Kabanata 1

47 3 2
                                    

Kabanata 1

Lumipas ang ilang mga minuto at bumalik na muli kami sa loob ng gymnasium. Ang iba'y masama ang tingin sa amin. Maaring nagtataka kung paano kami nakalabas kaninang halftime dahil nga hindi pwede.

Bumalik na ang mga players sa loob ng court. Ngayong quarter ay hindi muna ipinasok si Ricci dahil nga siguro'y pagod na rin siya. Kahit ako rin pagod na kahit hindi naman ako yung naglaro.

Seryoso siyang nakaupo sa kanilang bench at ako rin seryoso sa kakatitig sakanya.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Tinampal ko ang sarili ko at kinurot na rin pero masakit naman. Kinalabit ko si Chelsea.

"Oh?"

"Sampalin mo nga ako."

Walang anu-ano'y sinampal na niya agad ako.

"Aray!!!" sigaw ko sabay hawak sa aking pisngi.

Napatingin ang mga tao sa aming likuran. Baka akala nila ay nag-aaway kami. May mga babaeng nagbubulung-bulungan na pero tinignan sila ni Chelsea ng masama.

"Pwede ba?! Sabi niya sampalin ko siya edi sinampal ko! Huwag kayong issue. Mga gaga!" mataray na sabi ni Chelsea sabay irap sa mga tao.

"Ang sabi ko kasi sampal hindi sapak!" sabi ko kay Chelsea ng medyo pabulong ngunit may diin.

Hinimas-himas ko ang aking pisngi. Feeling ko bumakat ang kanyang mga daliri dahil sa lakas ng kanyang pagkakasampal saakin.

Inilabas na rin sa court si Kib dahil medyo malaki na rin ang lamang. Agad namang dumiretso si Kib kay Chelsea na akala mo'y hindi sila nagkita ng ilang taon.

Bale umupo si Kib sa gitna namin ni Chelsea. Pwede namang dun sa tabi mismo ni Chelsea diba? Bakit kailangan sa gitna pa namin? Sagabal ba ako sa kanila?

Nanood nalang ako ng laro kahit wala naman akong gustong panoorin.

Naiabante ng Eagles ang lamang nila sa siyam noong huling dalawang minuto ng 3rd quarter kaya naman medyo kinabahan ang archers. Pati ako kinabahan na rin. Baka parang pera na naging bato pa ang kalabasan.

Ibinalik na sina Kib at Ricci sa court dahil kaunti na lamang ang lamang nila.

Lumakas muli ang hiyawan nung pumasok na sila sa court. Kahit ako at si Chelsea ay tumayo na rin. Nagmukha tuloy kaming supportive girlfriends. Siya lang pala. Hindi ako.

Sa huling dalawang minuto ay walang nadagdag na puntos ang eagles at ang archers naman ay may nadagdag na dalawang puntos. Sampu lang ang lamang at baka kaya pang habulin ng eagles iyon dahil mag-uumpisa pa lang ang 4th quarter. Pero naniniwala naman ako sa mga archers! Lavern!

Best players ng eagles ang nasa loob ng court ngayon, pati na rin ang sa archers pero lahat naman ng players ng aming school ay best. Walang tapon.

Ang kaninang first five ang ipinasok ng coach ng archers dahil sila ang pinakamagaling sa mga magagaling. Ganun din sa kabilang team. Both teams are great in playing this sport.

Nagsimula na muling maghiyawan ang mga tao. Bola ng eagles. Sampu ang lamang. Sampung minuto.

Nashoot ng eagles ang bola mula sa 3 point line kaya naman bumaba sa 7 ang lamang. Ako ay medyo kinakabahan na dahil mahaba pa ang oras baka mahabol nila pero sigurado naman akong hindi nila hahayaan iyon na mangyari!

Hindi nashoot ni Kib ang bola mula sa 3 point line at naagaw ng kabilang team ang bola at sila naman ay nagpaulan muli ng tres! Apat na lang ang lamang!

Kulang na lamang ay pumasok na ako sa court at ako na ang maglaro kahit hindi ako masyadong marunong maglaro. Charot lang.

Tumawag ng time out ang archers dahil apat na lang ang lamang. Dapat masira ang momentum ng kabilang team para hindi na sila magdagdag ng score pa.

ReciprocatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon