chapter 6

121 10 5
                                    

Micks' POV

Sinundan ko na sila Mike at saka yung kasama niyang babaita -_-

Nakadisguise silang dalawa para hindi sila makilala ng mga tao. Paano ko sila nakilala? Simple lang.

Di ko alam eh ^_^

Hayy. Ang sweet sweet nila. Ano ka ba micks? Diba nga, ganyan siya sa mga babae. Grabe kayong dalawa ha? Ang dami nang langgam dito!!!

Gusto kong magulo sila.

Sinabunutan ko yung kasama niyang babae.

"What the?! Ano ka ba?!" Sigaw nung babae. Ano ba yan? Daming tumurit na laway ahh. Pinaliguan na ata ako ng laway. Pero yung totoo? Kapag ba artista o direk, dapat malakas magsalita? Hmm magkakalahi siguro sila nila mike at direk. Ang lakas makasigaw eh. Pero at least, bawal maging sila ni Mike XD

"Ayy sorry ha? May kuto ka ata eh. Ang dami oh! Eww." Sabi ko na parang nandidiri sa buhok niya.

Inirapan na lang ako nung babae. Taas ng kilay ahh. Pati kilay ata may kuto -_-

Lumingon si Mike. Binigyan niya ako ng iistop-mo-na-yang-balak-mo look. Binigyan ko siya ng ayaw-ko-nga look. So nagkakaintindihan kaming dalawa sa nga looks lang?

Nag-isip pa ako ng pwedeng gawin.

Kumain ako ng saging at tinapon ko yung balat sa dinadaanan nila.

LOL! Nadulas si

Mike -_- eng eng

"Ouch! Yung siko ko!" Hahaha pano nga kasi, nadulas siya sabay bagsak niya. Natama yung siko niya sa lupa kaya ayun, may sugat XD.

"Argg kanino ba galing yang saging na yan?!" Tanong ni Mike nang malakas.

"Ayy baka galing sa kasama mong unggoy." Sabi ko habang tinuturo yung babaeng kasama niya.

Utak nung kasama niyang babae:

Loading...

Processing...

Please wait...

Mind has stopped. Would you like to continue it? yes or no?

Bagal ng utak niya. Grabe! Naglalag na. Ayy hindi. Naghang na pala -_-

Hayy. Mga tao nga naman

Masama ang titig sa akin ni Mike.

Pinanuod na lang ng kasama niyang babae si Mike na kasalukuyang tumatayo. Hayy di na nagpakagentleman yung babae XD

Ano pa kaya pwedeng gawin para magulo sila? Hmm. Aha! Tumakbo  ako papunta sa lugar na kung saan medyo malayo sa kanilang dalawa pero madadaanan nila.

"Kyaaa! Si Michael Reyes!!! Kyaaa!" Sigaw ko kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat ng tao. Syempre maganda ako eh XD.

"NASAAN?! NASAAN?! NASAAN?!" Sigaw sa akin ng mga babae.

"Ayun oh!" Sabay turo ko kila Mike.

"Si Mike nga ba yun?" Tanong ng mga tao habang titig na titig kay Mike na para bang sinusuri nila ito. Nang nasiguro nila na si Mike nga iyon ay nagsisitilian sila.

"Kyaa! Oo nga!!! Magpa-autograph tayo dali!!! Dalin niyo na rin yung camera!!!" Sigaw ng mga tao sabay kuha ng papel, panulat at camera. Ang bilis ah? Handang handa sila ahh in fairness.

Nagmamadaling tumakbo yung mga tao papunta kay Mike.

May nagpapapicture at nagpapa-autograph kay Mike. Nakita kong nahiwalay yung kasama niyang babae sa kanya dahil sa dami ng mga tao. Bute nga!

Hayyy makauwi na nga. Ang layo na pala ng narating ko.

Kumain na ako ng dinner at nagfacebook muna. Wow parang kanina lang, ayaw ko. Sinearch ko yung pangalan ni Mike.

May page siya. Mga 75,000 plus. Di pa naman siya gaano kasikat. Nakita ko yung account niya. Tinignan ko yung profile pic niya. Ang gwapo! Nang malaman ko na naglalaway na ako dito ay tinigilan ko na ang pagtitig. Ang dami palang likes ng profile pic niya. Mga 15,000 plus siguro. Inadd friend ko siya pero ayaw magsend ng friend request ko. Siguro dahil medyo sikat na nga siya.

Hayyy makatulog na nga!

crush ng bayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon