CHAPTER 1
ELEONOR"Goodmorning, ely!"- bungad sa akin ng kararating lang na si Tita Monice.
" Goodmorning din, Tita! Dala mo po ba yung pinapabili kong sketchpad?"- tanong ko rito. Ibinaba na muna nito ang bag nito sa couch nitong silid saka kinalikot ang loob nito.
Ang bagal naman ni Tita! Naeexcite na ako eh! Well, dati ko pa kasi binibilin kila momy na bilhan ako ng sketchpad pero lagi naman nilang kinakalimutan so si Tita nalang ang pinapabili ko.
"Syempre makakalimutan ko ba? Here.."- sabi nito sabay abot sa akin ng sketchpad.
Inamoy amoy ko na muna ito saka niyakap yakap.
" Whaaaaaaaa!! Ambangoooo! Thank youuu po titaaa!"- sabi ko at binigyan sya ng isang matinding yakap.
"Welcome, elyyy"-
Humiwalay na ako rito at bumaba na muna sa hospital bed. Kinuha ko mula sa drawer ang charcoal pencil ko.
" Ta..?"- tawag ko kay tita habang nagsisimulang mag sketch ng isang mukha. Kasalukuyang naghihiwa sya ng apple.
"Hmmm..?"-
" uhm,.. Tita kelan po ba ako lalabas dito sa Hospital?"-
Bigla itong nahinto sa ginagawa nya.
"Soon, ely..soon. Kaya dapat magpagaling ka! "- sabi nito at nginitian ako.
Isinawalang bahala ko nalang ito at nagtuloy na sa pagii sketch.
Noong 12 years old kasi ako, na diagnosed ako na may Alzheimers disease. Noon, wala pang sintomas pero habang tumatanda ako, lumalabas na rin ang mga sintomas. Maaga akong dinala at pina confine nila mom and dad kasi they believe and I also believe na habang maaga pa, solusyunan na.
Yes, minsan nakakaboring dito sa. Hospital pero nasasanay na rin ako.
Lalo na ngayon at may mga naging kaibigan na rin ako dito sa ospital.
" Nga pala.. Ely. Nadaanan ko si Samantha doon sa may garden. Hinahanap ka nya.. Puntahan mo na sya dun."- sabi sa akin ni Tita.
Agad naman akong natuwa dahil sa sinabi nito. Isa si Samantha sa mga pasyente dito sa Ospital. Sya yung nagsilbi kong kaibigan noong panahong kaka-confine ko palang dito sa ospital.
Agad akong nagmadali at pumunta sa garden.
"Hello Ely.."- bati sa akin ni ate Jhen na nurse dito sa St. Anthony Hospital.
" Hello din po.."- bati ko din sa kanya.
Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa garden nitong ospital. Madaming pasyente ang tumatambay dito dahil sobrang ganda nung paligid. Isang garden na may napakaraming bulaklak.
Isa pa sa mga nagustuhan ko dito ay yung mga paru-paro na lumilipad sa buong paligid. Nung unang punta ko dito sobra talaga akong na-amaze kasi yun yung unang beses kong makakita ng butterfly. Haha.
Nakita kong nakaupo naman sa isang kahoy na Bench si Sam. Mag isa lang ito at nakayuko. Agad ko naman itong nilapitan.
"Sam.."- nakangiti kong tawag sa kanya dahilan upang mapaangat ito ng tingin.
" Ely.. Haha. Andito kana pala.."- sabi nya pa. Pilit din syang tumawa. Mukhang may problema sya.
Pinaupo ako nito sa kanyang tabi.
"M-may.. Problema ba?"- tanong ko.
Tahimik lamang ito at nakayuko.
Ilang saglit lang ay nagsalita na rin sya.
" u-uhm.. Ely.. Sila Momy kasi.. Dadalhin na daw n-nila ako s-sa .. Sa s-states. Doon na daw ako magpapagamot."- malungkot nitong sabi.
Si Samantha ay na diagnose dahil sa sakit nito sa puso. Nakakalungkot nga lang at sobrang bata pa nito para magkasakit ng ganun.
"Ganun ba? Hmm.. Ok lang yun, Sam. ! HAHA! Maganda nga yun.. Para gumaling ka agad. Nabasa ko kasi sa net na mas advanced daw yung mga machines na panggamot doon sa states."- pagpapagaan ko dito ng loob.
" Babalik ka naman, diba samantha?"- sabi ko rito.
Ngumiti lamang sya sa akin.
"Oo naman.. Babalik ako.. Ely. I promised. "- with that ay pareho nalang kaming natahimik.