baka bukas

19 1 0
                                    

Baka bukas
Tayo na.
Baka bukas
Limot mo na siya.
Baka bukas
Ako na pala.
Pero nakakapagod pala
Na habang minamahal kita,
Minamahal mo'y iba.
Habang hinihintay kita,
May hinihintay kang iba.
Ang sakit, napakasakit,
Nakakapagod, nakakaubos.
Habang aking pinapangarap
Ating bukas na darating,
Kasalukuyan
Niyo ay nagaganap.
Gusto ko ng umusad.
Sana bukas
Hindi na ikaw.
Sana bukas
Limot na kita.
Sana bukas
Hindi na ikaw.
Baka bukad,
Sana bukas
Ako'y nakausad na.

stacksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon