Kabanata 2
"Bilisan niyo nga!" pagrereklamo na ni Brenna at hinatak na ang kanyang kuya papasok sa sasakyan niya.
Tinignan ko ang relo ko at 6:45 na ng gabi. Nandito na ako sa sasakyan ni Brenna na naghihintay. Binuksan ko ang aking cellphone upang tignan kung may nag-message man lang ba o tumawag pero wala.
Walang may pakialam sayo, Mia. Wala.
Syempre meron. Nandyan pa naman Mama at Papa kong nagtiya-tiyaga sa ugali ko.
"Andito ka na pala." sabi ni Kuya Brent na kasasakay lang sa likod.
Tumingin ako sa rearview mirror at tinanguan na lamang siya. Ngayon naman ay si Brenna pa ang wala. Kanina siya itong nag-aapurang umalis pero siya naman ang hinihintay ngayon.
Kumatok siya sa bintana ng sasakyan at binuksan naman ito ng kuya niya.
"Nasaan si Kuya Ricci? Akala ko ba sasabay?" tanong ni Brenna.
"Oo nga! Baka pinagkakaguluhan pa." sagot ni Kuya Brent sa kapatid.
Binuksan ko ang string bag ko at hinagilap ang aking earphones. Isinaksak ko ito sa aking cellphone at nagpatugtog na ng kanta.
Hindi pa man din tapos ang isang kanta ay naramdaman ko na ang pagpasok ni Brenna sa driver's seat at bumukas ang pinto sa likuran. Pumasok si Ricci at tumabi kay Brent.
Sinundan ko siya ng tingin sa rearview mirror and I can't help but appreciate how good looking he is even if he was sweaty all the time. I never looked good whenever I have sweat. I never smelled great as he is whenever I'm bathing with my own sweat. I am so basura.
Iniwas ko na ang aking tingin at inistart na rin ni Brenna ang sasakyan.
Gusto ko ring matutong mag-drive kaso wala naman akong kotse. Ang bobo diba? Paano ako matututo?
"Patugtog ka nga." sabi ni Kuya Brent kay Brenna.
Inalis ko na ang earphones ko dahil nga magpapatugtog na lang sila.
"Ikaw na. Nakaswitch na bluetooth. Connect mo na lang."
Saved by Khalid.
Nakikisabay ako sa kanta pero pabulong lang. Pero si Kuya Brent at Ricci, showcased ang talent.
"Ang pangit nung kanta. Lipat niyo nga." sabi ni Brenna.
"Ganda kaya." sabi ko.
"Anong maganda diyan?" sabi niya at ibinalik ang tingin sa daan.
"I'm hoping that you'll say you're missing me the way I'm missing you." I said. Whispering.
Akala mo naman may lovelife!
"Sila Kyle?" tanong ni Kuya Brent.
"Huy pogi yun." sumbat ni Brenna.
"Ay true, crush ko yun nung Grade 10 kami." sabi ko at tumawa.
"Classmates kayo?" tanong ni Ricci.
"Oo." sabi ko habang nakatingin sa rearview. Pati siya doon rin nakatingin.
Tumango lamang siya at ibinalik ang tingin sa bintana. Ang tahimik naman niya. Pagod siguro o gutom na kaya hindi gaanong nagsasalita.
"Close kayong tatlo?" tanong ni Brenna.
"Hindi naman masyado. Ngayon lang." sagot ko.
"Ay uy Mia! May tanong ako!" masiglang sabi ni Kuya Brent sa likod.
"Ano yun?"
"Bat ka andito?" tanong niya.
Napakunot naman ako ng noo. Ayaw ba nila ako dito? Sige. Brenna ihinto mo nga jan sa tabi.
BINABASA MO ANG
Reciprocated
FanfictionWhat if your feelings are reciprocated by the one you love but the ones who hurt you came back and tries to win you again? Who will you choose?