Chapter 6

7.6K 363 273
                                    

We had 3-hour drive on our way to Tagaytay.

Nag-assign muna si Joanne kung saang room kami mag-stay. Siya kasi ang president namin at ako naman ang secretary. I'm not in my usual self again, kaya siguro hindi niya ako masyadong inutusan. Pansin naman nilang lahat iyon. Kaya humiga muna ako sa kama at tsaka nagtakip ng unan sa mukha.

Even Sharida won't make fun of me. They stay silent.

"Breakfast daw muna." Tinapik ni Marie ang balikat ko, I didn't know I fell asleep. Tumango lamang ako tsaka bumangon.

Habang naglalakad ay inakbayan nila ako at ginitgit. "Ang tahimik mo!" Dumagsa pa ang iba naming friends mula sa kabilang block. Pinaulanan nila ako ng yakap. And that is the best thing about my life now, to have them as my friends.

Dahil nagkahiwa-hiwalay kami ng section ay catch up ang nangyari buong umaga. Tanghali nang mag-start ang first activity namin. "Sinong hindi ko na-handle rito last recollection?" Tanong ni Sir Michael, na-handle niya ako kaya hindi ako nagtaas ng kamay.

Nag-joke pa siya nang makailang beses kaya tawang-tawa naman ang iba. Ganun din ako, tawang-tawa. Somehow, nawala lahat ng iniisip ko. "Since ang topic natin ngayon ay tungkol sa brokenness." Panimula niya ulit, at lahat naman kami ay nakinig sa kanya. "Unang tanong, kamusta ka?" Napaisip agad ako sa tanong niya.

"Pangalawa, are you broken?"

"Pangatlo, how can you cope up with your brokenness?"

Natahimik kaming lahat.

We truly live different lives. Sometimes, if you think you have the hardest problems in life it's not actually as hard as what others are experiencing. Sometimes, we think of all people, why us? Why not them? Why is it unfair? But think of the possible answers. What if there's also someone out there, asking the same question. To think, that you have lighter problem than them.

Sometimes, we forget others. That they too, are facing their own problems.

"Maghiwa-hiwalay muna kayo ah. Maghanap kayo ng tahimik na lugar. Bawal sa kwarto, alam ko namang makakatulog lang ang iba sa inyo." Nagtawanan ang ilan sa sinabi ni Sir Michael. Napailing na lamang ako habang nangingiti-ngiti.

Nilibot ko ang buong orphanage. Nakarating ako sa may likuran. Sa isang puno ng mangga ako naupo. For some reasons, I feel so free. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin nitong nakaraan, hindi lang naman ako ang nakakapansin. This isn't the usual me. Kaya lang ay hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng pagod, sakit...I think I'm already living two worlds.

Gusto ko na lamang matapos ang lahat. Ito ang problem ko. Of all people why me? Maraming mas sikat na author sa wattpad. Nararanasan din kaya nila ang nararanasan ko. Yes, I once asked myself kung anong feeling mabuhay sa mundong gawa lamang ng isang manunulat. And here I am experiencing that kind of feeling and I must say it's not easy.

Sinagutan ko ang mga tanong ni Sir Michael sa booklet. Hindi ko namalayang pumatak na pala ang mga luha sa mga mata ko. Yung unang tanong pa lang ay napaiyak na ako.

I'm not okay. I don't think I'm okay. I can't be okay. It's hard to be okay.

Malalim ang naging paghinga ko. Ano bang problema ko? My first problem is only about acads, and all my failures. Second, dumagdag itong pagpasok ko sa mundo ni Steele. Third, I'm thinking about Steele! Damn!

Dahil sa hindi ako makapag-concentrate ay binunot ko ang damo sa gilid ng puno. Wala na akong matandaan pa sa mga susunod na kabanata ng story na yun. "Kung galit ka, wag mong ibuhos sa damo ang galit mo." Ani Idris, nagulat pa nga ako kung ako ba ang kinakausap niya dahil una, hindi siya masyadong nagsasalita, pangalawa, hindi kami close, pangatlo, never pa kaming naging mag-classmate.

To Your World [ Completed:2017 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon