Bigla siyang nagsalita.
"Syd mahal kita" nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko."Totoo ba? Totoo bang mahal mo ako? Kasi mahal din kita Mathew, matagal na" unti-unting pumatak ang mga luha ko, hindi sa malungkot ako kundi masaya ako. Ang saya ko dahil mahal ako ng taong mahal ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataong ito.
"Mahal na ma---"
"Ateeeeeeeeeeee! Bumangon ka na, malalate na tayoooo!" ayst! Bigla akong napaupo. Panaginip lang pala ang lahat ng yun. Kala ko naman totoo na eh.
"Ang ingay mo naman! Sinisira mo yung panaginip ko eh" sabay tapon ko sa kanya ng unan. Ka inis kasi eh!
"Hoy! Huwag ka na kasing umasa na magiging kayo ng crush mo. Iba yung gusto nun! Maganda gusto niya" nakatayo pa rin siya sa pintuan.
"Maganda naman ako"
"Ate! Tumingin ka nga sa salamin. Huwag magsalita ng tapos! Tsk" sarcastic niyang pagkakasabi. Sabay tawa.
"Ikaw ha! Kanina ka pa eh, pag nahuli talaga kita lagot ka talaga sakin" sabay takbo ko papunta sa kanya. Nakababa na siya bago ko pa siya maabutan.
Nakakainis talaga yun, hindi man lang ako sinusuportahan eh.
"Sydney kumain ka na malalate na naman kayo niyan eh! Ang aga-aga nag aaway na naman kayo." - mama
"Si Kiera po kasi. Umalis na po ba si kuya?" sabi ko habang kumakain.
"Kanina pa, sumabay na siya sa papa niyo. Tagal niyo kasing magising eh!"
"Una na po ako ma." sabi naman ni Keira. Edi mauna siya total naman naka bihis na siya.
"Bilis! Alis na! Nakaka bad mood yang mukha mo!" sabi ko naman.
"Che! Pangit mo di kayo bagay nun!" sabay takbo niya na. Maganda ako, inggit lang siya. Tsk!
Hinugasan ko na yung kinainan namin. Pagkatapos ay naligo at nag bihis na ako.
"Ma pasok na ako." pagpapaalam ko.
"Sige ingat ka, sumabay ka na sa kuya mo pag-uwi."
"Opo" naglakad na ako palabas.
Ang ganda na sana ng umaga ko kundi lang talaga dun sa bruha kung kapatid. Tsk! Kainis talaga siya. Parehas nga pala kami ng school ng kapatid ko tsaka ni kuya. Si kuya ay grade 12 na, ako naman grade 10 at si Keira grade 9.
-
"Good morning class" sabi ni maam Gigi at padabog na ibinagsak ang libro niya sa desk."Good-" sabi namin sabay tayo ngunit agad namang pinutol ni maam at nagsalita.
"Huwag na kayong mag good morning, walang good sa morning!." ganyan si maam palabiro pero ang corny. Minsan nga siya lang natatawa eh pero susuportahan nalang namin para di awkward sa side ni maam hahhaha.
Halos lahat kami ay siya ang paboritong guro. Bukod sa joker pa, minsan hindi pa siya nagkaklase samin dahil daw sa wala din daw siyang naintindihan sa topic namin. Di ba ang saya hahahaha!
"I will group you into 5" heto na naman tung group-group. Sana naman maka groupo ko na siya. Oo, yung crush ko classmate ko lang kaya madali lang sakin maka chansing sa kanya hahaha pero joke lang!
Nagsimula ng magbilang si ma'am. At sa hindi inaasahan magka groupo nga kami ni crush. Waaaaaaaaaaahhhh! Yung puso ko tumitibok-tibok na naman ng mabilis. Pagkakataon ko na para magkaroon naman kami ng communication. Hindi kasi talaga kami nagpapansinan, kasi naman eh nahihiya ako sakanya at bukod dun hindi ko talaga mapigilan ang kilig ko kapag malapit siya sa akin. Alam ko namang alam na niya na crush ko siya eh. Halata kasi masyado hehehe.
BINABASA MO ANG
May The Best Girl Win [ON GOING]
Teen FictionAng weird ng title no? Pero sana may mag basa nito. May bahagi sa storyang ito na totoo talagang nangyari, yung ibang pangyayari naman ay likha lang ng malawak na pag-iisip. Hope you enjoy reading. Kamsahamnida!