila. Lalo na si Wayo. Malamang na-gets na nya kung bakit ko sinabi na kailangan nyang mag-yes sa proposal ko.

Magkakaroon ng fund raising event para sa charity work ng company.

Auction ng mga eligible bachelors at bachelorettes ng company. One special date sa tao na makukuha mo.

Sinama ko din sa slide yung list ng mga tao na kasama sa for auction.

Syempre kasama dun ang most eligible bachelor ng Thailand. One of the richest and very available. Our very own CEO, Wayo Panitchayasawad.

2 Moons Tagalog Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon