Dedicated to you. ^_______^ thanks for being my first fan ! :D
________________________________
Chapter One - OH !@#$!
Blake's POV
“P*cha, Breana. Hindi na kita maintindihan.”
sabi ko kay Breana habang kausap ko siya sa YM at nagwewebcam kami.
“Please... alam mo naman, I can't reject this offer.. si Mom na yung nagasikaso nito para sa'kin eh.”
Mom niya nanaman.. as usual. Ayoko namang papiliin siya sa'ming dalawa.. obvious naman yung sagot eh.
“Pero.. pano tayo?”
“Babe.. 7 months lang.. I’ll be back in your arms again.”
7 months LANG, ang lakas ng loob niyang ngitian ako.
Hindi ko pa sinasabi sa kanya na tinanggap ko ang offer ni Dad na ipakasal ako sa babaeng di ko kilala.. eh pano kung bigla akong mainlove sa kanya sa loob ng 7 months na yun?! kahit na alam kong malabo. ARGH.
“Hindi naman babe eh, Hindi madali yun.. Pano kung big---”
naputol yung sinabi ko kasi may kumatok.
*Knock Knock Knock*
“Pasok.” sigaw ko sabay lumingon ako sa may pintuan.
'Ay, Sir. Anjan na po yung In laws mo kasama yung anak nila.'
“Okay susunod na ako. Pakisabi magbibihis lang ako.” Sinara niya na yung pinto.
“Babe... IN LAWS?” kitang kita ko na gulat siya at namumula yung mata niya.
“Wala. sige bababa na ako. Bye.”
“Babe! :-*I lov----” Hindi ko na siya pinatapos at sinarado ko na ang laptop ko sa sobrang inis. Last week pa kasi dapat uwi niya at ngayon lang siya tumawag para sabihin lang na naextend pala...
Nagbihis na ako at bumaba na, nakita ko naman silang nakaupo sa dining.. Lunch na pala.
Teka, bakit 3 lang sila, nasan na yung babae?
Umupo na ako.
“Hello po.” nagsmile ako sa kanila habang nilalagyan ni manang ang plato ko ng pagkain.
“Hello din hijo. Siya na ba? aba'y kay guwapong bata.” ngumiti naman ako. Matagal ko kasing alam yun . Lol.
“Guwapo ba kamo? MAA, mas guwapo ako jan.” sabi nung lalaki na nasa harapan ko, mga 15 yrs old siguro siya.
Teka nga anong sabi niya? aba paslamat siya at nanjan ang magulang niya kundi baka kamao ko ang ulamin niya.
Siniko naman siya ng papa niya.
“Pasensya na, loko talga yang batang yan.” Hmmm.
“Obvious nga naman.” 8) bah, kala niya ah.
Ayan, na pala si Amanda eh.
So Amanda pala ang pangalan niya? mukhang galing siyang CR. Lumingon ako sa side kung san yung sinasabi ni Dad na anjan na siya.
pakiramdam ko nagslow motion ang paglakad niya ng biglang.....
-------------------------------------------------------------------
Amanda’s POV
“Um. Excuse me po, MagCcr lang po ako.” sabi ko sa kanila na mukhang busyng busy sa pagkekwentuhan.
“Ah sige, Manang Dora pakisamahan nalang po.”
Sinamahan naman akoni Manang papuntang CR, Mejo malayo ah, anlaki kasi ng bahay eh.
“Salamat po.” sabiko kaay Manang.
“Wala yun.”
Nagayos ayos muna ako, ang tagal naman kasing bumaba nung lalakeng yun! nasisira na yung beauty ko. 8) oi di ako nagpapaganda ah, in born toh!
Pagkalabs ko ng CR at tapos na akong umihi, naglakad na ako pabalik sa dining.
“OH, so anjan na yung sinasabi nila? infairness may mukha.. este itsura.. kaya lang bakit weird?” napatigil ako sa kakalakad.
“HAHAHAHAHAHA!” oh anong problema niya? may kulangot ba ako sa ilong? May muta ba ako na napakalaki?
Si Jake naman mukhang nagets siya at nakitawa na din.
“Ate! ano ka ba! HAHAHAHA.”
samantalang ang mga elders at ako ay clue less.
“Hijo, Jake, anong meron?” sabi ng Papa niya.
“Ahhh, wala po. Saglit lang po ah.” Wala naman pala eh. G*gong toh pinagtatawanan ang beauty ko.
Tumayo siya at lumapit sa'kin.
“Excuse us lang po ah.” Hinila niya ako at napansin ko naman na kinilig ang parents namin. kaya lang ang pagkakahila niya eh pabaliktad, weird ng mokong na toh.
“HOY. San mo ako dadalhin? Bakit ba pabaliktad kang maglakad? dinadamay mo pa ako.” tanonng ko na mejo naiinis na.
Nasa garden na kami saka kami tumigil.
“HAAHHAHA.” di pa rin siya tumitigil sa kakatawa. Feeling niya naman cute siya?
“Ano ba?!” tiningnan ko siya ng masama.
“Ayan oh! HAHAHAH. ang Bastos mo! HAHAH.” Bastos ? ako?! Tiningnan ko naman anong nasa likod ko eh pangit at maduming bato lang naman nang bigla kong napansin na naipit pala ang skirt ko sa likod ko kaya naktaas ito ngayon.. este kanina pa pala.
“OH !@#$!” Binabab ko naman kagad. kaya pala sila nagtawanan ni Jake. kaya pala pabaliktad niya akong hinatak! kaya pala sila jake lang nag nakakita kasi sila lang ang nasa dulo. NAKAKAHIYA! ANG TANGA MO MANDYYYYYY!
“Namumula ka ah? hahaha.” sabi niya. ASAR.
Sa sobrang inis naglakad ako ng mabilis.
kaya lang.. napatid ako sa batong nakita ko kanina, yung nilait ko na bato. Buti nalang at hindi ako nadapa. Lumingon ako sa kanya at mas lalo pa siyang natawa.
GANUN, Clown na pala ako ngayon?
Ang pangit ng first impression ko sa kanya.
Pano yan, mukhang mahihirapan ata ako sa mga susunod na araw.