UoQ Part 1

87 6 0
                                    

Alliah's pov

"Hindi ka na ba nagsasawa alliah?kaybago bago mo palang sa school na ito ay puro kalokohan na ang pinaggaga-gawa mo!?"
Galit na tanong sa akin ng aking step father.

"Hon tama na,hindi naman niya gagawin yun kung hindi rin siya sinaktan"nagmamakaawang pakiusap ng aking ina.

"Pagsabihan mo yang tarantado mong anak!"padabog na wika ng aking ama-amahan tsaka padabog isinara ang pinto ng kanilang kuwarto ni mama.

"Oh alliah ayos na ba yang mga sugat mo?"nag-aalaang tanong ni mama.

"Mmmm"

"Pupuntahan ko na ang papa mo para palamigin ang ulo niya.Pagkatapos mong maligo ay kumain kana para makapag pahinga kana."habilin niya sa akin at tumango na lang ako bilang sagot.

Dumeretso na ako sa aking kwarto para kumuha ng damit pagkatapos ay tumungo na ako sa banyo at isa-isang hinubad ang aking damit para maligo.

Hay!Grabe naman si papa.Hindi ko naman alam na yung babaeng yon ay may ari ng school na pinapasukan ko.

Nang matapos na akong maligo ay nagbihis nako saka dumeretso sa kusina para kumain.

Nang makita kong nakahanda na ang pagkain ay naupo na ako at nagsimulang kumain.Nang matapos ko ang aking pagkain ay hinugasan ko na ito sa lababo at dumeretso na ako sa kwarto ko upang makapagpahinga.

Habang nakahiga ako sa kama ay hindi ko parin maiwasang isipin ang mga pangyayari kanina sa eskwelahan.

Flashback-----

Nandito ako ngayon mag isa sa canteen para bumili ng makakain nang biglang may nanghila ng aking uniporme dahilan para mapaatras ako.

"A-aray,A-ano ba!Bitawan mo ako!!"
Nagpumiglas ako sa isang babaeng nanghila ng aking uniporme.

"Nakaharang ka kasi sa pila !Ang tanga mo!"
Nakangising wika ng babae.

Aba sira-ulong to,Ikaw nga yang sisingit-singit sa pila eh!pshhhhh.wika ko sa isip ko.Nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinapunan ng mainit na kape.OO KAPE!KAPENG NAPAKAINIT!.

"Aray!Gaga ka ba!?"
Nanggigigil na sigaw ko sa babae.Napansin kong maraming nakatingin sa amin kaya sinabunutan ko siya upang mapahiya rin siya.

"Bitiwan moko!Isusumbong kita kay daddy!O-ouch!!Help!H-help"Nagmamakaawang pakiusap niya sa akin nagulat na lang ako ng may sumampal sa akin ng malakas.

P-prin-c-cipal ang d-daddy niya????

End of Flashback---

Kaya ganoon na lamang ang galit sa akin ng aking ama.Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako..

~YourCuteUnicorn

University of Queens (UoQ)On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon