📖Book Flippers Lounge📖

63 15 7
                                    

Ang Book Flippers Lounge ay nabuo dahil sa layuning makatulong na mas mapaganda ang mga gawa nating kwento at mapaunlad ang ating kaalaman sa pagsusulat.

Ito ay hindi tulad ng isang voting club na ang gagawin ay vote trading lang kahit hindi naman natin nababasa ang kwento ay basta nalang tayo buboto dahil kailangan.

Hindi din ito tulad ng isang critique shop kung saan pupunahin ang lahat ng kamalian ng iyong gawa hanggang umabot sa pintasan at argumentong walang kabuluhan.

Lahat ng nakagawian niyo sa mga simpleng book clubs ay mas higit pa ang ating gagawin dito sa The Flippers Lounge.

Tandaan na ito ay bukas para sa mga Filipino writers lamang. Tagalog o English language na kwento ay tinatanggap as long as Filipino ang gumawa.

Ikinagagalak ko kung nabuksan mo itong unang pahina at nabasa mo itong mga sinasabi ko.

Ibig sabihin ay interesado ka dahil dumating ka dito at nabasa mo Ito. Kaunting pasensya lang po dahil kahit medyo mahaba ang aking litanya ay may patutunguhan pa rin po tayo.

Ang mga susunod na pahina ay maglalaman ng mga batas ng Flippers Lounge. Iyon ang mga batas na dapat ay sinusunod kapag nasa Flippers Lounge ka.

Striktong ipalinagbabawal ang hindi pagbibigay pansin sa mga batas na ito lalo na ang paglabag ng kusang loob.

Handa na ba kayo? Mukhang handa ka na dahil gustong-gusto mo nang pumasok sa susunod na pahina.

Mapalad kayong nagbasa hanggang dito.

Pwede ka nang mag tag ng limang (5) kaibigan na pwede ding makasali sa atin bago ka magpatuloy sa susunod na pahina.

Good luck sa ating lahat at Welcome sa The Flippers Lounge.

admin tres3⃣

Book Flippers LoungeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon