Chapter 1

10 3 0
                                    

"Hoy Xie hindi ka ba talaga tatayo dyan." sigaw ni mommy sa labas ng pinto ko.

"Mom sabi namang mamaya na ako kakain eh. Di nyo kasi nararamdaman ung nararamdaman ko!!"

"Hoy Xie tigil-tigilan mo lang ako. Nag-break lang kayo nung 1 week boyfriend mo eh kung makaarte ka dyan."

Bakit ba!! Ang hirap kaya,  nasaktan na naman ung ego ko.

"Ano po bang ulam?" nahihiya kong tanong.

"Edi yung mga paborito mo."

Wow... Teka nag eemote nga pala ako.

"Ayoko po. Di ako kakain, masakit ang puso ko. Huhu." tumatalbog pa ko sa kama ko habang umiiyak.

"Hay bahala ka nga. Alam ko namang bababa ka dyan mamaya para kumain eh." umalis na sya.

" Hayst sabing di nga ako kakain."

Pumunta ako sa study table ko at kinuha ung laptop ko. Sumalampak ako sa higaan.

" Lets see Mr. Google kung anong magagawa mo!"

Tanong ko sa laptop. Huhu. Hirap talaga pag baliw na. Sa pag- ibig.

"How to forget a man?" mabilis kong pag type sa laptop ko.
#Deperada.

May mga lumabas na result na untog ko daw ulo ko sa pader tas ayun makakalimutan ko  na sya. Char.

Binuksan ko yung isang blog. Mukang helpful eh.

Tip 1:
Wag mo syang pansinin o kausapin man lang.

Tip 2:
Magisip ka ng mga bagay na masama o nakakaturn off sa kanya.

Tip 3:
Magalit ka sa kanya, sa ganon mawawala ng feeling mo sa kanya.

Tip 4:
Maghanap ka ng taong alam mong makakapag comfort sayo.

Tip 5:
Fall in love again. Buksan mo ulit ung puso mo sa taong alam mong di ka na sasaktan gaya ng ginawa niya.

Ung gumawa yata nito ung may pinaghuhugutan.Madali lang pala to eh. Pwera sa no. 5. I never been in love. Oo nagka boyfriend na ko pero gusto ko lang sila, not love.

Bwisit naman kasi ung ex-boyfriend ko kala nya gwapo sya. Iniiyakan sya ng ego ko ngayon.

Mambababae nalang sa nakikita ko pa, pwede namang kumuha sila ng kwarto.

Pagkatapos ng mahaba-habang pagiisip kung pano ko papatayin ung ex- boyfriend ko at ung babae nya eh nagutom ako.

Bababa na sana ko sa kama nung naapakan ko ung tsinelas ko madulas pa naman ung floor. Ayun dulas si ateng. Buti nalang hindi nasama ung phone ko hawak ko pa naman.

But first let me take a selfie...

'click'

Caption: Ang sakit pala talagang mahulog, kahit nadulas lang ako.

#sakitsapwet #queenxie #kasalanannungslippers #dyosaparin

Posted...

Ayan pero masakit talaga sa pwet.

Pababa na ko sa hagdanan... San pa ko pupunta edi sa kitchen gutom ako noh. Pinaalis ko lang si mom at dad.

Kumuha ako pagkain sa ref at inayos ko ung plating kahit na adobo and menudo lang yon.

'click'

Instagram feels. Muah.

Kainan na...

***
"Hey Xie nabalitaan ko ung nangyari. How are you na? Di ko alam bitch pala yung si Claire na un."

Ang daldal naman ni Sera ang dakilang chismosa.

"Pag talaga nakita ko silang dalawa ni Hunter papag-untugin ko sil--"

Bago nya pa ipalanghap sakin ung mga carbon dioxide na galing sa bibig nya, tinakpan ko na. I can't breath.

"Sera, okay na ko. Kaya wag ka nang OA. Shaka toothbrush toothbrush din pag may time."

Ingay hah. Kaya ang dami nyang wrinkles ang harot nya.

"Hoy hindi naman ako bad br--- ayy punta lang ako cr."

Naamoy nya ata.

"Go!!"

Umalis na sya. Sana naman ma mission accomplish nya ang pag totoothbrush.

"XIIIEE"

My name is everywhere.

"What!!" irita kong tanong sa kaklase kong ubod ng ingay.

"Ayy grabe makasigaw lang. May pinapasabi si Mrs. Principal sayo. Pumunta ka daw sa office nya ASAP."

Hayst ano na namang kailangan ni Mom. Yeah you read it right.

Naglalakad na ko sa hallway papunta sa principal's office. Nag scroll muna ako sa facebook ko.

-Sera Lei Chu

Ahhh!! So embarassing moment. Naamoy nya kaya??

#badbreath #toothbrushislife #naamoynicrush #lupakaininsiako

-Xandra Tobias

O to the M to the G. So handsome nemen neng menge trensfer!!

#loveit #akinlangsila #prince&paul

Ayyy nakakalerkey naman tong mga to.  Maga-out na sana ako nung nakita ko ung post ni Claire.

-Claire Flores

In a relationship with Hunter Ford. <3

#feelingloved

Feeling loved? Eh kung i love-lab ko sya sa kanal. Gigil mo si ako ha.

Tinago ko na ung phone ko at pumasok sa office ni mom.

"Mom bakit mo ko pinata---"

Okkkaayy two handsome mens are standing in front of meh. Eyyy neketengen sile seken.

"Ohh Xie andyan ka na pala. Sila ung mga bagong transfer dito, i tu-tour mo sila school tutal wala pa namang mga klase. By the way this Paul Stephan Cruz and Prince Carl Smith."

So si boy no. 1 Paul Stephan Cruz gwapo, mukang may pagkabaliw, ngiti ng ngiti sa akin, matangkad, maputi na pang kpop ang dating at singkit.

Si boy no. 2 Prince Carl Smith
Gwapo, mukang suplado, di ngumingiti, nakatingin sa akin ng deretso, may headphone sa leeg at may bitbit na libro.

Parang bet ko si boy no. 1 nakakatakot si boy no. 2 eh. Pero pwede na din. Ayyy so harot.

"Mommy buong erew ko be sileng itu-tour?"

Napataas ng kilay si mommy. Hehe.

"Hindi...at Xie yung pagsasalita mo para kang tanga."

Eh.

"Mom naman eh."

"At kumain ka talaga kagabi? Sabi mo di ka kakain. Tas di mo pa hinugasan ung pinagkainan mo, iniwan mo lang doon sa lababo."

Ayyy pinapahiya talaga ako.

"Mommy naman kailangan talaga dito sinasabi yan.

Nakita ko namang tumatawa ung Paul at naka poker face parin ung Prince

Kahit na principal si Mommy ganyan parin sya umasta lalo na pag kaharap ako laging semon ang napapala ko.

Bago pa ko masermonan ulit ni mommy lumabas na ako ng pinto kakausapin daw muna sila ni mom, susunod nalang sila sakin. Ang hebe nemen ng hair ko.

Makapag post muna nga.

-Feeling crazy

Caption: Tour Guide Goals. Okay lang pogi naman mga kasama ko. Yieeee. Sana tour guide nalang me forever.

#2P's #Tourguide #Crushgoals #DoubleKill #QueenXie #Sikoyangnakaheadphone

Tag friends: Sera Lei Chu.

Posted..

Mainggit ka. Tiyak na tatanungin na naman nya ko na bakit hindi ko sya sinama. Haha.

Trust MeWhere stories live. Discover now