Lio's Pov
Nabigla nalang ako ng may humawak sa balikat ko. Sa paglingon ko isang lalaki ang bumungad sa'kin. Malulungkot ang mga tingin ng mga mata niya kaya naman nagpakita ako sa kanya ng isang napakalaking ngiti.
"Okay ka lang ba? Kasama mo ba ang mga magulang mo?" Malungkot na tanong niya.
Tumango akong may mga ngiti sa labi ko. "Okay lang ako. Dont worry, kaya ko kahit mag-isa ako"
"Ganun ba?" Tinignan ko siya ng mabuti pero umiwas siya ng tingin at tumingin sa langit. "Mag-iingat ka parin. Walang kapantay ang mga buhay natin. Hindi na ito ang mundo na nakasanayan natin. Kung mapanganib sa totoong mundo ng EnCharmzia, mas mapanganib dito. Dapat maging aware ka sa paligid mo ah?" At muling bumalik ang malulungkot niyang tingin sa'kin.
"Yup, aware naman ako"
"Ano bang problema mo?!" Sigaw ng isang lalaki hindi kalayuan mula sa'min. Nakuha niya ang attention ng marami. Hawak niya ang void niyang mistulang latigo ganun din ang lalaking nasa harapan niya na mistulang gusto siyang paslangin.
"Ryu?" Bulong ng lalaking nasa harap ko.
"Kakilala mo?" Pagtataka ko naman.
"Kaibigan ko siya. Kailangan ko siyang tulungan!" Hindi ko na ikinagulat ang biglang pagtakbo niya papunta sa scene kaya sumunod ako sa kanya at bago pa siya makalapit ay kaagad ko siyang pinigilan "Okay lang ang lahat" nakangiting sabi ko na ipinagtaka niya.
Narinig nalang niya ang biglang pagbagksak ng Void ng kalaban ng kaibigan niya sa sahig. "Sa tingin ko Safe Zone ang town na kinatatayuan natin" sabi ko at nilingon niya lang ako at binalik din kaagad ang attention sa kaibigan niya na iniwan ng kalaban niya.
Lumapit siya dun sa guy kaya sumama ako "Ryu, ayos ka lang?"
Nilingon naman siya nung kaibigan niya ng may nakakapanlambot na mga tingin "hm, Okay lang ako. Salamat. Hindi ko inaakala na pati ikaw nandito"
"Walang makakaligtas sa Mahika ni Eliza. Himala ang kailangan natin" bulong ko lang at hindi ko inaasahan na maririnig nilang dalawa "Kaylan ka pa nagkaroon ng cute na babaeng kapatid, Rius?" Tanong sa kanya nung Ryu.
Ngumiti ako sa kanya dahil sa tingin ko na misunderstood niya ang height kong mukang pang-elementary student lang. "Hihi, 19 years old na ako. Same age as you two. Sadyang hindi lang ako pinagpala ng height, hihi"
"Seryoso ka ba diyan. Pero, ako si Ryu Paleraja, kaibigan ni Rius Eclarin" nakangiting sabi niya at napansin ko rin ang ngiti sa mga labi ni Rius.
"Lio nalang ang itawag niyo sa'kin, hihi"
"Kahit ang pangalan pangbata parin, haha. Pero okay lang, ang ganda ng pangalan mo" sabi ni Ryu habang tawa ng tawa habang ako naman nakapout na.
Nilingon nilang dalawa ang mga taong nagtipon tipon at tatlong mga Ranking Wizard ang nakatayo sa gitna na bumubuo ng mga grupo.
"Ano sa tingin niyo? Dapat ba tayong sumama sa mga Ranking Wizard?" Tanong ni Ryu.
"Mas malalakas sila sa'tin. At ang mga nakatayo ngayon sa gitna ay ang Rank 3, 6 and 7" sabi ni Rius.
"Mas magandang hindi tayo ma-involve sa kanila. Sa tingin ko gusto nilang maging Floor Clearer, mga Frontliners Wizard" sabi ko at tumalikod na sa kanilang dalawa at nagsimulang maglakad ng may ngiti na ani moy ito parin ang dating mundong kinatatayuan ko.
"Lio, aano ka?" Tanong ni Rius habang sinusundan nila akong dalawa palabas ng town.
"Gusto kong sukatin kung anong pinagkaiba ng mundong kinatatayuan natin at ang dating mundo natin" nakangiting sagot ko hanggang sa makalabas kami sa Safe Zone Town.
Duon namin nabasa ang karatulang Mage Sanctuary.
"Safe Zone talaga ang Town na 'to?" Pagtataka ni Rius.
"Hindi ba mas magandang magstay nalang tayo dito at lumayo sa Dungeon?" Tanong ni Ryu.
"Mas magandang malaman natin ang lahat ng details ng mundong 'to. Dahil kung hindi, hindi tayo mabubuhay ng matagal dito" nakangiti kong sagot.
Sa paglalakad namin paiba ng paiba ang nararamdaman ko. Nararamdaman kong may parating na napakaraming may malalakas na Mahika pero bakas dito na hindi sila Wizard.
Napatingin kami sa langit ng bigla itong maging pula. Lumitaw ang pulang buwan at ang mga ulap ay naging pula. At hindi namin inaasahan ang mabilis na pagbagsak ng napakaraming kakaibang nilalang. Malalaki ang mga katawan nila, may isang sungay at may hawak silang mga espada.
"Sa tantya ko mga nasa 28 sila" sabi ni Rius.
"Paano mo nasabi?" Tanong ko.
"Isa akong Earth Holder, hawak ko ang mundong kinatatayuan natin ngayon" nakangiting sabi niya.
"Hihi, Ryu, Rius nakapagdecide na ako! Gusto niyo ba akong samahan na talunin si Eliza?" Nakangiti kong tanong kahit nakatalikod ako sa kanila at ang attention ko ay makatuon sa mga halimaw na nasa harap namin.
"Oy, Lio h'wag ka ngang magbiro ng ganyan. Di nakakatawa. Saka hello? Creator ng mundong 'to ang tinutukoy mo" biro naman ni Ryu.
"Muka ba akong nagbibiro?" Kinuha ko ang dagger na nasa beywang ko at may ngiti akong humarap sa kanilang dalawa "Tayo ang gaganaping Hero dito. Tayo ang tatalo kay Eliza"
At dito nagsimula ang lahat ..
To be continued ...
BINABASA MO ANG
The Dungeon that Specially Made for Veichleo Vali
FantasyBakit nga ba nagiging duwag ang isang tao? Dahil takot silang masaktan. Isa na duon si Veichleo Vali, isa sa mga Wizard na lalaban para sa mundo at para mailigtas ang napakaraming buhay, dahil sa isang pagkakamali kung ituring niya ay natakot siya...