Chapter Two

87 2 0
  • Dedicated kay K-Zhel Aborita
                                    

          Maagang-maaga ang gising ni Ashley nang araw na iyon. It was her first shift on the dining hall of Horizon Café as a waitress. Pagsisilbihan niya ang mga customers na kumakain doon at kukunin niya ang mga orders nito. It was one of her strengths. Magaling kasi siyang humarap ng tao, plus the lovely smile. Kaya kailangan na kailangan niya ang ‘good vibes’ para sa araw na iyon. Naniniwala kasi siya na ‘first impression lasts’. Smile. Smile. Smile. Keep the bad vibes away, Ash. Mariin niyang paalala sa sarili.

          It was too early that she decided to inhale some fresh air. Hindi na siya nagpaalam pa sa kanyang mga kaibigan na kasama niya lang sa iisang cabin. Hindi na nga niya ito naabutan pagkagising niya dahil sila man ay pawang mga busy na rin sa kanya-kanyang assigned areas. Sigurado siyang si Keizl ang pinaka-maaga sa kanilang apat. She was a chef-wanna-be at hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na ito. Carissa and Shanelle are responsible people. Hindi sila tamad sa trabaho. Oh, how she loved her friends! Nangingiting naisaisip niya.

          Napabuntong-hininga siya sa isang breathe-taking view sa harap niya. It was the pretty sunrise that spread golden sunlit all over the place at nakadag-dag pa ang ganda ng karagatan. Ang sarap ng buhay na ito! Thanks, God! Nakapikit ang mga matang sambit niya sa isip at dinama ang masarap na paghaplos ng hangin sa kanyang mukha.

          “Good morning, sunshine,” Untag sa kanya ng isang tinig. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya ang pinanggalingan ng baritonong boses na iyon.

“Ashley, right?” Patuloy nito.

          “Y-yes, Sir.” Nakayukong pinagsalikop niya ang mga palad niya. She can’t believe her eyes! ‘Naman! ‘Langya! Ang gwapo naman ng taong ito! Puri niya sa isip niya ng mag-angat siya ng tingin sa gwapong nilalang na nasa harap niya ngayon at kinakausap siya.

          “Call me ‘Yexel’. Masyado namang pormal ang ‘Sir’.

          There, that eye-catching smile that reached his eyes made her heart skip a beat. Napakunot-noo siya sa damdaming idinulot ng simpleng ngiting niyon ng lalaki.

          “Miss?” Untag ulit ng lalaki sa kanya.

          Napakurap siya. Halos batukan niya ang sarili dahil matagal na pala siyang nakamaang sa mukha ng lalaki. Doon niya lang din naalala na nabunggo niya pala ito ‘nung nagdaang gabi.

          “Oh. Ah, eh. Hindi po kami allowed na tumawag sa mga pasahero a.k.a. customers sa first name basis. Apprentice crew po ako dito. Customary na po namin ‘yun, Sir.” Naisatining niya sa wakas and she’s proud of herself dahil nagawa na niyang magsalita matapos mawasak ang composure niya. Darn that smile of his! Bahagya siyang napangiwi sa inisip. Tumango-tango naman ito na tila ba ay naiintindihan niya ito.

          “Well, I’m different.” Sabi nito.

          “Po?” Nalilitong sagot niya.

          Bahagya itong ngumiti. “Hmm. Let’s be friends to start with. Hindi ka naman mapagkakamalan na apprentice crew dito kasi tulog pa ang mga tao at hindi ka pa naka-uniform.”

          “Bakit po?” Lalo siynag napakunot-noo.

          “Cut the formalities, Ash. I want us to be friends. Masama ba ‘yun?” Nangingiting tugon niya.

          Natigagal siya. When was the last time that she felt so happy by just hearing her name like that? Hindi siya sigurado. Tanging alam niya ay ibang-iba ang enerhiya na dumadaloy sa kanyang sistema sa pagkabigkas ng lalaking iyon sa pangalan niya.

          “Ah,” Sa wakas ay sambit niya. “Kayo po ang bahala, Si --- Yexel.”

          “Good,” Nakangiti na ito. “Friends?” He offered his hand.

          “Yes.” Ganting tugon niya.

          “Salamat.”

          She can’t help herself from smiling habang kausap ang lalaking ilang minute pa lamang niyang nakilala. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Parang ang gaan ng pakiramdam niya habang aliw na aliw siya sa kausap.

          He has the prettiest pair of eyes. Lips that would make any woman thirst. He was so good looking staring at the open sea. Damn! Sexy!

          Tumango-tango ito sa mga kwento niya. At siya man ay tila naaliw sa mga nalaman niya sa pagkatao nito. He was a businessman and an acoustic performer. Kaya naroon pala siya at nakasakay dahil siya ang naka-contrata na mag-perform sa bar ng barko for a week. Nayayamot siya sa kaalamang isang linggo lamang ito sa barko. Maghihiwalay din ang mga landas nila. Anak ng patis naman oh! Why am I feeling this? This isn’t a typical love story onboard! Ano ba itich!? Naisa-isip na lamang niya.

          Nilingon niya si Yexel only to find out that he was staring at her! Agad na nag-iwas siya ng tingin. Nahihiya siya. Hindi niya maipaliwanag ang kilabot na dala niyon sa kanyang sistema. She can’t help but sigh. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang feeling niya. Maybe she was a bit surprise. Bago sa kanya ang mga pangyayari. Hindi kasi siya nakikipag-usap ng ganoon katagal sa isang lalaki. Hocus-pocus kasi siya sa pag-aaral at pati na ang mga kaibigan niya. She didn’t know that being with a man like this is such a great thing. It feels great to chat around like this with a man.

          Hoy, self? Ano ba ‘to? Lumalandi ka na ngayon? Jeez, stop! Bago mo pa isuko ang bandera mong itinayag pa ng mga ninuno mo!  

          “Yexel, I guess I’d better go now. Got to change into my uniform na at baka ma-late pa ako sa trabaho ko.” Paalam niya rito.

Ayaw pa sana niyang umalis. Sobrang gusto niya ang makipagkwentuhan dito ngunit nahihirapan na siyang rendahan ang kanyang puso na pilit nagpupumiglas na kumilos para sa kanya which was dangerous. Baka kung ano ang lumbas sa kanyang mga bibig. She’s not that blunt, for Pete’s sake! Dahil lang sa isang ngiti. Jeez!

Hey. Hey. What is really wrong with you, self? May factor talaga na ganoon? Shucks! Ni hindi ka kumikilala ng lalaki noon kahit isang sikat na artista sa university. Tapos, ngayon with just one smile all defenses down ka na agad? You’re impossible, self! I’m impossible!

“Sige. May shift ka ba mamayang gabi?” Pukaw sa kanya ni Yexel.

“Oo, 5-9 Pm. Bakit?”

“Wala, see you!” Again, he smiled and there goes her erratic heart. Tugs-tugs-tugs-tugs.

“Yes. Talagang magkikita tayo dahil hindi po tayo mga bulag.” She smiled and turns away.

“Yeah, right!”

Nangingiting ibinalik ni Yexel ang tingin sa malawak na karagatan. But his mind was flying somewhere away. Kung titingnan niya ang mukha niya ngayon sa isang salamin, hindi na siya magtataka kung may animo’y naka-plaster na ngiti sa kanyang mukha. Labis siyang natutuwa sa huling pag-uusap nila ng isang babaeng nakabangga sa kanya kagabi. It was all so weird knowing that since last night, the picture of the girl kept on creeping into his mind. Hina-hanap niya ang mala-anghel at maamong mukha nito. And oh, that pretty smile of hers. What did you do to me? Why I’m being like this? Why I’m being a typical Boy-Next-Door now?  Natawa siya sa naisip.

Ashley. Ashley. Ashley. Keep on flashing back on his mind like a replay.

*itutuloy

Love OnboardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon