Habang ako'y papasok sa aking paaralan, may babaeng nakabighani sa aking mga mata. Nakita kong tutulungan niya ang kanyang kapatid buhatin ang kanyang stoller bag paakyat ng hagdanan kaya kinuha ko na ang oportunidad na kausapin siya.
"Alam mo, sana kamay ko nalang ang bag na ito para magkahawak-kamay tayo."
at kinuha ko ang stroller at ibinuhat paakyat. Sa kahihiyan, nagmadali akong maglakad papalayo at bigla ko ring naalalang mahuhuli na pala ako sa klase. Buong first period, ako'y nakatulala iniisip lamang siya ngunit nakakahiya pa rin ang ginawa ko kanina pero mabuti naman at tinulungan ko siya hindi ba? Ngayon, ang gusto kong malaman ay ang kanyang pangalan. Sa paanong paraan ko kaya ito makukuha?
Nung natapos na ang first period, nagpatulong sa akin ang teacher ko na bitbitin ang kanyang gamit.
"Hoy Paolo tulala ka nanaman! Tulungan mo nga ako!"
Habang naglalakad, nahulog ko ang kanyang class record pinulot niya ito at...
"Ma'am buti marunong ka sumalo, siya kasi hindi kayang saluhin feelings ko..."
"Nako Paolo tigilan mo ako sa kalandian mo!"
Tumawa nalang ako sa sinabi niya.
Pagdating namin sa classroom ng susunod na klase ni Ma'am, nakita ko siyang nakikipagtawanan sa mga kaklase niya at sobrang cute niyang tignan. Tinawag siya ni Ma'am dahil ang ingay nung tawa niya at ipinabura sa kanya ang mga nakasulat sa whiteboard at doon ko nalaman na ang pangalan niya ay Kylie.
Tapos na ang araw na iyon ngunit siya pa rin ang nasa isip ko. Kapag nakakasalubong ko siya, nagiging masaya ang araw ko at nagiging inspirado rin ako kaya minsan kapag hindi kami nagkikita, pasimple akong sumisilip at padaandaan sa classroom niya. May mga beses pa nga na nagkakatagpo ang aming mga mata at ako'y kinikilig ng patago lamang.
Isang araw habang kumakain kami ng aking tropa nung lunch break, nakita ko siyang kumukuha ng libro sa kanyang locker. May naisip ako biglang paraan upang mapansin niya ako kaya nagtanong ako sa tropa nung mga pick-up lines.
"Mga repa, anong matinong pick-up line? MATINO ha"
"Nako pre, humohokage ka nanaman HAHAHAHAHA"
"Tae ka ba? Hindi kasi kita kayang paglaruan. HAHAHAHAHHAHA"
"Bwiset ang dugyot naman niyan! Ako na nga lang mag-iisip taeng yan"
"Hahahahaha sino ba yan, Paopao?"
"Secret walang clue."
Minsan talaga ang sarap jombagin netong mga 'to eh. Nagpaiwan ako sa kanila nung uwian tas pumunta ako sa locker ni Kylie. May pinasok akong note dun sa butas nakasulat, "Keyboard ka ba? Type kasi kita. – Kuyang nagbuhat nung stroller bag/ Paolo Tolero". Dali-dali akong nagtago tapos nakita ko siyang binuksan locker niya. Napansin niyang may nahulog na papel galing sa locker niya, pinulot niya ito at habang binabasa niya ang mga nakasulat sa papel ay nakikita ko ang facial expression niya yung tipong gulat tapos ang laki nung ngiti niya. Kumuha siya ng ballpen sa kanyang bag at may sinulat sa papel. Iniwan niya yun na nakasabit sa butas nung locker niya at pagkaalis niya siyempre binalikan ko yung papel tas yung sinulat niya "Ang korny mo! Pero dahil korny rin ako kaya siguro keyboard ka rin kasi type rin kita. " Sobrang saya ko nun kasi the feeling is mutual mehn! Sinulat niya rin pala yung number niya doon sa papel hanep! Simula nun lagi na kaming nagtatawagan at nagtetext. Lalo naming nakikilala ang isa't isa. Nalaman kong madami pala kaming pagkakapareho katulad nalang na pareho pala kaming mahilig sa pritong manok, pareho kaming mahilig sa kotse, tsaka pareho kami ng trip sa buhay. Nagkakwentuhan kami tungkol sa mga panahon na napapansin niya pala ako kapag padaandaan ako sa classroom nila ganun. Hinahatid sundo ko na rin siya at napakilala na namin ang isa't isa sa aming mga pamilya. Pinayagan nila akong ligawan siya at ako naman ay naghintay ng ilang taon para sagutin niya ako.
Makalipas ang ilang taon, isang araw kasama ang aking tropa pati mga kaibigan niya, pumunta kami sa harap ng bahay niya. Gumawa ako ng malaking banner na nakasulat ang mga kataghang "Will you be my girlfriend?" at nagdala ako ng siguro mga tatlong bucket ng KFC, pinatugtog ang kantang "Ever After" ni Bonnie Bailey at background dancers ang aking tropa pati mga kaibigan niya. Naiyak siya at ako'y lumuhod hawak-hawak ang isang bucket ng manok at tinanong siya. Kinuha niya ang leg part sa bucket at sinabi niya ang kanyang matamis na oo. Niyakap niya ako habang kinakain niya ang kanyang manok. Finally after how many years, may label na kami! Hahahaha yaaay! Kaso, mas mahal niya yata yung manok niya kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Unang Tagpo sa May Hagdanan
RomanceAkalain mo bang may nagkakatuluyan kapag nagkita sa may hagdanan? Tunghayan ang istoryang ito tungkol sa dalawang taong nagkakilala sa pamamagitan ng pagkikita sa may hagdanan ng kanilang eskwelahan.