Simula

78 3 2
                                    

Simula

Kabi-kabilang hiyawan ang maririnig dito sa gymnasium ng aming eskwelahan. Naririndi na rin ako dahil masakit tainga ang sigawan lalo na't puro kababaihan ang narito upang sumuporta sa basketball team ng university.

Nahampas, natulak, nasampal. Naranasan ko yan nang halos sabay-sabay dahil kay Chelsea. Boyfriend niya kasi iyong isang player dito! Pero kailangan bang ako ang pagbuntunan ng kilig?

"Go Kib! Go Kib! Wooooooh!!!" isang napakalakas na sigaw ang pinakawalan ni Chelsea na parang bang inipon niya ito ng isang buong linggo.

Hindi pa man nagsisimula ang laro ay kanya-kanya ng chinicheer ng mga supporters ang mga players. May mga dumayo rin na mula sa kalabang university. May mga dalang drums at may cheerleader pa.

"Are you guys ready?" tanong ng lalaking announcer sa mga manonood.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Sumayaw pa ang dance crew ng aming eskwelahan bago raw ipakilala ang mga manlalaro ng bawat team.

"And for the Eagles!"

Ito ang mga makakalaban ng aming university.

Kunwari ay wala akong pakialam sa mga players ngunit ang aking mga mata'y umiikot na at naghahanap ng... gwapo.

Isa-isang tinawag ng announcer ang mga players ng kabilang team. Malakas ang hiyawan. Tahimik ang nga sumusuporta sa team ng aming school.

"Green Archers!"

Mas lalo pang lumakas ang sigawan.

"Number 2, Aguas. Number 4, Cardozo."

Sumigaw ang kanilang mga supporters at ako naman ay pumalakpak lamang. Not my type. Charot.

Freshman pa lamang ako ng aming eskwelahan. Kilala ko lahat ng mga players dahil palagi ko itong napapanood sa telebisyon dati at aaminin kong may crush ako sa team. Pero kunwari wala akong interes sa mga bagay na ganito. Trip ko lang.

"Number 6, Rivero."

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumigil lahat ng tao sa paligid ko at nandoon siya, naglalakad na punong-puno ng confidence. Mas lalo lamang lumakas ang sigawan nung siya ang pumasok.

Isang napakalakas na sigaw ang isinigaw ko. Nasa may courtside lamang ako. Pinakamalapit sa bench ng mga players. Dito ang aming pwesto dahil kay Chelsea. O dahil kay Kib.

Nagulat si Chelsea dahil first time niya ata akong nakita na magcheer ng isang player.

Hinampas niya ako ng napakalakas. Napatingin naman ako sa kanya napakasama dahil sobrang sakit ng hampas niya saakin.

"Crush mo si Rivero?!" gulat na tanong niya.

Inirapan ko lamang siya. Hindi ko siya crush jusko mahal na mahal ko yan. Hindi pa man ako nag-aaral sa university na ito ay hinahangaan ko na siya. Karamihan sa mga kababaihan ay humahanga sakanya. Naiinggit ako tuwing may nakakalapit sa kanya. Iniisip ko na sana ako rin. Sana ako rin makalapit sakanya at mayakap siya ngunit mukhang imposibleng mangyari.

"Hoy ano nga?!" tinanong muli ni Chelsea.

"Hindi! Bakit hindi ba pwedeng sumigaw?" sagot ko sakanya.

"Sasabihan ko kay Kib mamaya! Lalapit tayo sakanya tapos ipapareto kita kay Paolo!" sabi ni Chelsea.

"Para kang tanga!" sabi ko at saka siya hinampas ng malakas.

Nasa gitna na ang tig-limang players ng bawat team. Nasa first five si Kib kaya parang tanga si Chelsea dito na kinikilig.

At syempre pati Paolo kasama ngunit hindi ko pinapahalata na kinikilig ako dahil baka intrigahin ako ni Chelsea. Nakakairita if ever.

ReciprocatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon