"AM!"
Ano ba yan, lagi nalang ba nilang isisigaw ang pangalan ko, Oo alam ko maganda yung pangalan ko pero hindi na kelngan isigaw pa. Lumingon ako sa pinanggagalingan ng napakalakas na sigaw. Naglalakad kase ako sa corridor papunta sa classroom ko.
"Oh, bakit parang hingal na hingal ka?" tanong ko dito sa babaeng pink? Srsly? Totoo, mula ulo hanggang paa, Pink sya.
"Ka..ka--ni--na" hindi nya matuloy yung sinasabi niya.
"Huminga ka muna kaya, libre lang"
"*inhale, exhale* Kanina pa kase kita sinusundan eh, Eto may nagpapabigay sayo." sabay abot sakin ng earphone na may kasamang jellyace at stickynote. Whuuut, jelly ace. Ohmyy. Favorite ko to eh.
"Sinong--" aba't bastos, itatanong ko pa kung sinong nagbigay eh, tumakbo na ulit.
Tinignan ko ulit yung Earphone, tapos yung JellyAce, tapos yung Note. the note says
Bebe AM,
take this earphone at gamitin mo sa susunod na Class mo, alam ko namang hindi mo favorite ang math 112 kaya gamitin mo to. Believe me this will e a great help. ;)
Bebe FM
P.S
Wag masyado kuminang ang mata sa JellyAce.
What the hell Francis, pinanindigan mo talagang FM ang name mo ha at anong Bebe? kelan nagkaroon ng Bebe ang pangalan ko. Thell hindi naman FM ang pangalan ng nilalang na yun kundi Francis Madrigal! Bwisit. Bakit ko alam? eh sinong hindi makaka alam ng pangalan ng nagiisang lalaki na nakapagpanalo sa basketball team ng school? Oh, sige sinong hindi makakakilala aber?
Anyways, late na ko sa susunod na class. Which is Math, teka pano nalamn ng kutong lupa na yun yung schedule ko? siguro stalker yun. Wooo. Creepy.
At ayun nga Math na. Huhuhuhu ayoko na ditooo. Ayoko sa math, sino ba naman kaseng may gustong humanap sa nawawalng X nayan sa pamamagitan ng Y. Grabe hindi ba parang masama kase gagamitin si Y para hanapin si X at makuha si N? Ohdiba?
Habang nagdadaldal yung teacher ko sa Math eh, dumadaldal din tong katabi ko. Walangya kalalaking tao eh ang daldal. Putulin ko dila mo eh.
"Alam mo ba tong ballpen na to, --blah blah blah"
hindi ko na siya pinakinggan kase naalala ko yung earphone na nasa bulsa ko. nilagay ko yun sa tenga ko, kahit pa nakaharap yung lalaking madaldal ano. Kunwari hindi ako nakikinig but actually, kahit hate ko ang math kelangan kong makinig dahil baka bumagdak ako sa midterms noh.
Hindi naman nakasaksak to eh, at mukang effective kase hindi ko na naririnig yung lalaking madaldal, tanging boses nalang ni Sir yung naririnig ko sa buong room. Buti naman at nakahalata tong si Kuyang madaldal na ayaw kong marinig yung mga kwento nya tungkol sa mga Ballpen, Srsly, Ballpen talaga ha?
At sa wakas tapos na ang dalawang oras na math torture na yun. Makaka uwi na ko kase yun na yung last subject ko for today.
Nasaan na kaya yung si Lei at parang hindi naman nagpapakita sakin eh,
*lakad lakad lakad*
Oh, nandito na pala ako sa gym, baka kase may practice sila Lei dito eh, balita ko dito muna sila kase kelangan nila magpractice para sa Liftings na stunt nila. Ewan ko kung tama yung pinagsasabi ko.
*Boooogshhhh*
Aba;t may flying bola na tumama sa likod ng ulo ko. nakatalikod kase ako sa pinto kase lalabas na ko, mukang wala si Lei dito pero Nyeta, tinamaan ako ng bola ng basketball.
"Miss ayos ka--"
hindi ko na pinatapos dahil humarap agad ako kahit na masakit yung ulo ko.
"Punyeta, mukha bang ayos lang ang kung sino mang tamaan ng matigas na bola sa ulo? Ha? Sabihin mo nga ayos lang ba ha?" Singhal ko dito sa lalaking teka--
"Mukang ayos ka naman Miss eh, nakuha mo na nga akong sigawan eh" sabi nitong si, ano nga uli pangalan neto? di talaga ako matandain ng pangalan eh, basta alam ko varsity to eh.
"Ah Miss kung gusto mo dalhin na kita sa clinic--"
"Hindi, ayos lang ako." sabi ko baka makaabala pa ako, mukang nagpapraktis sila eh
"No, I insist, ako yung nakatama ng bola sayo." And on cue bigla nalang akong nahilo at nagblack na ang paligid.
*blink blink*
Wait up. Asan ako, bakit puro white? Oh, naaalala ko na. nasa clinic siguro ako.
"Oh, youre awake na" sabi nung hanggang ngayon hindi ko parin alam pangalan niya.
"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko, mukang nagulat sya kase lumaki yung singkit niyang mata eh. Pero nabawi din niya yun.
"Ron, Ron Baltazar."
Ah, Ron pala pangalan nya, malay ko ba.
"Ano ayos na ba pakiramdam mo?"
"Ah, oo pasensya na sa abala mukang nagpapractice pa naman kayo." nakatungo kong sabi. Nakakahiya, nakaabala pa ko.
"Hindi naman, ayos lang." says he habang nakangiti. Oh, hahaha ngiti pa dali.
"Sala--" magpapasalamat na sana ako ng
*Booogggshhh*
Bumukas yung pinto ng clinic at halos matanggal sa pagkakaturnilyo.
"BEBE!BEBE!" sigaw ni FM na hingal na hingal at pawis na pawis.
niyakap nya ako pero tinulak ko sya.
"Ano ba, pawis ka oy, francis. Ano ba. Bitiw nga."
Bumitaw naman sya at humarap sakin
"Ano, ayos ka lang ba? masakit ba uo mo? Nakikilala mo pa ba ako? Ano? Sumagot ka naman!"
"Sige, aalis na ko. Mukang nakakaabala." Sabi ni Ron.
"Teka" pigil ko " Salamat nga pala."
"Wala yun."
Nagpaalam ulit si Ron at teka, may nararamdaman akong nakatingin ng masama sakin. Oo nga pala, si Francis.
"Hindi pa nga tayo nanlalaki ka na agad?"
Whuuut?
"Anong nanlalaki? lalaki your face!" Sigaw ko sa kanya.
"Eh, sino yun ha?! Bakit sya nandito?!" Sigaw nya sakin
"EH BAKIT KA BA NAKASIGAW HA? TSAKA BAKIT KELANGAN KO MAGPALIWANAG SAYO HA? PWEDE BA UUWI NA KO!"
Pagkasabi ko nun tumayo na ko kahit nahihilo pa ako unti, kelangan ko na lumayo sa nilalang na yun eh. delikado pa ko. Buti nalang at hindi na niya ako sinundan.
--
Ohmy, Umay.
Ang Lame nya. Huhuhu

BINABASA MO ANG
Pag-ibig ni Bebe AM
Novela JuvenilSiya si FM gusto nya daw si AM--i mean si Bebe AM daw niya, eto namang si AM hate nya si FM Pero dahil sa aso't pusa nilang kalagayan nabuo ang BebeRadioCouple. Pano ba naman, daig pa ang napakalakas na interference sa twing magkasama sila. Talong t...