Durée de vie

19 4 4
                                    

Xyla

It's our friendship anniversary today. Six years na kaming mag-bestfriend. I have a gift and a letter for her. Hindi niya pa din ako binabati at mukhang hindi niya natatandaan.

So I decided na puntahan siya sa canteen then I'll give my gifts to her. Hinanap ko siya pagdating ko.

I saw her laughing with another girl... It breaks my heart because that girl is our ex-bestfriend, it's Chariah.

I decided to walk away because I am too weak to talk to her. Pumunta ako ng classroom at inilagay ko na lang ang gifts ko sa desk niya.

"Xyla! May kaaway na naman si Audry! Nagsisigawan sila at mukhang malapit na mag-sakitan!" sigaw ng babaeng kaklase ko kaya umalis agad ako ng classroom at pumunta sa canteen.

"HOY! TIGILAN MO SI AUDRY!" narinig kong sigaw ni Chariah. Pumunta ako sa harap at nakita kong nakaupo sa sahig si Audry at si Chariah naman sinugod ang babaeng kaaway ni Audry. Sinampal at sinabunutan niya ang babae. Habang ako ay nakatayo lamang at walang ginagawa dahil ayaw kong makisama sa gulo na yan.

Nakita ako ni Audry pero umatras ako at tumalikod.

Kinabukasan...

Hindi na sumama sa akin si Audry kaya nagtaka ako at kinausap siya.

"Ano nangyari bes? Bakit bigla kang naging ganyan at hindi mo na ko kinakausap? Naguguluhan ako sayo."

"Iniwan mo ko! Ikaw ang kailangan ko! Ikaw dapat ang nandoon at pinagtatanggol ako pero ano? Iba pa ang nagtanggol sa akin! Ikaw ang bestfriend ko na dapat yun ang ginagawa pero anong ginawa mo? Tiningnan mo lang ako!" sunod sunod na sabi niya.

Wala akong na sabi pero isa lang ang na sa isip ko.. dapat alam niyang hindi ko kaya. Hindi ko nga maipagtanggol ang sarili ko eh.

"Okay sige... para matapos na to. Itutuloy pa ba natin ang frienship natin o hindi na?" Hindi ko na sinabi ang dapat kong sabihin. Ganito ako eh... walang lakas ng loob.

Umiling siya. Ah so hindi na? Ayaw niya na? Sabi ko pa naman sa letter na binigay ko sa kanya na huwag na huwag niya kong iiwanan. Kahapon lang yun ah. Huwag niyang sabihin na hindi niya nabasa yon? Dahil sigurado akong nalagay ko iyon.

"Hindi na.. kasi kailangan mong matuto. Kailangan mong matutunan kung paano tumayo sa sarili mong paa na hindi dapat kita inaalalayan para tumayo."

My heart broke into pieces. Nagsimulang mamasa ang mata ko pero pilit kong hindi ipinabagsak ang aking mga luha. Umalis ako sa harap niya at tumakbo sa C.R.

After two weeks, walang araw na hindi ako umiiyak. Palagi akong nasasaktan kasi palagi na silang magkasama ni Chariah. Sinabi niya saking ayaw niya doon. Na nabwibwisit siya doon. Anong nangyari? Bakit biglang kasama niya na yun?

Lumala ang sakit ko dahil doon. Kaya nandito ako sa hospital ngayon at naka-confine.

Audry

Months passed... walang pumapasok na Xyla, ang ex-bestfriend ko pero siya pa rin talaga ang bestfriend ko. Si Chariah... ayun, hindi ko naman na talaga siya itinuring na bestfriend dahil sa ugali niya. Ang dami niyang sinabi tungkol kay Xyla! Hindi ko na siya kinakaya!

I realized na kahit hindi niya ako ipagtanggol okay lang as long as she's here by my side.

Hindi ko alam kung nasaan siya... kahit teachers o principal nagtataka na rin kung bakit bigla siyang nawala. Nag-aalala ako everyday. Tinatawaga  ko siya pero palaging voice mail niya ang sumasagot.

Nagsisisi ako dahil iniwan ko siya. Sinabi niya pa naman nung friendship anniversary namin na huwag ko siyang iiwan kahit anong mangyari pero ginawa ko pa din.

Everlasting FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon