📖FLIPPER'S ACTIVITIES📖

42 11 0
                                    

Salamat at nakarating ka dito. Malapit ka nang maging isang ganap na FLIPPER.

Ito ang mga activities at alituntunin sa bawat activity ng isang flipper.

ACTIVITIES & REGULATIONS:

1⃣ WEEKLY FLIP RELAY
• Dito sa WFR, ang mga flipper ay igu-grupo depende sa bilang ng flippers sa lounge.

• Read, vote, comment and suggest ang gagawin ng isang flipper sa kwentong gawa ng mga ka-grupo nito.

• Tatlong chapter lang ang kailangan basahin. Kung may Prologue ang kwento ay dapat magsimula ang gawaing pagbabasa sa Prologue hanggang Chapter 2 para makabasa ng hinihinging tatlong kabanata pero kung wala naman ay diretso na sa Chapter 1-3.

• Ang pagboto ay katulad lang din sa rules ng pagbabasa. Dapat 3 chapters o kabanata ang iboboto. Magsimula sa Prologue hanggang Chapter 2 kung may prologue or Chapter 1-3 naman kung walang prologue.

• Ang pagkomento ay dalawang paraan. Ito ay ang inline comment at outline comment. Mamili ka alinman sa dalawang paraan para magawa ang iyong task.

  [INLINE COMMENT]
   √ Mag-iwan ng tatlong (3) inline comment sa bawat or every chapter ng kwentong pinapabasa. Ang inline comment o paggawa ng komento sa isang salita o pangungusap sa kwento ay dapat binubuo ng 3-5 sentences with a total of 40 words per comment.

  [OUTLINE COMMENT]
    √ Para sa outline comment o pagbibigay komento sa kabuuan ng chapter ay dapat binubuo ng 3 paragraphs with at least 4 sentences in each paragraph. Kailangang binubuo ng 40 words ang bawat isang paragraph or a total of 100 words sa isang buong outline comment.

• Sa bawat komento na gagawin, tandaan na ito ay pwedeng isang reaksyon tungkol sa nabasa, mga tanong na nabuo dahil sa nabasa o suhestiyon kung paano mas mapaganda ang gawang kwento ng iyong kapwa flipper.

• Hindi kasama sa bilang ang maiikling komento tulad ng 'amazing!', 'pls update!', 'great job!' at iba pa sa required task.

• Ang lahat at binibigyan ng isang buong linggo para magawa ang WEEKLY FLIP RELAY o WFR.

• Comment the following if task is done.
   #WFR
   Group name
   Task done with (username of group mates)
    Chapters na natapos

• Kailangan na magreply ang kagrupo mo para sa WFR kung nagawa ba talaga ng tama ang task ng ibang flippers. Ito ay mandatory. Ito ay isang paraan para malaman agad namin na natapos ang task ng mahusay.

2⃣ FLIPPED BOOK OF THE WEEK
• Magkakaroon tayo ng tinaguriang 'Flipped Book of the Week' kung saan ibabase ang pagpili sa flipper na may pinakamataas na puntos na makuha sa loob ng isang linggo.

• Ang unang makakakuha ng 150 points ang unang magiging 'Flipped Book of the Week'.

• Read, vote, comment and suggest ang gagawin ng isang flipper sa kwentong gawa ng mga ka-grupo nito.

• Tatlong chapter lang ang kailangan basahin. Kung may Prologue ang kwento ay dapat magsimula ang gawaing pagbabasa sa Prologue hanggang Chapter 2 para makabasa ng hinihinging tatlong kabanata pero kung wala naman ay diretso na sa Chapter 1-3.

• Ang pagboto ay katulad lang din sa rules ng pagbabasa. Dapat 3 chapters o kabanata ang iboboto. Magsimula sa Prologue hanggang Chapter 2 kung may prologue or Chapter 1-3 naman kung walang prologue.

• Ang pagkomento ay dalawang paraan. Ito ay ang inline comment at outline comment. Mamili ka alinman sa dalawang paraan para magawa ang iyong task.

[INLINE COMMENT]
   √ Mag-iwan ng tatlong (3) inline comment sa bawat or every chapter ng kwentong pinapabasa. Ang inline comment o paggawa ng komento sa isang salita o pangungusap sa kwento ay dapat binubuo ng 3-5 sentences with a total of 30 words per comment.

  [OUTLINE COMMENT]
    √ Para sa outline comment o pagbibigay komento sa kabuuan ng chapter ay dapat binubuo ng 3 paragraphs with at least 4 sentences in each paragraph. Kailangang binubuo ng 30 words ang bawat isang paragraph or a total of 90 words sa isang buong outline comment.

• Sa bawat komento na gagawin, tandaan na ito ay pwedeng isang reaksyon tungkol sa nabasa, mga tanong na nabuo dahil sa nabasa o suhestiyon kung paano mas mapaganda ang gawang kwento ng iyong kapwa flipper.

• Hindi kasama sa bilang ang maiikling komento tulad ng 'amazing!', 'pls update!', 'great job!' at iba pa sa required task.

• Ang lahat at binibigyan ng isang buong linggo para magawa ang FBW.

• Comment the following if task is done.
   #FBW
   Task done with (username)
    Chapters na natapos

• Kailangan na magreply ang flipper  na may akda ng FLIPPED BOOK kung nagawa ba talaga ng tama ang task ng ibang flippers. Ito ay mandatory. Ito ay isang paraan para malaman agad namin na natapos ang task ng mahusay.

3⃣ FLIP MORE EARN MORE
• Kapag natapos ka na sa WFR at FBW ay maaari ka nang pumunta sa pahinang may nakalagay na "FLIPPERS GROUND". Makikita mo dito ang week # kung saan kayo magco-comment kung sasali kayo sa activity sa susunod na linggo at sa 'Flip More Earn More' activity para sa karagdagang points.

• Siguraduhing tama ang format ng inyong komento.

• Kung sasali sa activity para sa susunod na linggo ay magkomento ng
BFL: #Joining

• Kung sasali sa activity para sa susunod na linggo at sa 'Flip More Earn More ay magkomento ng
BFL: #Joining #FMEM

• Ipopost sa FLIP MORE EARN MORE ground ang mga pares na sasali aa activity na ito.

• Ang mga gagawin ay katulad din sa gagawin sa WEEKLY FLIP RELAY.

• Comment the following if task is done.
   #FMEM
   Group name
   Task done with (username of group mates)
    Chapters na natapos

• Kailangan na magreply ang kapartner mo sa FMEM kung nagawa ba talaga ng tama ang task ng kapartner na flipper. Ito ay mandatory. Ito ay isang paraan para malaman agad namin na natapos ang task ng mahusay.

4⃣ FLIP AND CRITIQUE
• Ang 'Flip and Critique' ay isang pribilihiyo para sa flipper na magkakaroon ng 300 points.

• Kapag umabot na sa 300 points ang inyong puntos ay magpasa ng inyong form sa 'Critique and Flip' ground.

• Isang admin at isang flipper ang naatasang magbigay ng critique.

Basahin ang Point System sa susunod na pahina.

admin tres 3⃣

Book Flippers LoungeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon