Chapter Three

107 3 11
  • Dedicated kay Chubieskie Chibisuke
                                    

CHAPTER THREE

          Damang-dama ni Ashley ang nanunuot na pagod sa kanyang katawan. Last shift na niya para sa araw na iyon. At dahil pagabi na, lalong dumagsa ang mga tao. Nasa gabi ang high light ng Horizon Café. May live band performance at kung anu-ano pang entertainments.

          Nakita niya ang dalawang kaibigan niya na sina Carissa at Shanelle. Nataon na wala itong mga night shift kaya hayun ang dalawa upang mag-pahinga at unwind. Doon na rin siguro binalak ng dalawang kumain. It was one of the best benefits on their apprenticeship. Unlimited accommodation. The only thing that differs was they are working with pay. Keizl on the other hand, was working so heartily doon sa kitchen. Sous chef apprentice siya for this week.

          “Good evening, ladies,” Bati niya sa mga kaibigan niya. “May I get your orders?” Aniya ng makalapit na siya sa table ng mga ito.

          “Pwede bang makausap ang manager mo dito?” Ani Carissa.

          “Bakit?” Kunot-noong tanong niya rito.

          “Ang ganda mo naman para maging waitress lang!” Singit ni Shanelle.

          “Oo, ipagpapalit ka namin sa manager mo!” Sinundan na ng tawa ni Carissa ang sinabi. Nakitawa naman si Shanelle.

          “Ano ba kayo? Of course, ako ang reyna dito! Nagpapanggap lang ako na dukhang waitress kasi gusto ko maranasan ang buhay mahirap. Boring na kasi ang paupo-upo lang.” Lakas ng tawa nilang tatlo.

          “Aba! ‘Seems like someone has finally got out of her box.” Si Shanelle iyon.

          “Gaga! Hindi box, comfort zone ‘kamo!” Dagdag naman ni Carissa.

          “Oo na! Order na kayo at baka pareho tayong malagot dito. Working hours ko pa. Mamaya na tayo magchika ng bonggang bongga!” Pag-iiba niya ng usapan at agad naman na tumalima ang kanyang mga kaibigan. Kinuha niya ang orders ng mga ito at ibingay na sa Master Chef ang orders para sa Table 3.

          Kasabay ng paglabas ni Ashley mula sa kitchen ng Horizon Café ay siya ring pag-ilaw ng maliit na stage sa gitna at tapat ng entrance door. Nagsisimula na ang entertainment session para sa gabi na iyon.

          Unang sumalang ang banda na The Switch na siyang kilala sa buong mundo dahil sa kanilang accoustic music. Plus factor pa ang mga nag-gwagwapohang band members na siyang nagpapatili sa mga fans lalo na ang mga babae. Siya man ay isang fan, ngunit hindi siya katulad ng ibang mga typical fan na halos magpapakamatay na sa pagtili sa naturang banda at halos ubusin lahat ng panahon dito.

          Hindi siya ganoon, in fact hanggang MP3 downloads lang ang kanyang ginagawa para marinig ang musika ng naturang banda. Masyado kasi siyang maraming iniintinding ibang mga bagay na mas may pakinabang kaysa ang pagsunod-sunod sa bandang iyon sa mga gigs at hindi niya afford ibili lahat ng apparels o kahit anu-ano pang stuffs ng mga ito.

          Nakikisabay ang lahat ng tao. Ngunit siya ay tinapos na muna ang trabaho. It’s almost her time off kaya uunahin na muna niya ang trabaho niya.

          Sabay na silang nagbihis ni Keizl sa locker room ng Café at dumalo na sa dalawa pa nilang kaibigan.

          “Haay, naku! Sobrang nakakapagod naman ang araw na ito.” Ani Keizl.

Love OnboardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon