Kabanata V

14 2 0
                                    

CHOSEN ONE

ALTHEA'S POV


Muling nagising ang ulirat ko nang biglang sumakit ang aking ulo nakatulog pala ako sa pag-iisip ng mga nabasa kong convo.

"Punyetaaaaa.."

"Ano na naman bang nangyayari sa aki--"

Laking gulat ko ng matunghayan ko ang mga sumunod na pangyayari. Nakatingin sya sakin ,tama nakatingin sa akin ng mga matatalim nyang mata ,mapupula ang mga ito,malademonyo at tila nanlilisik nawari ko din na may kung ano sa mga tindig nya na nagsasabing hindi na ko dapat pang humakbang paabante dahil hindi ko rin maaatim ang mga susunod na pangyayari kung gagawin ko iyon. Patuloy syang tumitig sakin at di ko ito lubusang ikinatutuwa .Nabigla ako ng makita ko ang kaibigan kong lumulutang sa ere na tila may isang hangin ang bumulusok mula sa kanyang paanan. Sino siya? hindi sya ang kilala ko, hindi sya ang kaibigan ko hindi sya si Aenah.

"S-Sino ka? A-Anong ginagawa mo dito? N-Nasaan ang kaibigan ko?" pinilit kong magsalita kahit nauutal na ang mga dila kong maghabi ng mga salitang babangitin ko.

'Di nya inalis ang mga nanlilisik nyang mata sa akin ,ramdam ko ang takot ng buong katawan ko at tila bibigay na ang mga tuhod ko dahil sa labis na takot at pagkakaba ng biglang kinagulat ko ang pagbuka ng bibig nya.

"Althea! Althea! You don't belong here. You belong to the other side of the door. You belong with us."

May kakaiba sa boses ng kaibigan ko tila isa syang lalaking may gumagaralgal at malalim na boses. Di ko mawari kung sino pa ba ang taong nakalutang sa mismong harap ng kinatatayuan ko.

Akmang sasagot na sana ako upang itanong kung ano ang ibig nyang sabihin nang di ko namalayan na kumaripas na pala ako ng pagtakbo patungo sa labas. Lubos akong kinilabutan dahil may kung ano sa sistema ko na pilit nagsasabing pumunta ako sa kung saan, tumatakbo ako patungo sa isang lugar na di ko alam. Nais kong balikan sana ang tao sa loob ng kwarto namin ni Aenah ngunit kinilabutan ko ng mapansin kong may sariling buhay ang mga paa ko na kusang tinatahak ang isang madilim na daanan na di ko alam kung saan papunta. Sa bawat yapak na ginagawa koy naririnig ko ang bawat ihip ng hangin maging ang mga tuyong dahong gumagawa ng labis na ingay na sa tuwing aking maapakan ay pumupukaw ng aking pansin at atensyon. Muli na namang lumabas ang mga luha kong nagsasabi na hindi ko gusto kung ano man ang nangyayari. Wala na akong maalala sa mga sumunod na pangyayari at ang tanging naaalala ko lang bago ako tuluyang pumikit ay ang isang daan at nakikita ko ang back gate ng school namin na patungo sa Rusce Garden. Kung saan man ako mapunta kailangan ko pa ring harapin ang mga susunod na mang yayari.

Muli akong dumilat ng mapansin kong tumigil na ang mga paa ko sa kusa nitong paggalaw. Nasa isang madilim na eskinita na naman ako ng isang building at ang bawat pasilyo at dingding ay may kakaibang details at textures. Tila nakarating ata ako sa isang bahay kung saan may nakatirang demonyo at sumasamba dito.

Teka...

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko mapansin na nasa tapat pala ako ng isang pinto. Napakalaki nito at lumang luma na. May nabasa rin ako sa tapat ng pinto na pumukaw sa gulong gulo kong atensyon.

Here lies the secret of the academy.

If you proceed theres no turning back.

Binuksan ko ang pinto dahan dahan ko itong tinulak na gumawa naman ng isang matinis na tunog na lubos na nakapagpapakilabot sa paligid. Nilibot ko ang aking paningin at labis kong ipinagtaka ang aking nakita sa loob ng kwarto, isang letter na nasa bote ang makikita sa gitna ng isang madilim at nakakatakot na kwarto pakiramdam koy naghihintay ito sa pagdating ko at may nakabantay din sa akin. Sa ngayon ay nakatayo ako isang lugar na ngayon ko lang napuntahan puno ito ng agiw at tila naglalabas ng isang katakot takot na tunog na nagmumula sa bawat apak at hakbang na ginagawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tytus Academy for MagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon