--. They Meet AGAIN .--

85 5 1
                                    

" Chichi, are you sure na sya yun? Cinancel ko ang sched ko papuntang heaven para lang makita ko pa sya bago ko mamatay " 

" Lala !! Ano ba ! Wag ka ngang ganyan ! I'm sure sya yon so stop it na ! Nagsisisi tuloy ako bat pa kita tinuruan ng mga hirit na ganyan eh >______< " 

Haayyy grabe ! Kanina pa kami walang tigil sa pag-aargue dito sa daan habang tulak-tulak ko yung wheelchair nya dahil sa kagaganyan nya eh . Kesyo mamamatay na daw sya, kaya daw dalian ko na para masaya daw sya pag namatay na daw sya. Kung gusto ko pa nga daw paparty pa ko eh ! Hayy ewan ! >______<

Nandito kami ngayon sa daan at kasalukuyang tinatahak ang Cavite St. papunta dun sa puno ng Calachuchi. 

Ewan ko ba kay Lala, nung sinabi kong nakita ko na si Renz nya, biglang nabuhayan ng dugo tas nag-iiiyak . Pag punta ko sa bahay mukha nga syang nanghihina , pero nahiya naman daw ako sa ginagawa nya ..... 

Nag-outfit at kasalukuyang nagm-make up ang magaling kong lola nang madatnan ko ! Chura ! Date lang ??! Ano yan ...

PEE-BEE-BEE TEENSSSS ????!!!!!  xDD 

Akala mo walang nangyari eh. Ganun yata talaga ang LOVE, kahit kamatayan malalabanan. 

Nang makarating na kami dun, 

Wala na dun si Lolo Lover !!! NASAN NA YUN ??!! O_O 

" Chichi, akala ko ba nandito sya ? "  paiyak na na sabi ni Lala

"Y-yes. Nandito lang sya Lala. K-kanina.... 

Nandito lang sya eh .... 

NASAN NA YUN ??!! Sabi ko wag syang aalis eh >____< " 

Nagsimula na nman akong manginig at manlamig. Baka isipin ni Lala pinapaasa ko lang sya. 

Eh nandito lang naman talaga sya di ba?!! Halaaaaa.... Nasan na sya ToT 

" Niloloko mo lang yata ako Chichi eh. Kailan ka pa natutong magsinungaling sa akin ? Sabi mo nandito na sya....

Sabi mo nandito na sya.....

Sabi mo makikita ko na sya :'(   "   may pumatak na luha sa mata ni Lala 

 " Lala believe me. Nandito lang sya anina. Promise di ako nagsisinungaling. I can't do that. Nandito lang talaga sya kanina. Swear !  Nasan na ba sya >.< Nasan na---- " 

" I waited for you"  

Lumingon kami pareho ni Lala sa likod at nakita si Lolo Lover na nakatayo at may hawak na bulaklak ng calachuchi. 

Mabagal na lumapit sya kay Lala at inilagay sa tenga nya ang bulaklak

" Akala ko di ka na darating.... 

akala ko kinalimutan mo na ako "   nangingiyak na sabi ni Lolo Lover

"Renz....  "   yumakap ng sooooooobrang higpit si Lala sa kanya at umiyak ng umiyak

" Hinintay kita kasi nangako ako sayo.At tinupad ko yun. Ganoon kita kamahal noon , 

at mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Salamat binalikan mo ko "   umiiyak na rin si Lolo at niyakap pabalik si Lala

" Renz... *huk.huk*  Hinanap kita.... kasi sabi mo maghihintay ka.... 

Sorry ngayon lang ako.....  *huk.huk* , hindi agad pumasok sa isip ko na baka nandito ka lang. Kasi akla ko imposibleng makapaghintay ka ng ganitong katagal..... *huk.huk* ... 

I love you. "    hinalikan ni Lala sa pisngi si Lolo Lover

" Nakaya ko kasi mahal kita...... 

araw-araw umaasa ako na makakasama ulit kita at ngayon nandito ka na......

wala  na kong ibang hihilingin, pwede na kong mamatay. "   sabi ni Lolo 

Medyo nahimasmasan na si Lala at hindi na sya umiiyak

" Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Hindi pa pwede dahil gusto ko pang magsama tayo ng medyo matagal pa. Gusto ko rin na magpakasal tayo--- " 

" Sa edad nyong yan ?!!! " 

" Chichi !!! >___< " 

" Hahaha! xD Joke lang Lala Vevs--- " 

" Mimizche nga sabi eh ! " 

" Edi Lala Mimizche, choosy ! Ai Lolo Lover--- " 

" Renz pangalan nya ! =___= " 

Pssh ! Kontra lagi ! =_______=

" Sorry naman .... Lolo RENZ, wheelchair nyo po. Baka di na po makaya ng tuhod nyong tumayo ^0^ "    iniabot ko ang wheelchair nya 

" Ang sama ng ugali mo Chichi " 

" Hahaha-- *cough.cough* , mukhang nanginginig na nga ^.^  "   singit ni Lolo Renz at umupo na sa wheelchair nya

" Oh, sabi sayo Lala eh! Kontra ka masyado. Bleh :P "  

" Chura mo =_______= " 

Wow ah ! Maka-chura mo naman toh ! Teenager ?! Saken mo nga lang natutunan yan eh >.< 

Maya-maya pa habang sweet na sweet silang nagka-kwentuhan, biglang bumuhos ang ulan.

" Naaalala mo pa toh ? :) "  may ngiti sa labing sabi ni Lolo Renz habang inilahad ang kamay nya sa ulan.

" Oo, yung una nating pagkikita :D  "  

Ay oo nga, naaalala ko na yung kwinento sakin ni Lala na first meeting nila ^________^ 

Ganito kasi yon ....... 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Next UD na yung flashback xD hahaha ! Masabi lang na nambitin ?! x)) 

Tnx sa mga nagbasa. Matagal din ako nawala noh? Yeh. Ganun talaga ^0^ 

C OM M E N T | V O T E | S H A R E | L I K E  ^__________________^   

The Man Who Can't Be Moved [[On Hold]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon