Rivermaya. Walang kamatayang rivermaya lang yata ang alam ko banda dati. Paborito kasi yun ni ate. Lagi nga siyang inaasar na tomboy ng mga kalaro namin dahil sa pakikinig palagi sa mga kanta nila dati na kulang na lang ata isuksok niya sa loob ng eardrums niya yung caset na regalo sa kanya ni sister. Pagkatapos mag-play ng isang kanta-iiyak yan. Ewan ko ba sa kanya at kahit nang lumaki na kami ay wala siyang nabanggit na dahilan kung bakit niya gustong-gusto ang banda na iyon. Sa bagay, hindi naman lahat ng bagay kailangan may dahilan.
"Pakinggan mo iyan minsan, maganda iyan."
Kinuha niya ang isang album ng banda na may pangalan na Oasis. Sosyal ha.
Humalakhak ako saka ko siya tinginan. "Seryoso ka ba? E hindi mo pa nga yan napapakinggan. Wag ka na ngang mag-panggap, tanggap naman kita kahit di ka pa-cool kid katulad ng mga tao sa school."
Kumibit siya ng balikat saka rin tumawa. "Napakinggan ko na iyan. Sa bahay ng kaklase ko."
"Edi pakinggan natin minsan. Kaso walang dvd player sa bahay namin. Wala kasing may hilig sa amin e." tinaas-taas ko ang kilay ko saka siya sinapak sa balikat.
Meron naman talaga kaming dvd player. Hindi nga lang ako sigurado kung talagang naging sa amin yun o pinahiram lang talaga. Seven years old ata ako nang huli ako makanood sa CD. Wala kasi akong hilig sa mga ganyan.
"Meron kami. Kaso.."
Sumigaw ako sa inis. "Akin na yang remote! Bastos nit-"
He stopped right there and then shutted me up by his hand. Parang tanga, akala mo naman may makakarinig sa amin dito.
"Shhh, baka marinig ka ni mama. Bawal ako mag-uwi ng babae sa bahay."
"Feeling? Inuwi? Take-out lang sa fast food? Excuse me noh, makikinig lang tayo. Hindi mo ako aasawahin, okay? So what if mag-ingay tayo.. wala naman sila magagawa and wala rin naman tayong ginagawang masama."
Kampante ko siyang hinarap pero narinig ko na bumulong siya.
"Wala pa."
Binalewala ko na lang saka ko kinuha ang remote na kanina pa namin pinag-aagawan. Ewan ko ba dito, pakonsuwelo ko daw sa kanya kasi pinagod ko siya noong nakaraang linggo sa sunod-sunod namin na training. Akala mo talaga wala siyang atraso sa akin. Of course, nag-gave in na rin ako tutal gusto ko pa rin naman gumala-gala dahil namiss ko na ang isang linggo na hindi puro bola at tennis court lang ang nakikita ko. Kung paano niya ako nakakaladkad para mag-training? Ask his ass.
"Pahiga ah. Gisingin mo na lang ako pag number 10 na. Yung ayan, wonderwall."
"Felix! Anak, bat naka-lock itong pinto?! Buksan mo nga at kukunin ko ang mga marurumi mong damit. Magpapa-laundry daw si Klarisa at siya't magpasabay na tayo dahil libre niya na."
Narinig ko ang sigaw ng babae sa labas na sa tingin ko ay nanay ni Felix pero pinanatili ko ang mata ko na nakapikit. I badly needed a nap.
Hindi ko rin alam kung bakit ako madalas na antukin kahit hindi ko hilig ang mag-puyat. Count one to ten then you'll surely see me snore. Talent ko ata yun, kung yun man ang tawag.
Hinila ako sa kamay ni Felix kaya napabalikwas ako. I stared at him while grinning, akala niya yata kaya niya ako e ang skinny niya.
He keeps on touching his ear while forcing me to get up. "Ryeinla, bangon na. Magagalit si mama nito eh.."
"So? Ilang taon ka na nga ulit? 16, 17? Ano naman kung mag-uwi ka ng babae sa bahay, lalake ka naman. She should be proud of you. Come on, live a little." Hinila ko siya pabalik kaya napahiga siya sa kama katulad ko.
Namumula siyang lumayo sa akin. Oh boy, too fast.
"Anong ginagawa mo?"
We are canvassing all the other albums that were able to catch our attention. Hindi ko alam pero personally- hindi ako mahilig sa music. Mas gusto ko kasi na walang ingay. I feel more comfort in that way. Parang buong buhay ko naman kasi puro kaingayan lang sa highway na katapat lang namin ang nagsisilbing musika ko kaya ganon. Masyado na maingay kaya wag na natin dagdagan.
"Gusto ko niyan." turo niya sa isang vinyl ng The Beatles na may Hey Jude na nagsusumigaw sa labas ng paper cover.
"So?"
"Bilin mo."
"What? Bakit, magulang mo ba ako?
"Hindi rin, pero Personal Trainer mo rin ba ako? Hindi naman diba?"
Umiling ako saka ngumisi sa malupit niyang comeback. Kinuha ko ang vinyl saka binigay nang pabirong dabog sa kanya.
Nanlaki ang mata niya, at bumawi naman ng tawa. "Seryoso ka ba? Nagbibiro lang naman ako. Di mo kailangan bilhin."
"Ikaw? Mahihiya? Di bagay, hoy. Come on, bibilhin ko ba or ibabalik ko?" Tangkang kuha ko ng Vinyl sa kamay niya.
Dali-dali siyang pumunta sa counter saka hinatak ako. Abot langit ang saya ng lalake. Parang bata. Napaisip ako, eto pala ang unang punta ko sa Vinyl Store. Bukod sa wala kaming Vinyl player, pang mga may kaya lang yata sa buhay ang mga gantong klaseng lugar at koleksyon.
Nag-abot ako ng credit card na bigay ng butihing kong ama, which I don't use that often because I'm not that hasty when it comes to buying things. Nababawasan lang paminsan dahil may problema sa pagkain sa bahay o kaya naman may project na kailangan bilhin. Or kaya dahil sa mga gantong pangyayari, na may parasite kang kaibigan at walang kamuwang-muwang mo siyang ililibre dahil generous ka e. Wow.
"Thank you, Ryeinla ah. Di ko ine-expect but thank you. Babayaran ko toh wag ka mag-alala."
Gusto ko sanang sagutin na siya ang wag mag-alala dahil baka mabigyan ko siya ng libong libong rason na aalalahanin sa akin dahil ngayon ay magkaibigan na kami. It's still weird. Using the word "kaibigan" feels different. Parang my whole life naman kasi, wala akong tinurong na kaibigan bukod kay ate. Let's be it. Sa school, wala naman talagang nakikipagkaibigan sa akin. Hindi ganon ka-"friendly" ang image ko. But who cares, right? Masaya naman ako kahit wala akong isa. Pero mas masaya pala talaga kapag meron.
"Bahala ka. Bayaran mo na lang ako sa pag-train sa akin. Gusto ko talaga makapasok sa tennis varsity." sabi ko habang umaaktong pumapalo ng bola pabiro.
Lumabas kami sa Store, nag-lakad kami ng kaunti para umupo sa tapat ng mga stalls sa terraces. Sa gitna ng lugar ay may fountain at may mga maliliit na bushes sa gilid.
"Di ko talaga maiitindihan ang mga tao, magtatayo ng mall tapos bibigyan nila ng nature feels yung labas, hindi mo alam kung mga lowkey environmentalist ba o nang-aasar lang." banggit ko saka turo sa mga puno at halaman sa gilid ng sementadong lupa.
This guy turned his head towards me then put out something in his pocket which I didn't doubt to throw a gaze , managing to stare into his eyes. "Hindi ko rin maiitindihan, kung bakit sa akin mo pa talaga napili mag-pasama sa mga kalokohan mo. Pero okay lang, masaya naman naman ako e."
Scared to ruin the moment, ngumiti na lang ako saka bumunot ng santan sa gilid ng bushes. Binuka ko kamay niya saka binigay iyon. "Salamat." sambit ko.
BINABASA MO ANG
Feoras
RomanceI don't need saving. -That's what i thought, before i met Forest Ryke Salviejo.