UoQ Part 2

51 9 0
                                    

Lucille's Pov (alliah's mother)

Tok!tok!tok!
Matapos ng tatlong beses kong pagkatok sa pinto ay sa wakas pinagbuksan na ako ni Benadic.

Oh?Baket? Malamig niyang tanong.

Pede ba tayong mag usap Benadic?tungkol kay Alliah?

Ummmmmm!

Umupo kami sa kama at tinignan niya ako ng diretso sa mata.Biglang kumabog ng malakas ang aking puso kasabay ng kanyang pag buntong hininga.

Ah..Hon pagpasensyahan mona yung anak ko.Alam ko namang ayaw niya rin yung gawin.Siguro mas maganda kung ilipat na lang natin siya sa pampublikong paaralan para magtino siya kahit papaano .Mahabang wika ko.

Nakahanap na ako ng malilipatan niyang paaralan kung saan ........magtitino yang anak mo.Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan sa sinabi ng aking pangalawang asawa.

Saan naman ito?Baka mahal ang tuition.hindi natin makayang bayaran.Nalugi kasi kami sa dati naming nigosyo kaya medyo nagtitipid kami.

Sa Uoq.

Uoq??

Naenrol ko na siya.Sa susunod na linggo na ang pasok niya.Matulog kana.Pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang iyon ay lumabas na ito sa aming kwarto.

Uoq??Anong klaseng paaralan naman kaya iyan?Ligtas ba diyan?Baka mapaano ang anak ko?...

Hindi ko maiwasang mag-alala para sa aking anak.Bago palang sa pandinig ko ang paaralan na binanggit ng aking pangalawang asawa.Sana ay hindi siya mapaaway doon dahil hirap na hirap na kami ng kanyang tatay para siya'y pag-aralin.

Napag disisyunan kong sabihin ito kay Alliah upang hindi siya mabigla kung paghahandain na namin siya next week.

Lumabas akong kwarto at nakita kong nasa veranda si Benedic habang humihithit ng sigarilyo.Hindi ko maiwasang mapailing na lamang ..

Ayaw niya paring tigilan ang bisyo niya.tsk.tsk.tsk.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy papunta​ sa kwarto ng aking anak.

Nang matunton ko na ang kaniyang kwarto ay dahan-dahan ko itong binuksan.Magsasalita na sana ako ng makitang nahihimbing na siyang natutulog.

Nakakatuwa lang kasi ang laki na niya.Parang dati-rati ay hinehele ko pa siya ^_^.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa aking mga naisip.

Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya at hinimas himas ang kaniyang buhok.

Labing-anim na taong gulang kana anak.Buti ay kahit papaano ay hindi kita napabayaan noong mga panahong namatay ang tatay mo.Salamat at nagawa mo paring tanggapin si Benedic bilang pangalawa kong asawa.

Hinalikan ko na siya sa noo at lumabas nang kanyang silid.Pagkabalik ko sa silid namin ay naabutan kong tulog na ang aking asawa.Tumabi na ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at ipinikit ko na ang aking mga mata .

~YourCuteUnicorn

University of Queens (UoQ)On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon