PRIDE

8 0 0
                                    

"Sana mataas ang grade na makuha ko."

"Paano kung hindi? Anong gagawin mo? Magmamakaawa?"

Matiim ko syang tinitigan. Tinitimbang kung ang isasagot nya ay bukal ba talaga at galing sa puso o kaya ay defense mechanism lang. Baka sinasabi nya lang 'to para di sya pagtawanan kapag makakuha sya ng markang F. Para malaya syang magpakaawa sa aming guro. Ganon naman lahat diba? You'll do everything just for the sake of fucking numbers which we call grades.

Nagtataka na lang ako minsan. Gusto pala nilang makakuha ng mataas na marka, eh bakit inuuna ang paglalandi at pagpapasarap? Gusto pa lang pumasa, tapos di nagaral? Ngayon, kung mababa ang marka na makukuha, iiyak at magmamakaawa sa mga guro para sa second chance na makatake ng exam.

Kung pwede namang mag-aral muna, bakit aatupagin ang iba?

Pathetic.

"Bakit ba kasi di ka nakapag-aral? Binigyan na nga tayo ng isang linggo para makapaghanda, diba?"

Ang tanga lang kasi. Ayaw pala nyang makita ng magulang nya ang bagsak nyang grado, bakit di nagpursigi? Ayaw pala nyang malaman ng magulang nya ang tungkol sa pagiging malandi nya, bakit di binigay ang lahat para makakuha ng matataas na marka para di kwestyunin ng magulang nya ang kanyang behavior?

Even before she can say a thing or two, of course I already know the reason.

She's in forbidden relationship with our school priest.

Just like, what the heck, right?

"A-ah..tinulungan ko kasi ang kaibigan ko na gawin ang project nya."

Naglulumulikot ang mata nya. Halatang nagsisinungaling. Ako ba ang niloloko nya? Nagpapatawa ba sya? Ano ako tanga para kainin ang walang kwenta nyang palusot?

Wag ako.

"Sa loob ng isang linggo? To the point na nakalimutan mo na magkakaroon tayo ng pagsusulit? Ang tanga mo kung ganon."

Napangiwi sya. Di na yan magugulat sa mga bagay na lalabas sa bibig ko. She knew some part of my attitude. I'm rude. But a fucking grade conscious. No apparent reason though, I just love the attention... and expectation. Those things made me whole.

It's mind over matter.

"You're so mean."

"Alam ko. Di mo na kailangang ipaalala pa."

Ngumuso lang sya at yumuko para ipagpatuloy ang pagkain. Tutal tapos naman na ako, I just look around.

Maraming tao sa canteen. Halos lahat ng mga estudyante ay naririto. Kindergarten's at mapa college. Common ground.

Break time.

Sa isang sulok, may nakita akong apat na magkakaibigan. Nasabi kong magkakaibigan sila dahil sa ngiti ng bawat isa. Dalawang babae at dalawang lalaki.

Tinitigan ko lang sila ng tinitigan hanggang sa may napansin ako, ang lalaking nakaakbay sa babaeng may brunette na buhok ay palihim na hinihimas ang hita ng katabi nyang isa pang babae na yakap sa leeg ng chinitong lalaki.

Kitang kita ko ang malagkit nilang tinginan.

Napailing ako. Mga baboy. They're fucking each other behind their partner's back.

"Venial, I'm asking you!"
Sigaw ng babaeng katabi ko.

"What?"

"What if ikaw ang nasa posisyon ko? Gagawin mo rin ba ang mga ginagawa ko?"

Alin ba ang tinutukoy nya? Ang tungkol sa napabayaan nyang pag-aaral o ang pagkakaroon ng lihim na nakakadiring relasyon sa isang pari?

Mga makasalanan.

Anyway, alin man sa dalawa, wala akong pipiliin. Hindi ako kasing inutil nila. Mga walang kwentang nilalang.

"Hindi."

"As expected. Why then?"

Bumuntong hininga ako bago sumagot. Ilang ulit na ba nyang natanong ang tanong na yan?

"I don't need to beg just to get a high grade or to have that pasang awa thingy. Why? It is because I'll prioritize myself, my own studies rather than wasting my time in helping worthless people. I don't need to compromise my own for the sake of others. Biniyayaan tayo ng Diyos ng kamay, paa, bibig, utak at malusog na katawan para gawin ang kanya kanya nating mga tungkulin. Hindi masama ang tumulong, pero kung pababayaan mo ang iyong sarili alang alang sa iba at mga walang kwentang bagay, patawad pero isa lamang yang malaking katangahan. Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon nya, may katulad mo ba na tutulong sa kanya? Wala. Wala tayong katulad. Wala tayong kapareha. Kung ipapanganak ka nga lang na tanga, pasensyahan, dahil ka talagang mapatutunguhan. Good luck na lang sayo."

"What made you say that? What if you love that person? To the point that you'll do everything you can just to help him achieve his own happiness?"

"At kalimutan ang bagay na nagpapasaya sayo? Idisapppoint ang mga magulang mo? Hayaan ang sarili mong malugmok at pagtawanan ng mga tao? Isina alang alang mo ang kanyang kaligayahan. Sya ba? Isina alang alang ang iyo? Wag kang magpakatanga. Gamitin mo ang utak mo hindi yang puro na lang puso. Ikamamatay mo yan."

Nagtutubig na ang mga mata nya. Nakikita ko na mas nasaktan sya sa sinabi ko. Wala syang naintindihan. Mas inintindi nya ang sakit na nararamdaman nya. Hindi nya nakuha ang aral sa sinabi  ko. Isa syang kaawa awang nilalang. Isa sa mga walang pagasa.

"Alam mo babae, hindi sa lahat ng bagay, kailangang pairalin ang puso. Gamitan mo din ng utak. Ang puso, kadalasan, tanga yan. Manhid. Martir. Pero ang utak minsan lang yan nagkakamali. Lalo na kung may pinagaralan ka."

Dito mukhang mas tinamaan na sya. Halata naman kasi na pinamumukha ko sa kanya ang bobo nya sa lahat ng aspeto.

"Wala kang alam kaya mo nasasabi yan! Wala ka kasing puso! Lagi na lang sarili mo ang iniisip mo! Makasarili ko! Ni hindi ka nga marunong magpalumbaba, diba? Ang tingin mo kasi sa sarili mo, mataas. Ikaw laging tama. Kailanman, sa lahat ng mga tao g nakasagutan mo, kahit ikaw pa ang mali, hindi ko naririnig sayo ang salitang patawad sa kasalanang nagawa mo.

Alam mo, ngayon pa lang sinasabi ko sayo. Wala kang mararating dahil dyan sa pride mo. Mas nakakaawa ka, alam mo 'yon? Katulong nyo lang ang lagi mong kasama sa inyo. Wala kang magulang na naggagabay sayo. Wala sila sa tabi mo. Wala sila sa mahahalagang okasyon sa buhay mo kaya ka ganyan. Walang nagmamahal sayo-"

"Stop right there."

Tumayo na ako bitbit ang bag ko. Habang nagmomonologue sya sa harapan mo, nililigpit ko na ang mga gamit ko. Two minutes from now, matatapos na ang break namin. May exam pa akong aasikasuhin. I don't have time to hear some shits from this worthless creature.

"Save it. For now. I need to attend my 11:30 am class. May exam ako. See you? Bye!"

I hope I won't ever saw your fucking face again, bitch!

"What? May exam tayo? Akala last na ang kanina?"

See?

PATHETIC.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ETERNAL DAMNATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon