Chapter 17: Secret Place

6 1 0
                                    

Update ^_^

---------------------------------

Ella's POV

Ang saya ng sembreak ko ngayong taon. Pang-apat na araw na namin dito sa Villa Fajardo and sad to say pero bukas na ang last day namin. Ang bilis talaga ng takbo ng oras, malapit na din kaming umuwi. Pero okay lang kasi marami na din akong nagawa dito with my family and friends.

Nung first day in-enjoy lang namin yung view dun sa may burol at naghabulan din kami na parang mga bata.

Nung second day ay kasama naming magbabarkada sila Mama at Papa na nag-island hopping. Tapos nag-swimming din kami pero sandali lang kasi malamig yung tubig, ber months na kasi eh.

Kahapon naman pumunta kami sa taniman ng mga gulay at prutas at tumulong kami dun. Game na game nga kaming mga babae pero yung mga lalaki ang aarte ayaw maputikan yung kamay at damit nila. Tapos nag-dinner kami sa may tabing dagat.

"Good Morning Ma, Pa." bati ko sa parents ko. Nasa may dining room kaming ngayon at sabay-sabay kaming mag-aalmusal.

"Good Morning anak. Bakit parang puyat ka yata?" bati at tanong naman ni Papa.

"Movie marathon po kagabi." sabi ko naman at pina-upo na nila ako. Kagabi kasi nag-yaya tong sila Hannah ng Movie marathon, puyatan daw kami pero nakaka-dalawa pa lang kaming movie tulog na sila at kami lang ni Renz ang natirang gising.

"So, kamusta naman ang stay niyo dito sa Villa? Are you enjoying?" tanong ni Mama sa mga kaibigan ko.

"Opo, alam niyo Mam being here is like being one with nature. Minsan lang ako makarating sa isang island na kasing ganda neto." sabi naman ni Gab at ngumiti siya. Mam? Masyado naman siyang pormal.

"Naku hijo, don't call me Mam nagmu-mukha akong matanda eh. Just call me tita." sabi naman ni Mama. Tumango naman si Gab at pati na din yung iba.

Marami pa kaming napag-usapan and mostly about sa experiences namin these past 3 days. Nakakatuwa namang panuorin yung mga friends ko na masayang nakikipag-usap sa parents ko. Para lang naming ka-barkada sina Mama at Papa.

Natigil yung pag-uusap namin ng biglang tumayo si Hannah.

"Mauna na po muna ako, magpapahinga lang po ako." matamlay na sabi niya. Pansin ko nga na kanina pa tahimik tong si Hannah. May sakit yata siya. Tumayo naman si Alexa at dinama niya ang noo ni Hannah.

"High Fever." matipid niyang sabi. Bigla naman akong nag-aalala. Tawanan kami ng tawanan dito tapos may sakit pala itong si Hannah.

"Well then, Hija. Ipapahatid na lang kita sa kwarto mo." magpapatawag na sana ng maid si Mama pero pinigilan siya ni Hannah.

"Wag na po tita. I can manage, dito na lang po kayo." ang tamlay niya talaga.

"Hannah!!" napasigaw kami ni May ng matumba na lang bigla si Hannah. Buti na lang at nasalo siya ni Gab.

"Tsk. Kaya daw niya pero hindi naman. " sabi ni Gab habang buhat-buhat niya si Hannah. Yung princess style na buhat. Ano ba yan imbes na mag-alala ako kay Hannah eh kinikilig pa ko, kasi naman, ang cute tignan ni Hannah habang buhat ni Gab. Para silang couple.

"Buti pa Gab, dalhin mo na siya sa kwarto ng makapag-pahinga na siya." utos ni May kay Gab at kahit ayaw niya ay sumunod na lang siya. Wala naman siyang magagawa eh buhat na niya si Hannah.

"Sige na mga bata, ihatid niyo na siya sa kwarto niya. Tatawag lang ako ng doktor." napatango na lang kami sa sinabi ni Papa. Sana naman hindi malala yung lagay ni Hannah, first time ko siyang makitang magkasakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Cute Evil Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon