Prologue

27.8K 826 472
                                    

"Para po!" Garalgal ang boses na ani ko nang nalalapit na ang pedestrian lane na bababaan ko. Muntik pa akong ma- out of balance nang dahil sa pagtayo ko.

Hinintay kong makalampas ang ibang sasakyan, tinatantiya ang oras ng pagtawid ko. Sandali akong tumingin sa oras, 15 minutes before 9. Agad akong nakahinga nang maluwag, may pre-quiz kami at eksakto sa oras kung mapa-quiz ang prof namin, walang labis at wala ring kulang.

"Dy, Maria Zerina." Tinaas ko ang kamay ko agad at tsaka pinunit na ang yellow pad para makagawa ng 1/4 sheet of paper para sa pre-quiz namin.

"Riri ano nga ulit yung fixative?" Lumingon ako kay Joanne. "May notes ka diba?" Inabot ko na lang sa kanya yung notes ko, hindi ako makapagsalita dahil paos ako. Late akong nagising dahil umattend ako ng concert ng kpop na iniidolo ko.

"Fangirl pa." Pang-aasar nito at bahagya ko siyang hinampas sa braso, kahit si Marie na katabi ko lang ay natawa sa akin.

"Maraming time, pagbigyan. Hahaha!" Namula ang pisngi ko dahil doon, kung bakit ba naman kasi ngayong third year pa ako nagpaka- active sa mga ganyang bagay.

Hindi ko lang kasi maaatim na palampasin ang unang concert nila rito. "Partida nagsusulat pa yan sa wattpad. Famous yan eh." I rolled my eyes at the sudden presence of Sharida. Seriously! She won't complete my day without teasing me. Pasalamat siya at paos ako.

"Number one!" Para kaming mga langgam na bumalik sa kanya-kanyang pwesto. Kinuha ko ang 1/4 at gtec ko. Hindi na ako lumingon kanino man at hinanda na ang sarili para sa unang tanong. "It is the flashpoint set by OSHA, in the USA. Express your answer in Fahrenheit."

"Number two!"

"Sir wait!"

"Sir saglit lang po"

Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko at kung sakali mang may boses ako ay malamang kanina pa ako nakisabay sa kanila. Natatawa ako, buhay kolehiyo nga naman. Natapos ang quiz na may tatlo akong mali. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil, gustong-gusto ko nang magsalita pero hindi ko naman magawa.

But last night's feels keep reminding me of how beautiful it was. I had the chance to see my bias up close, and what's great about it? He held my hand. Balak ko sanang hindi na lamang maghugas ng kamay. Napailing na lamang ako sa sarili kong naiisip.

"Order mo po ma'am?" Paano ko kaya masasabi ang order ko kung paos nga ako. Tinawag ko si Joanne at tinuro ko ang order ko.

"Isang gyudon daw po ate, tapos chicken teriyaki po sa akin. Nag-concert po kasi yan kagabi kaya ganyan." Dagdag pa nito, na siyang tinawanan naman ni ate. Umupo kami sa usual seats namin, sila ay nagki-kwentuhan habang ako naman ay nag-online sa wattpad account ko. I already have a hundred thousand followers and a million reads in my stories, I go by the username sincerelyriri. Which for 5 years of being a writer, I stayed mysterious. No one knows me in there, not my face, not even my real name. I just write, until I'm the happiest.

That is what I love in writing you have the control on the world you have created alone. But recently, I had to take a break from writing, I cannot write the way I like it so much before. At imbes na sa pag-aaral ako mag-focus minsan ay heto at pinoproblema ko kung paano ko maisusulat ang susunod na kwento ng kabanatang ito.

Dumiretso ako sa notifications. Sunod-sunod ang notifications na pareho-pareho rin naman ang sinasabi kaya napilitan akong dumiretso na sa comment section.

"Gashhhh. Excited na ako sa next update. Ang tagal naman"

"ud na"

"otor kelan po ud?"

"update po please"

"may balak pa po ba kayong mag-ud?"

And everything goes and on and on...minsan talaga hindi ako ginaganahan kapag puro ganyan na lang ang mababasa ko, hindi ba nila ma-appreciate ang mismong story, kung sana ay yung reaction mismo nila sa bawat chapter ang sinasabi nila ay baka na-motivate na ako. Pero ewan ko ba, nawawalan na ako ng gana.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon