"A wonderful gift may not be wrapped as you expect."
--Jonathan Lockwood Huie
3. HE'S NOT DEAD.
"ANGELO..."
Parang may kung anong kumurot sa puso ni Arianna nang panuorin niya ang pagtalikod sa kanya ni Angelo.
There was pain written all over his face.
Umalis si Angelo. Iniwan siya ni Angelo ro'n.
Iniwan siya ni Angelo...
"Aww, that's sad," a voice from behind taunted her.
Tinignan niya ng masama ang ngayon ay nakatayo nang lalaki. Fuck this bastard. Kasalanan nito ang lahat.
Kinuha niya ang pinakamalapit na basong naabot ng kamay niya at ibinuhos niya sa mukha nito ang laman noon. Sa bilis ng pangyayari, hindi nito nahulaan na gagawin niya 'yon.
"Now, that's sad. Asshole." Nagtatagis ang mga bagang na umalis siya.
Sinundan niya si Angelo sa labas pero hindi niya na 'to nakita pa. Sa galit siguro nito, nadala nito ang kotse niya. Sure siyang walang dalang kotse si Angelo dahil hindi nito hahayaan si Molly at si baby Queen na mag-commute pauwi. Pero sa galit marahil nito, siya ang naiwan nito.
Angelo had his own key of almost all of her things. That was how close the two of them were. Mainly because he didn't give her a choice. Everywhere she went, he was always there. Always.
NATAGPUAN na lang ni Arianna ang sarili niya na nakatitig sa puntod ni TJ. Mag-isa siya sa isang private memorial park na kakaunting ilaw sa mga poste lang ang tanging liwanag. Kapag ganitong oras, sarado na 'tong memorial park, pero noon niya pa napakiusapan ang care taker dito. Kapag kumakatok siya sa bahay nito na madadaanan bago ang memorial park, hindi na 'to magsasalita, ngingitian na lang siya at sasamahan hanggang sa gate.
Lagi na lang. Lagi na lang kapag nagkakaproblema siya, sa puntod ni TJ ang takbo niya.
Hindi na nga siya takot sa dilim, e. Kahit na gabing-gabi na, kay TJ pa rin ang takbo niya. Because she felt safe whenever she was with him... even if he was always making her cry.
"Limang taon na, Troy. Limang taon na, pero miss na miss na kita. My God, I miss you. I miss you so much." Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha niya.
She felt safe, yet she felt so alone.
"Bakit kasi hindi ka lumaban? Sabi mo babalikan mo ako, 'di ba? Sabi mo pa nga maghintay ako. Pero bakit iniwan mo ako?"
Kada punta niya kay TJ, lagi na lang siyang umiiyak. Hindi siya masawa-sawa sa mga paulit-ulit niyang tanong at hinanakit. Pa'no siya masasawa, e, ni isang sagot nga wala siyang natatanggap.
Hindi niya lang kasi matanggap hanggang ngayon. Ang hirap kasi. Ang hirap tanggapin.
"Bakit kasi pinaasa mo pa 'ko? E, iiwan mo lang pala 'ko, e. Troy, ang sakit kasi. Sobrang sakit. Kung alam mo lang kung ga'no kasakit..." Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha niya.
Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.
Ang nakakatawa lang, parang nakikiiyak sa kanya si TJ ngayon.
"Umiiyak ka rin ba?" Kasi ang lakas ng buhos ng ulan. Wala na siyang makita dahil sa mga luha niya, sinamahan pa ng ulan na bumabagsak sa mukha niya. Basang-basa na siya. "Umiiyak ka, 'no? Kasi wala ako dyan? Kasi mas pinili mo dyan kaysa sa'kin? Gago ka kasi, e. Kung sana lumaban ka. Kung sana buhay ka pa... Troy, sana kasi lumaban ka!"
BINABASA MO ANG
[BME 2] : BE MY EVERYTHING (Completed)
Novela Juvenil[EDITING TO 3RD PERSON POV] Limang taon akong naniwala na patay na siya. Pero limang taon din akong umasa na babalik pa siya. Ngayong natagpuan ko siya sa katauhan ng iba, gagawin ko ang lahat mapasa'kin lang siya. Pero paano kung sadyang mapaglaro...