chapter 1

1.2K 24 4
                                    

PROLOGUE

Paano kung makilala mo ang isang taong pinakasikat mapa sa school man o kahit saan. Habang ikaw, isang babaeng mahahawa sa kasikatan niya. Ang mga babae ay inggit na inggit sa iyo dahil nalilink ka sa lalaking pinakasikat sa school niyo. May gusto ka sa kanya pero ang tanong, may gusto ba siya sa iyo?

- - - - -

Micks' POV

OMG! ayan na si crush! Papalapit ng papalapit sya sakin. OMG! lumuluhod sya! May kinuha siyang something sa bulsa nya and binuksan nya yung something and

O.O

OMG! Is that? Is that a

RING?!?!

"Will you be my girlfriend?" sabi ni crush.

Tss. Baka naman nagkakamali lang ako. Baka naman hindi talaga ako yung kausap niya.

Lumingon ako sa likod and wala namang ibang babae. Oh my! Sakin nya talaga tinanong yon? Totoo ba toh? Eh ano pa nga bang isasagot ko?

"Yes!" sagot ko naman. With matching kilig pa.

Tumayo na siya at . . .

Papalapit ng papalapit yung mukha niya sa akin.

Gap ng lips namin:

inch

centimeter

millimeter

Ayan na! Wag mo na toh papalampasin ng bonggang bongga!

3

2

1

at

"ANAK! Gumising ka na!!!" sigaw ni papa.

Alam mo yung nakakainis? Yun yung crush mo, crush din ng bayan. Saklap noh?

Ito namang si crush, may crush siyang iba. Yung crush nya naman eh may crush din sa kanya. Edi sila na!

By the way, ako nga pala si Micksie Cruz, A.K.A Micks at soon-to-be Micksie C. Reyes. 17 yrs. old. Maganda ako, mabuting tao, matalino, maganda, maganda, medyo sikat at maganda. Nasabi ko na bang maganda ako?

Si crush naman, o yung mapapakasalan ko balang araw, (assumera alert!) pangalan nya is Steven Michael Reyes A.K.A Mike. Oh diba? Parehas na "M" yung unang letter :3. 17 yrs. old din pero mas matanda sya sakin ng onti. Medyo matalino sya. Gwapo syempre! Seryoso minsan at nakakainis sa kanya ay kanyang pagiging MANHID. At higit sa lahat, (dandananan!) MAHILIG MAGFLIRT ("_ _) you know, ayaw ko sabihin yung word na yun

Sikat na sikat sya sa school. Kaya yung mga katulad ko, malayong maging kami. Hayyy. Nangangarap na lang ako ng gising eh! *pout*

Geh. Balik na tayo.

-_- Grabe naman! Kahit sa panaginip lang, crush, pinagkakait mo pa sakin yang halik mo. Panira naman si papa! -_-

Nakita ko si papa malapit sa pintuan.

Nagstay lang ako sa kinahihigaan ko.

"Sabi ko, gumising ka na." Ulit ni papa.

"Opo nga po. Gising naman ako eh. Magtaka na lang kayo kung kanina nyo pa ko ginigising at di pa ko gumigising." sagot ko naman

"Bumangon ka na." utos nya sakin.

"Yun! Yun yung hinihintay kong sabihin nyo. Yung sabihin nyong "bumangon" kesa "gumising" kasi magkaiba yun pa eh." pagpapaliwanag ko sa kanya

"Oo na po. Karami nyo pa pong satsat dyan. Halika na sa baba. Kumain na tayo ng almusal." utos uli sakin ni papa -_-

"K po." sagot ko naman

crush ng bayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon