Chapter One: Introduced

6 1 0
                                    

"Good morning miss!"
"Morning po miss!"
"Hello miss good morning"

Iyan ang paulit-ulit kong naririnig habang papasok ako sa aming building, at syempre ginagantihan ko naman sila ng isang matamis na ngiti

Dire-diretso ako papasok ng elevator at saka ito pinindot sa 8th floor eto kasi ang floor naming mga manager .
Kahit sa elevator may mga bumabati parin saakin

"Hello po miss!"
"Morning miss"

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Hindi naman sa snob ako pinapansin ko naman sila nginingitian pa nga eh kaya hindi ako snob,kaya ko lang naman sila Hindi sinasabihan ng "morning" pabalik dahil sa dami nila mapapagod lang ako kakapaulit-ulit ng salitang morning not to mention sunod-sunod sila at Hindi sabay-sabay

Siguro nagtataka kayo kung bakit "Miss" ang tawag nila saakin imbis na "Maam/Madam"

Simple lang ito lang naman ang mga dahilan:

1)I'm not a teacher.

2)I'm still single.

3)Trip ko lang!.

Yup!ako ang nagsabi sa kanila na tawagin akong miss,kung bakit iyon ang gusto kong itawag nila saakin? Basahin nyo ulit yung number 3

Tumunog ang elevator at bumukas na ito sa 8th floor ,dire-diretso akong lumabas doon ng walang lingon-lingon

May ilan ilan akong nakakasalubong na empleyado namin pero hindi katulad kanina yumuyuko lang sila as a sign of respect o di kaya'y pagbati  Tumango ako sakanila at nagpatuloy na sa paglalakad tahimik ang 8th floor hindi rin ito katulad ng ibang floor na maraming empleyado ang nakakalat ,bihira lang din magkaroon ng maraming tao dito kung bakit tahimik ang 8th floor? Malalaman nyo mamaya

The Sasciation Inc Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon