Kabanata 1

8 0 0
                                    

Isang kahindik hindik na pangyayari, isang araw magugulat ka nalang may mga tao nang namamatay sa paligid mo. Kamag anak, kaibigan, classmate, batchmate.

Maraming nag- iiyakan sa paligid. May makikita ka ding mga post sa timeline nila na ngayon lang nila nasabi sa taong yun kung saan wala na siya.

Mga panghihinayang sa mga oras at araw na di mo man lang nakamusta ang taong iyon

Sadya nga namang napaka- ikli ng buhay. Ngayon, nang dahil sa mga pangyayaring ito mas lalo lang akong kinakabahan sa nalalapit na pagdating ng diyos.

"Uy okay ka lang?" Bumalik ako sa aking wisyo.

Nginitian ko lang ito.

"Kape?" Tanong nito.

"Sige, salamat" kasabay nun ay pag- upo niya sa tabi ko.

"Parang ang lalim ng iniisip mo ah. Nalulungkot ka din siguro no." Tanong ni mr-di-ko-kilala.

"Oo naman sino ba namang taong matutuwa mamatayan ng kaibigang anghel."

"Tama nga naman sayang nga at di kami naging close eh. " Sabi niya nang nakatanaw sa coffin ng kaibigan ko.
"Alam mo ba nakakatawang isipin na ang isang katulad kong tao, ngayon lang nabigyang pansin ang value ng isang tao kung san wala na ito. Nakakapanghinayang kasi di ko man siya naka- musta man lang. " Dagdag niya.

Tinitigan ko siya. Tama kahit ako hindi ako nagkaroon ng pagkakataon.

"May dumi ba ko sa mukha?" Tanong niya. Di ko namalayan natulala na ko sa mukha niya.

"Hahaha wala naman. Pero tama yung sinabi mo. Life's too short to waste ika nga. Kaya dapat enjoyin natin ang buhay."

Nginitian niya ko at sinuklian ko din naman ito.

"Sienna" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. "Andito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap eh."

--
Magandang umaga sa magagandang mukha ng nagbabasa neto HAHA so ayun po sana iyong magustuhan ang storyang ito. Mag- commento po kayo sa comment section. Maraming salamat! *Daliring puso*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panandaliang KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon