Chapter 33- Mall

34K 400 19
                                    

Kurt POV

(2 months later )

“Ashley! Okay ka na?” Sigaw ko kay Ashley sa labas ng banyo kasalukuyan kasi syang nagbibihis aalis kase kami para magpacheck up at bumili din ng gamit ng babies. Yup Babies feeling ko kase marami sila ^______^

“Kuuuuurt” Narinig kong tawag sa akin ni Ashley at bahagyang binuksan ang pintuan ako naman ay pumasok at nakita ko syang nakarobe lang at umiiyak nataranta naman ako at agad ko syang nilapitan

“*sniif* Kuuuurt T^^^^T” Umiiyak na sabi nya sa hinila ko sya sa labas ng banyo at umupo kami sa kama pinaupo ko sya sa hita ko

“Ashley Anong problema? May masakit ba? Bakit ka umiiyak?” Natatarantang tanong ko sa kanya pero nagulat ako tumayo sya sa harapan ko

“Tignan mo kooo! *sniff* Ang panget panget ko na! WAAAH! Ang taba taba koo! Mukha na akong baboy! Hindi na ako maganda! HUHUHUHU T^^^^T” Umiiyak na sabi sa akin ni Ashley hindi ko napigilan at natawa ako lalo naman syang sumimangot at umiiyak

“Tignan mo! Pinagtatawanan mo na akoo! Hindi mo na ako Love! Siguro may babae ka noh! WAAAH! Ang sama mooo! Pagkatapos mo kong buntisin hahanap ka ng ibang babae?!!?” Inis na sigaw sa akin ni Ashley at sumimangot lalo nilapitan ko sya at niyakap sya mula sa likuran

“Oo mataba ka-“ Naputol agad ang sinabi ko dahil nagsalita nanaman sya

“Sayo na mismo nanggaling na mataba ako! Leche ka!” Sigaw nya sa akin at pilit kumakalas sa yakap ko pero lalo ko pa itong hinigpitan

“Mataba ka kase ang dyan ang baby natin, tignan mo oh lumalaki na sila tapos lalabas na sila tapos magiging pamilya na tayo. Magiging Masaya tayo dahil sa baby natin ayaw mo nun” sabi ko sa kanya habang hinihimas ang tyan nya naramdaman ko naman na tumigil na sya sa pag-iyak at humarap sya sa akin

“Talaga? Wala ka bang babae?” Tanong sa akin ni Ashley habang nanliliit yung mata nya

“Wala noh! Ikaw lang ang babae sa buhay ko at ikaw lang ang mahal ko!” Sabi ko sa kanya at mabilis na hinalikan ang labi nya na nakapout agad naman syang napangiti

“Siguraduhin mo lang at wag na wag kang magpapahuli ng babae moo kung hindi igagaya kita kay Jericho Rosales sasampalin kita gaya ng ginawa ni Angel locsin” Sabi nya sa akin at nagmdaling pumunta sa banyo para magbihis

IMAG: I Married A Gangster (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon