Chapter 15: Start of their vacation

39 1 4
                                    

New cover for a new start :)dedicated to: @ryusaki_L, ang cool po ng cover na ginawa niya ^___^.

--------------------------------------------------------------------------------------

Nakapag-update din ako.. :DD Antagal na din nung huli kong update..  Busy kasi sa school activities. Pasensya na po sa lae update, promise babawi po ako :)

Sana suportahan niyo pa rin to kahit ngayon pa lang ulit ako nakapag-update.... Salamat po sa mga nagbabasa nito..

----------------------------------------------------------------------------------------

Third Person's POV

Madaling araw na ng makarating sila Ella sa Villa Fajardo, kaya pagkatapos nilang mag-ayos ng mga gamit nila ay nagpahinga muna sila sa sarili nilang mga kwarto. 

Magkasama sa isang kwarto sina Hannah, Alexa at May. Sina Renz, Gab at Hanz naman ang magkakasama. May sariling kwarto si Ella pati ang parents niya. Habang mahimbing ng natutulog ang iba ay gising pa rin si Renz, nais niyang maglakad-lakad muna sa labas ng mansyon.

Renz POV

"Gising ka pa pala." napatingin ako sa nagsalita. Si May lang pala kala ko naman kung sino na. Umupo siya sa tabi, nandito nga pala kami sa may hardin nitong mansyon. 

"Hindi na ko inaantok, eh ikaw ba't gising ka pa?" bago niya ako sagutin ay inabot niya sa akin yung dala niyang canned coffee. Always ready talaga tong pinsan ko.

"Tinatamad akong matulog." (chuckles) siya lang ang kilala kong tinatamad matulog. "Ang ganda talaga dito, nakaka-relax yung paligid tapos malamig pa yung simoy ng hangin" nakangiti siya habang sinasabi niya yan. Napangiti na lang din ako, tama naman si May nakaka-relax talaga dito maraming puno, bulaklak at ang tahimik ng paligid. Di tulad sa lungsod na puro usok, maingay tapos konti na lang ang makikita mong mga puno.

"Uy, magsalita ka naman, couz. Para akong adik dito, wala ba kong kausap?"Tapos tinignan niya ko ng masama.

"Ano namang sasabihin? " wala naman kasi siyang tinatanong.

"Magkwento ka ng tungkol sa inyo ni Ella. May progress na ba?" nakakaloko yung ngiti niya ngayon. As if naman may ikukwento akong progress.  

"Sus, wala pa no. Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya yung dapat kong sabihin" hindi ko na lang sasabihin na tinulugan ako ni Ella kaya di ko nasabi sigurado kasing tatawanan lang ako nitong pinsan ko.

"Weh? Eh anong pinag-usapan niyo nung iniwan namin kayong dalawa nung nasa theme park tayo?" -May

"Ang chismosa mo talaga" ginulo ko yung buhok niya at halatang nainis siya. Ayaw kaya niyang pinapakelaman yung buhok niya. "Wag mo nang alamin sa amin na lang yun ni Ella" tapos nag-pout siya."Anu  ba yan, sabihin mo na kasi." naka-pout pa din siya. Pinipigilan ko lang matawa pero nakakatawa talaga yung mukha niya. "Ano na?"  inis na yan 

"Nag-sorry lang kami sa isa't-isa tapos hiniling niya sa akin kung pwede daw bang ibalik na lang namin yung dati. Gusto daw niyang maging magkaibigan ulit kami." mukhang na-dissappoint siya sa kwento ko. 

"Ang torpe mo talaga couz, hindi mo pa sinabi sa kanya yung feelings mo. Ayan tuloy back to being friends nanaman kayo." hindi kaya ako torpe humahanap lang talaga ng tamang timing. 

"Alam ko kasing hindi pa siya handa na marinig yun. Atsaka napatawad niya na ko at yun ang mahalaga dun. Next time na lang yung pag-amin ko. Aray!!" Aba batukan ba naman ako. 

"Bahala ka nga diyan. Basta ako hihintayin ko na lang kung kailan yung time na sinasabi mo. Sige mauna na ko." Akala ko naman sesermunan niya ko. Tumayo na siya. "Matutulog na ko kaya matulog ka na din dahil siguradong magiging mahaba ang araw natin mamaya." Napahiga na lang ako dito sa damuhan. Tama si May siguradong magiging mahaba ang araw namin mamaya. 

Ella's POV

------

8:00 AM

Maaga akong nagising kaya dumiretso na ko dito sa kusina at ako na ang maghahanda ng almusal namin. Siguradong masasarapan sila sa niluluto ko. Ang menu ko for breakfast ay friend egg, fried rice at bacon. Maya-maya gigising ko na silang lahat.

"Uy ano yung mabango?" nagulat na lang ako ng biglang pumasok dito sa may kusina si Hanz. Ang kulit ng mukha niya, bagong gising kasi.  "Kala ko pa naman ako ang naunang magising, andaya naman." natawa ako sa kanya, para kasing bata. "Good Morning world" malakas naman na sigaw ni Hannah na kakarating lang. Ang ingay talaga niya.

"Psh. Ang aga-aga nag-iingay ka na agad. Alam mo bang marami pang natutulog" kasunod lang niya si Gab. "Che!!" Inirapan lang siya ni Hannah. Umupo na rin silang dalawa dun sa mesa. Ang aga-aga nagbabangayan na sila.

Binigyan ko na sila ng kape para matigil yung pagbabangayan nila. Dumating na din dito si Alexa at May. Tapos na kong magluto ng almusal kaya yayain ko na sana silang kumain kaso napansin kong may kulang pa sa amin.

"Si Renz gising na ba?" tanong ko sa kanila at walang sumagot kahit isa kaya nagpaalam ako para pumunta dun sa kwarto niya. Pagdating ko dun ay wala naman siya at mukhang hindi siya humiga dun sa kama. Saan naman kaya natulog ang lalaking yun?

Nagpunta ako sa may garden para tignan kung nandun siya.

"Kyaaahh!!" napasigaw ako kasi bigla akong natalisod sa isang bagay. Napapikit ako kaya hindi ko nakita kung ano tong bagay na nakatalisod sa akin.

Teka nga parang hindi naman bagay yung nakatalisod sa akin kundi...

Tao!!?

-------------to be continued

Comment and Vote :)

My Cute Evil Lover (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon