"AM!"
"AM! AM! Hey, wait up!" Aish, hinarap ko na tong makulit na maliit na nilalang na kanina pa sinisigaw yung weird kong pangalan habang nasunod sa akin.
"AM sige na naman kase, pumayag ka na eh *pout* "
"No, Lei napag usapan na natin to." naglakad na ulit ako pero hinigit uli ako netong si Lei, uunahan ko na to.
"And that is final." firm at madiin kong sabi sa kanya pagkatapos kong humarap.
"AM naman eh, pumayag ka na, ako nalang magbabayad. Sige na pleaseeeee" parang bata naman tong nagmamaktol. At eto na naman kami.
"Lei, ilang ulit na natin tong napag usapan?" tanong ko sa kanya
"Pang 25th na to." sabi niya habang nagbibilang sa mga daliri niya. "At ano palagi ang sagot ko?"
"No." nakanguso niyang sabi sakin.
"There, alam mo naman pala eh."
"Oo na." at nagsimula na siyang maglakad una sakin, alam ko na tong drama na to.
"Hoy! wag mo sabihing ngayon ka pa magtatampo ha?" Aba't hindi siya lumingon. Hayy isa lang ang mag papa-amo dito eh.
"Lei, nagugutom na ko." There as if on cue lumingon siya at halos masilaw ako sa puti ng ngipin niyang nakakurbang letter D at mga matang nagtiTwinkle Twinkle little star.
Ito lang naman ang solusyon sa pagmamaktol ng babae na to eh. Pagkain.
Naglakad kami papunta sa cafeteria more like hinila niya ako papunta sa cafeteria.
"Abnormal na bipolar ka talaga ano?" sabi ko sakanya
"Mahal mo naman ako eh diba? Diba bespren. Yea tama, ewan ko ba pero bestfriend ko tong loka loka na to. Kababata ko to eh, sabi pa nga niya nasa bahay bata palang kami ng mga nanay namin eh bestfriends na daw kami. Soulmate pa nga daw ehpano ba naman, lampayatot to nong mga bata kami eh, lagi pang napapa away. Tapos ako naman tong tagapag ligtas niya. Psh. Tapos pag tapos ko na siyang iligtas at tumahan na siya, tatayo yan at yayakap sakin. Tss. Wala, walang tatalo dyan kay Leilanie Mendez.
"Tara na, tara na AM, Ohmyyy. hahahaha" sabi niya habang nagtatatalon sa gita ng daan papuntang cafe. Naghanap agad kami ng upuan and lucky us kase konti lang yung tao ngayon sa loob kaya madaming vacant seats.
"Anong gusto mo AM?spaghetti? burger? tapsilog? sandwich? fries? kwek kwek?--" Nagsimula na siyang maging living Menu.
"Anything Lei."
"And when i say anything, anything that is Edible."
Last time kase dinala niya ako sa isang japanese restau dahil sa pagmamaktol niya at pinakain niya akong i-don't-know-kung-pagkain-ba-yon, basta naka roll sya tas may balot na itim tapos may kanin sa gitna at may fresh na isda ata yun eh. Basta yun na yun. Pwe, ang pangit ng lasa promise.
"Hahahaha, move on eM's. Iniisip mo pa din yung pinakain ko sayong sushi? hahaha Aryt, wait mo ko dito." sabi nya tsaka umalis. Sushi pala tawag dun. Yuckkk.
Ilang minuto lang at bumalik na si Lei namay dalang apat, APAT na tray ng pagkain. I wonder kung pano niya lahat yun nabuhat lahat. Itatanong ko nga mamaya.
"Ayan na AM, kain na tayo. Hohoho" alok niya sakin pagkatapos ilapag yung MGA tray ng pagkain, sya yan eh, paglumalabas kami, toka niya ang pagkain. Wala kang angal pag yan ang nagOrder.
"Kumikinang na naman yang mata mo." Comment ko kase nagtiTwinkle na naman eh, porket may pagkain sa harap niya. Di kase tulad niya hindi ako mahilig kumain eh, siya lang tong mapilit sa mga Food escapades niya. Binibitbit lang ako. Pero bilib ako dahil sa takaw niyan ganda ng hubog ng katawan eh, pano ba naman member ng dance troupe. Ayan ginigiling niya lahat ng nakakain niya kaya parang walang epek yung pagkain niya ng madami.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig ni Bebe AM
Teen FictionSiya si FM gusto nya daw si AM--i mean si Bebe AM daw niya, eto namang si AM hate nya si FM Pero dahil sa aso't pusa nilang kalagayan nabuo ang BebeRadioCouple. Pano ba naman, daig pa ang napakalakas na interference sa twing magkasama sila. Talong t...