Kabanata IV

25 2 0
                                    

TYRONE BLAKE

ALTHEA'S POV

Malalim na ang gabi kaya nagsipuntahan na kami sa kanya-kanya naming dormitories. Si Aenah lang na bestfriend ko ang nag iisang kasama ko sa dormitory namin ,na sa oras na iyon ay mahimbing nang natutulog at humihilik sa upper part ng double deck naming kama.

Kahit tulog na ang pinakamamahal ko sisterette eh di ko pa rin talaga maiwasang mapatingin at mapansin ang mga perfect details ng mukha nya. Feeling ko nga siya ang perfect creation ni God. She had that perfect blue pair of eyes and that pointed nose. Damn. She's so gorg idagdag mo pa iyong pinkish niyang lips na parang sine-seduce lahat ng napapatingin doon.

Hays, hindi na ako magtataka kung bakit habulin siya ng mga manliligaw.

'Di ganoon kalakihan ang dorm namin kaya kitang kita ang umiilaw na phone nya sa may corner ng room na tila nakareceive na naman ata ng message ang loka. Dumako ako sa parteng yon para sana kunin ang phone ng ateng mo.

Labis labis ang pagkagulat at kaba ko ng akmang kunin ko to at bahagyang tignan kaya bigla ko iyong nabitawan. Nabasag ang screen nito ngunit saktong nasa convo pa rin ng taong nakita ko.Di ako nagkakamali tama nga ang nakita ko.

Si Aeschylus? paanong nangyaring nakakausap nya si Aeschylus?

Ilang linggo nang nawawala ang classmate naming yun at pinaghahanap pa ng kapulisan.

Out of curiousity pilit kong tinignan ang convo nila kahit na nananalaytay pa sa buong katawan ko ang gulat at kaba na dulot ng pagkabigla ko sa aking nakita. I was expecting that its all about Aeschylus and ano na nga ba ang kalagayan nya ngayon, i was expecting na nagkakamustahan lang sila but i was wrong.

"Papunta na ko ng restricted section para ibalik ang letter" ito ang unang mensaheng ibinato ng aking kaibigan sa kamag aral kong di ko alam kung buhay pa o patay na.

Isang di maipaliwanag na pakiramdam ang bumalot sa buong katawan ko ng mabasa ko ang mga sumunod na salita...

"Hindi mo gugustuhing malaman ang mga sikretong bumabalot sa CURSE ACADEMY, at kung malaman mo man buhay mo na ang nakataya" labis akong nabigla at ang pakiramadam ko ay bumigat, nakaramdam ako ng isang sensasyon na nagsasabing may bagay na misteryo sa aking paligid.

C-Curse Academy? 'Di ko pa narinig ang Academy na iyon... kung mayroon man. Dahil sa pag iisip ay natigil ako at napako sa kinatatayuan ko.

Makalipas ang ilang minutong pag-iisip napagpasyahan kong humiga na lamang at saka ipinagpatuloy ang muling pagbabalik-tanaw tungkol sa misteryosong mensahe na iyon. Curse Academy? Ano yun? Anong kinalaman ni Aenah dun? At ano ang koneksyon ng academy na yun sa pagkawala ng kapwa mag-aaral ko.

JANCENT'S POV

Makailang hakbang na rin ang nagawa namin ni Aenah bitbit si Althaea na kasalukuyang gumagaralgal ang boses dahil sa labis na iyak.

Kasalukuyan naming tinatahak ang daan ngayon papunta sa principal's office para ireport ang mga pangyayari.

Makailang beses pumasok sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Makailang beses akong nagbabalik-tanaw. Dahil ganoon din ang kaparehong eksena bago ako umalis sa Academy na pinapasukan ko sa States (Rusce Academy of USA).

Pilit kong pinipigilan paniwalaan ang sarili ko na may tinatago ang school na ito sa lahat ng estudyante nila. May mga pagkakapareho ang mga eksena. Pero walang lumalabas na salita mula sa bibig ng mga magulang. Walang lumalabas na balita sa telebisyon, radyo o maging sa pahayagan.

"good afternoon students " bungad samin ng isang magandang babae na nasa edad mid 30's pagkapasok namin sa isang metal na pintuan.

"Miss! Please... help him? " laking gulat namin ng biglang sumigaw sa harap ng aming punong guro si Althea. Namumula ang mga lumuluhang mata nito at puno ng lungkot ang mga salitang binibitawan nya.

"Miss! diba pinataas na ang security ng school? " dagdag pa nito.

"Yes and im so sorry Miss Althea, well try to fix it I promise " sagot naman ng principal sa pinakamahinahon na paraan.

"But as of now let is fix it. Well call your parents to take you home for you have been affected too much. You need to rest. " dagdag pa nito.

Tumungo kami sa sofa habang hinihintay ang pagsunod kay Althea ng kanyang mga magulang.

Makailang kwentuhan din ang nagawa namin bago tuluyang umuwi si Althea. Nakapagpahinga na din sya kanina habang nasa students park kaya medyo ok na sya.

Pagkatapos masyado ni Althea ay muli naman kaming pinabalik ni mmMiss Principal sa kanyang office upang utusan ikigpit ang ilang nakakalat na papers.

"Aenah, punta lang ako sa C.R." pagpapaalam ko bago ako lumabas sa office.

Pagpasok ko sa Comfort Room ay isang basag na salamin ang bumungad sa akin. Nagkalat ang bubog at dugo kung saan-saan.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle ng C.R. at isinara ang pinto matapos makarinig ng ilang tubig na ginagawa ng isang lamang tumatama sa mga bakal na dingding ng cubicle.

Matapos ang ilang minuto ay narinig ko ang paulit-ulit nitong pagmimina habang patuloy pa rin sa pagsuntok sa dingding at pinto.

"FUCK! "

"BULLSHIT! "

"ASSHOLE"

Paulit-ulit nitong sigaw na nagiging dahilan ng pagsakit ng dalawang tenga ko at pagkairita ng buong sistema ko. Bahagyang tumahimik ang paligid ng tumigil na ang lalaki sa pagsasalita at unti-unti na ring tumigil sa pagsuntok. Naghugas ito ng kamay sa tapat ng basag na salamin na nagawa kong makita sa tulong ng isang piraso ng salamin kung saan ko nakikita ang buong pigura nya.

Maitim ang buhok nito at napakatangkad din nya. Well-build ang body shape at matatangos din ang ilong.

Akmang aalis sana ito ng biglang lumingon ito sa isang piraso ng salamin sa lapag. Ang salamin kung saan ako kasalukuyang nakatingin. Nagsalubong ang mga titig namin kung kayat nakita ko ang dalawang itim na itim na mga mata. Wala kang makikitang anumang ekspresyon dito kundi pawang pagkamuhi at pag-iisa lamang.

Iniwas nito ang lingon tsaka umalis sa kinatatayuan nya. Bahagya akong nakahinga ng maluwag ng mawala na ang bigat sa temperatura na dahilan ng student kanina.

Lumabas din ako ng cubicle at tulad ng ginawa nya ay naghugas din ako ng mga kamay sa tapat ng basag na salamin.

Akmang aalis na din sana ako ng mapansin ang isang rectangular pin sa gilid ng gripo. Ito ang tinuturing na nametag sa paaralang ito. Tinignan ko ang nakasulat sa pin atsaka nakita ang pangalan ng lalaking nakasalubong ko at nagbigay ng napakabigat na pakiramdam sa akin.

TYRONE BLAKE

-----------------
AUTHOR'S NOTE

Guys please VOTE! VOTE! VOTE!
Medyo napaaga din update ng isang to. Sinisipag kase ako.

See you sa next chapter.

Fb: Jancent Karl Gella
Ig: @jancentkarl

Tytus Academy for MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon