Ashley POV
Nasa ospital kami ni Kurt dadalawin kasi namin si Angela. Nung Gang War binaril ni Angela ang Sarili nya sa bandang utak nya kaya nacomatose sya natanggal naman yung bala kaya lang comatose nga lang, limang buwan na syang coma at halos si Mark ang nagbabantay sa kanya sa loob ng limang buwan hindi naming makausap ng maayos si Mark palagi lang syang tahimik, Yaw man nyang aminin pero grabe ang pag-aalala nya kay Angela
“Hi Mark! Nandito kami para bisitahin si Angela” Bati ko kay Mark pagkapasok na pagkapasok ko sa room ni Angela tumayo naman si Mark at sinalubong kami at kinuha yung prutas at bulaklak na dala naming kay Angela
“Woah Ashley ang laki na ng tyan mo!” nakangiting sabi sa akin ni Mark
“Ikaw kase eh! Hindi ka na pumupunta sa bahay ang daya mo *pout* Hindi kita gagawing ninong sige” pang-aasar ko sa kanya nginitian nya lang naman ako at bumalik sa pwesto nya at tinitigan ng malungkot si Angela na nakahiga lang sa kama nya
“*sigh* Mahal mo pa noh” seryosong sabi ko sa kanya
“Oo, pero ayoko na Ashley…Masyado na nya akong nasaktan ayoko na.” malungkot na sabi nya sa akin habang nakatitig pa rin kay angela
“Kung ayaw mo pala eh bakit nandito ka pa? Bakit ayaw mo syang iwan?” Seryosong tanong ko sa kanya.
“Kasi….Basta! Ayoko syang mamatay dahil gaganti pa ako sa kanya ska pahihirapan ko pa sya” Sagot naman nya nagkatinginan kami ni Mark at napailing na lang kami. Nagstay kami dun sandali hanggang sa napagisipan naming na umuwi na
“Alis na kami Mark ah, Umuwi ka naman ang panget mo na saka ang baho mo” Pang-aasar ni Kurt sa kanya kaya sinamaan nya lang ng tingin si Kurt at natatawa kaming umalis.
~~
“AHHH! Napagooooood akoooo” sigaw ko at binagsak ang katawan ko sa kama naming ni Kurt
“Mag-Ingat ka ASHLEY! Kung makabagsak ka ng katawan mo parang ang gaan mo ah! Pano kung tumalbog ka?” Inis na sabi sa akin ni Kurt at dahan dahan akong tumayo sa kama at sinamaan sya ng tingin
BINABASA MO ANG
IMAG: I Married A Gangster (SEASON 2)
Teen FictionSeason 2 of I Accidentally Married A Gangster :) Sana po suportahan nyo ito gaya po ng pagsuporta nyo sa Season 1. Lovelots :***** By:PulaPatootsy